CHAPTER 03

2463 Words
       “YOU look nervous, darling. May problema ba? Gusto mo bang palakasan ko ang aircon? Pinagpapawisan ka kasi,” ani Mathilda kay Kenzo matapos nilang makapasok sa hotel room na binayaran ng matandang babae para gawin nila ang unang beses na pagniniig. Hindi magawang maging masaya ni Kenzo ng oras na iyon kahit pa sobrang ganda ng kwartong kanilang kinaroroonan. Wala kasi sa plano niya ang may mangyari sa kanila ni Mathilda. Hindi sa pagiging maarte pero kinikilabutan siya. Isa pa, wala siyang pagmamahal sa babaeng iyon kaya labag talaga sa kalooban niya ang gustong mangyari nito sa kanilang dalawa. Parang gusto tuloy niyang magkaroon bigla ng sunog sa hotel para magkaroon ng chance na hindi matuloy ang gusto ni Mathilda. “Kenzo?” untag ni Mathilda sa pagkakatulala niya. “H-ha?” Wala pa rin sa sariling react ni Kenzo. Ipinilig niya ang ulo sabay ngiti ng malaki. Pekeng ngiti. “H-huwag na. P-pinagpapawisan ako kasi... kasi...” “Oh! You’re excited. Ganiyan din ang ex-husband ko kapag mag-si-s*x kami. Always sweaty.” Mahinhin itong tumawa. “By the way, gusto mo bang mauna na sa shower o ako muna? Or pwede rin naman na sabay tayo.” Nagtaasan ang balahibo niya nang kindatan siya ni Mathilda na may kasamang pagkagat sa labi. “M-mauna ka na. Papahinga muna ako kahit saglit.” “Okay, darling. Wait for me. I’ll be wearing the most sexiest nighties I have!” Nag-flying kiss muna si Mathilda bago pumasok sa banyo. Diyos ko po! Para sa pera. Para sa pera... Pulit-ulit na sigaw ng utak niya. Napapapikit na siya sa sobrang kaba at takot. `Di naman niya akalain na iniisip ni Mathilda na gusto niya na may mangyari sa kanila. Ni hindi nga siya nagpaparamdam ng ganoon. Palagi niyang sinasabi na iginagalang niya ito. Kaya si Mathilda lang talaga ang nag-iisip na gusto niya na magpulo’t gata sila. “Anong gagawin ko? Mag-isip ka, Kenzo. Mag-isip ka...” Mahina niyang sabi sa sarili habang palakad-lakad. Hindi siya mapirmi sa iisang lugar. Kung aalis siya nang walang paalam ay baka ikagalit iyon ni Mathilda. Mararamdaman pa nito na ayaw niya na mag-s*x sila. Baka makipag-break ito at maghanap ng iba. Hindi iyon pwede. Jackpot na nga siya kay Mathilda. Kaunting himas pa at magagatasan na niya ito nang husto. Makakapag-ipon na sila ni Rhian para sa buhay na gusto nila para sa kanilang dalawa. Iyong buhay na malayo sa kahirapan na dinadanas nila ngayon. Huminto sa paglalakad si Kenzo nang mapadako ang mata niya sa mamahaling bag ni Mathilda na basta na lang nito inihagis sa kama bago pumasok sa banyo. Naroon din ang cellphone, gold necklace, hikaw at singsing ng matanda. Sigurado siyang puno ng pera ang bag na iyon. Tapos kapag naibenta niya ang cellphone at alahas ay malaki rin ang makukuha niya. Tanga! Barya lang iyan sa pwede mong makuha kay Mathilda kapag nakuha mo ang tiwala niya. Magiging unlimited ATM mo siya kapag nagkataon! Sigaw ng isang bahagi ng utak ni Kenzo. Tama. Mali na pagnakawan niya si Mathilda. Kapag ginawa niya iyon ay hindi na siya pwedeng magpakita rito kahit kailan. Sayang ang pagkuha niya sa tiwala nito. Mauuwi sa wala ang effort niya kapag nagkataon. Saka kapag ninakawan niya si Mathilda ay baka gamitin nito ang koneksiyon at pera nito. Paano kung ipapatay siya nito?! Nakita ni Kenzo sa kaniyang imahinasyon na wala siyang saplot na natagpuan ng mga pulis sa talahiban. Tadtad ng saksak at duguan. May nakasabit na placard sa leeg niya. Ang nakasulat ay: MAGNANAKAW AKO. HUWAG TULARAN! “Yiee!” Kinikilabutan na react ni