TRUTH or dare. May hinala si Rhian na kaya iyon ang gustong laruin nila ni Abigail ay dahil meron itong pinaplano. May gusto itong mangyari. Kung hindi siguro siya lasing ay siguradong tatanggi siya sa larong iyon pero dahil sa malakas ang loob niya nang dahil sa espiritu ng alak ay siya ang kauna-unahang pumayag. “Sure! Exciting iyan. Truth or dare!” turan ko habang namumungay ang mga mata. Sa aming apat, mukhang ang mag-ama ang mauunang matutumba. Sila ni Kenzo ay lasing lang pero hindi pa tutumba. Nasanay na rin kasi siya noon sa alak. Ang lakas ng loob ni Abigail na mag-aya ng inuman pero mukhang mahina pala ito pagdating sa alak. Sa bagay na iyon ay hindi siya nito matatalo. “I am surprised na ikaw ang unang nag-agree, my dear stepmother. Akala ko ay aayaw ka kasi marami kang secre