Kenzo. Kinuskos niya ang balat sa braso dahil kinikilabutan siya. Hindi pa siya pwedeng mamatay. Ayaw niyang malungkot si Rhian. Paano na lang ito kapag nawala siya? Malulungkot nang sobra si Rhian at baka hindi nito kayanin ang pagkawala niya. Saka ayaw niyang mamatay nang hindi man lang nararansan ang maging tunay na mayaman. Marami pa siyang pangarap. Bata pa siya para mamatay. Ayaw pa niya talaga kaya hindi niya dapat nakawan si Mathilda at baka pagsisihan niya ang magiging resulta. Napaupo na lang si Kenzo sa gilid ng kama. Suko na siya. Wala siyang maisip na paraan para hindi matuloy ang pakikipagtalik niya sa matandang si Mathilda. Siguro, itinadhana ng bituin sa kalangitan na mangyari ang kagimbal-gimbal na pangyayaring ito. Wala na siyang magagawa kundi ang tanggapin. Akala mo ay nakakita ng multo si Kenzo nang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Mathilda na nakasuot na ng manipis na nighties na kulay pula. Naaaninag na nga niya ang nakalaylay nitong dede at n*****s. Mabuti at nagsuot ito ng pulang panty kaya naitago nito sa mata niya ang p********e nito. Sumandal si Mathilda sa gilid ng pintuan ng banyo at dahan-dahan na dumausdos paibaba na akala mo ay isang dancer sa isang night club. Halatang inaakit siya nito. Pero imbes na maakit ay kinikilabutan siya. “Aray ko! Aray!” igik ni Mathilda nang mapaupo na ito sa sahig at sinusubukan nang tumayo. Napahawak ito sa balakang. Nakangiwi na ito sa sakit. `Ayan! Pa-sexy pa more. Malutong na kaya mga buto mo! Natatawang turan ng isip ni Kenzo habang pigil ang paghagalpak ng tawa. “Help me, darling. Hindi ako makatayo!” anito. Pinayapay siya nito ng kamay. Agad niyang nilapitan si Mathilda at tinulungang makatayo pero napasigaw ito sa sakit dahil hindi na nito maituwid ang katawan. Parang may nag-lock na buto sa kung saang parte ng katawan nito. Hirapan tuloy itong naglakad hanggang sa makarating sa malaking kama. Humiga ito na hindi pa rin naitutuwid ang katawan. “Okay ka lang ba, darling? Anong gusto mong gawin ko?” tanong ni Kenzo. “Itong balakang ko—parang nag-lock. Ang sakit, darling!” daing nito. “Gusto mo bang tumawag na ako ng ambulansiya? Parang kailangan mong dalhin sa ospital, darling.” “Y-yes, please...” Sa loob-loob ni Kenzo ay ikinakatuwa niya ang nangyari kay Mathilda. Ang sama man na tingnan pero mukhang dininid ng nasa Itaas ang kahilingan niya na sana ay walang mangyari sa kanila ni Mathilda dahil labag iyon sa kaniyang kalooban. Hindi naman siguro makikipag-s*x pa si Mathilda sa kaniya ngayong may damage ang balakang nito. Agad na tumawag si Kenzo sa reception area sa ibaba upang magpatawag ng ambulansiya. Pagkatapos ay binalikan niya si Mathilda na nakahiga pa rin at lalong nagusot ang mukha dahil sa p*******t ng balakang. Hinimas-himas niya ang balakang ni Mathilda. “Sobrang sakit ba?” Nakalabing tumango ito. “Yes, darling... Sorry, ha. Hindi na matutuloy ang ating first time to make love. I think, I am too old for this.” Malungkot nitong turan. “Hindi naman importante sa akin ang s*x, darling. Ikaw lang, sapat na.” Impit na napatili si Mathilda. “Pinakikilig mo ako, darling. Iniisip ko kasi na baka kapag hindi ko iyon maibigay ay hanapin mo sa iba. Of course, lalaki ka. May pangangailangan ka rin.” “Lalaki nga ako pero hindi ako kagaya ng iba na hindi marunong makuntento sa isa. You are enough, darling...” Aba at bigla siyang nakapag-English nang wala sa oras. “I am so lucky to have you! Sorry nga rin pala sa mga sinabi ng friends ko sa party kanina. Masyado silang mapanghusga.” “Hindi ko naman inintindi mga sinasabi nila kasi alam ko ang totoo.” “That’s good to hear...” Mayamaya ay dumating na ang isang staff ng hotel at sinabi na nasa ibaba na ang ambulansiyang magdadala kay Mathilda sa ospital. Aakyat na rin ang mga kukuha kay Mathilda para ligtas itong maibaba. Habang nakasunod si Kenzo kina Mathilda ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya sa nasa bulsa ng suot niyang pantalon. Kinuha niya iyon at natigilan nang makitang tumatawag sa kaniya si Rhian. Huminto muna siya sa paglalakad upang sagutin iyon. “Hello, Rhian. Bakit?” “Kenzo, tapos ka na ba riyan? May problema kasi ako,” anito sa malungkot na boses. Agad tuloy siyang nag-alala. “Okay. Nasaan ka ba?” “On the way na ako pauwi. Bilisan mo, please...”   HINDI na sumama si Kenzo kay Mathilda sa ospital. Sinabihan niya si Manong Vince na sumunod ito sa ospital para may mag-asikaso sa amo nito doon. Siyempre, mas pinili niyang makasama si Rhian lalo na at meron itong problema na hindi nito sinabi kanina nang magkausap sila sa cellphone. Nag-commute siya pabalik ng Calamba. Pagbaba niya ng jeep ay nakita niya si Rhian na bumaba sa isang taxi. Alam niya na galing din ito sa Manila upang makipag-date sa isang matandang lalaki na mayaman. Parehas lang sila ng nagagawa at nauunawaan nila iyon. Walang selos dahil kampante sila na mahal nila ang isa’t isa. Kumbaga, trabaho lang. Walang feelings involved. Pinauna niya si Rhian sa paglalakad papasok sa squatter’s area kung saan sila nakatira. Mabagal ang paglalakad nito at bagsak ang balikat. Dama niya ang lungkot nito kahit hindi pa niya ito nakakausap. Hay... Ano kayang nangyari? Tanong ni Kenzo sa sarili. Nanatili siyang nakasunod sa nobya. Nang papaliko na ito sa eskinita ay saka niya binilisan ang paglalakad. Hinila niya ito sa kamay nang malapitan niya si Rhian at nang humarap ito ay hinila niya papunta sa kaniya. Binigyan niya ito ng isang mahigpit na yakap. “Namiss mo ako, `no?” bulong niya kay Rhian. “Kenzo? Nakakagulat ka naman!” “`Di ka pa nasanay sa akin, e...” aniya sabay halik sa pisngi ng nobya. Nakaugalian na kasi ni Kenzo na gulatin si Rhian kapag may pagkakataon. Gustung-gusto niya kasi ang ekspresiyon nito kapag nagugulat. Lumalaki ang mga mata nito at lalong gumaganda. Isa na rin iyon sa paraan niya ng paglalambing dito. Gumanti ng mahigpit na yakap si Rhian at naglalambing na nagsalita. “Kumain ka na ba? Hindi pa kasi ako kumakain, e.” Hinimas nito ang likuran niya. Bumaba ang kamay nito sa puwitan niya at pinisil iyon. Napaigtad si Kenzo. Ang pagpisil sa puwitan niya ang isa naman sa paglalambing ni Rhian. Nanggigigil daw kasi ito sa puwit niya dahil matambok. “Uy! Naglalambingan na naman ang lovebirds ng Turbina! Nakakainggit!” Narinig nila ang isang boses ng bakla na napadaan. Kilala nila iyon—si Mariposa. Kapitbahay nila ito at matalik na kaibigan ni Rhian. Nakabihis ito ng pambabae at mahaba ang buhok na kulay dilaw na parang sa mais. Kayumanggi ang balat at may kapayatan. “Che! Istorbo ka!” Pabirong pagtataboy rito ni Rhian. Kumalas na sila sa yakapan. “Napadaan lang ako, `no. Saka aalis talaga ako dahil meron akong rampa tonight. Bye na, mga lovebirds!” Kumaway si Mariposa at pakendeng-kendeng na naglakad palayo.   IMBES na dumiretso pauwi ng bahay ay pumunta muna sa Angel’s Burger sina Rhian at Kenzo. Parehas kasi silang gutom. Kagaya ni Rhian ay hindi rin nakakain si Kenzo sa pinuntahan nitong party. Hindi nito sinabi ang dahilan pero mamaya ay sasabihin daw nito sa kaniya. “Apat na order nga ng buy one take one na burger,” ani Rhian sa nagbabantay sa burger stall na kanilang pinuntahan. Magkatabi silang umupo sa bar stool chair na nasa harapan ng burger stall. “Apat na order?” Hindi makapaniwalang turan ni Kenzo kay Rhian. “O, bakit nagulat ka? `Wag kang mag-alala at kaya kong ubusin iyan. Talagang nagugutom ako, e. Ikaw ba?” “`Yong totoo? Gutom din ako.” Hinimas ni Kenzo ang tiyan. “Akala ko ba ay sa party kayo nagpunta ng sugar mommy mo? Bakit gutom ka?” “Hindi ako nakakain. Mamaya ikukwento ko sa iyo. E, ikaw? May date kayo no’ng matandang uugod-ugod, a. Bakit gutom ka rin?” Napasimangot si Rhian sapagkat naalala niya ang nangyari kanina. “Iyan na nga ang dahilan kung bakit nasira ang gabi ko!” Huminga siya nang malalim at nagbigay ng kaunting ginhawa sa kaniya ang aroma ng nilulutong burger patty sa harapan nila. Nakatulala siyang pinapanood ang pagluluto ng babaeng crew ng burger stall.. “Ha? Bakit? Anong nangyari? Ang saya-saya mong umalis sa bahay kanina kasi sabi mo ay pangako sa iyo `yong sugar daddy mo na regalo.” “Nahuli kami ng misis niya! Sinugod ako sa restaurant ng asawa ng damuho bago pa siya makapunta. Kung anu-anong sinabi sa akin, Kenzo. Sobrang napahiya ako. Feeling ko nga ay may nag-video pa. Naku, baka bukas ay viral na ako. Nakakahiya talaga!” Maluha-luhang pagku-kwento ni Rhian. “Ano?! Ipinahiya ka ng babaeng iyon?!” Napatayo si Kenzo sa kinatatayuan. “Saan ang bahay niyon? Susugurin ko! Walang pwedeng magpahiya sa girlfriend at mapapangasawa ko!” Hinampas niya ito sa braso. “Ang OA! Umupo ka nga. Kumalma ka!” “E, pa’ano ako kakalma kung ganiyan na ipinahiya ka? Ako nga at kuntodo protekta sa iyo tapos gaganunin ka lang!” “Hala... Ang sweet naman ng jowa ko!” Kinikilig na bulalas ni Rhian. “Hindi mo na kailangang sugurin iyong babaeng iyon. Saka sobrang yaman nila at mukhang maraming connections. Baka ipatumba ka kapag sinugod mo. Mahirap kalaban ang may pera. Ikaw may sabi niyan sa akin dati. Natatandaan mo?” Bumakas ang lungkot sa gwapong mukha ni Kenzo. Bagsak ang balikat na bumalik ito sa pagkakaupo. “Sorry, ha. Wala kasi akong maraming pera kaya kapag ganitong napapahiya ka o naaagrabyado ay wala akong nagagawa. Hanggang yabang lang ang alam ko...” “Gago ka. Ang drama mo. `Di bagay sa iyo!” biro niya. “Joke lang! Alam mo, Kenzo, wala akong pakialam kahit wala kang pera. Ang importante ay love kita at love mo ako. Saka iyang pera na iyan? Magkakaroon din tayo niyan. `Yong unlimited at hindi nauubos. At kapag marami na tayong pera, wala nang pwedeng umapi sa ating dalawa!” “`Eto na po ang order ninyo...” Naistorbo ang pag-uusap nila nang sumingit ang crew ng burger stand. Labis ang pagtataka nila dahil umiiyak ito habang inaabot ang burger nila na nakalagay sa plastik. Para bang may umaway dito nang hindi nila nakikita. “Miss, anong nangyari sa iyo? Bakit ka umiiyak?” takang-tanong ni Rhian. “E, paano po... nakakainggit kayong dalawa! Sa harapan ko pa talaga kayo nagmamatamisan! Sana all may jowa, `no!” At napahagulhol ito. “Magkaka-jowa ka rin, miss!” aniya habang inaabot ang bayad. “Ayokong umasa. Sa pangit kong ito, walang magseseryoso sa akin! Paglalaruan lang nila ako at gagawing katawa-tawa!” “Ay, may pinaghuhugutan ka yata?” Napahawak sa dibdib si Rhian. “Sige na, aalis na kami, ha. Don’t worry, dadalhan kita ng mga kolorete ko sa face saka iyong ginagamit kong skin care para gumanda ka!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD