MAAGANG nagising si Kenzo kinabukasan ng umaga. Madilim pa sa labas ay naliligo na siya. Matapos iyon ay bumili na siya ng pandesal at nagprito ng itlog. Nauna na siyang nag-almusal kay Rhian dahil tulog pa ito.
Babyahe pa kasi siya papuntang Makati para bisitahin si Mathilda sa bahay nito sa Forbes Park. Nag-message ito kagabi na nakalabas na ito ng ospital at pinayuhan ng doktor na magpahinga sa bahay at huwag na munang magkikilos ng ilang araw.
Pabor iyon kay Kenzo dahil hindi na siya mapipilit ni Mathilda na gumawa ng mga bagay na labas sa kaniyang kalooban. Talagang ibang kilabot ang nararamdaman niya kapag naaalala na muntik nang may mangyari sa kanila kagabi!
Bago umalis ng bahay ay nag-iwan siya ng note sa lamesa para kay Rhian. Sinabi niya na kumain na ito ng almusal. Kailangan niya lang umalis at puntahan si Mathilda pero babalik din siya bago gumabi kaya magluto ito ng masarap na ulam para sa hapunan.
Nag-iwan siya ng dalawang libong piso para meron itong pambili. Hindi kasi siya sigurado kung may pera ba ito dahil nabulilyaso ang raket nito kagabi.
Naawa nga siya sa nobya niya hindi niya lang ipinahalata. Kilala niya kasi si Rhian na pakiramdam nito ay malakas itong babae. Ayaw nito ng kinakaawaan. Palagi itong palaban. Kung pwede nga lang na siya na lamang ang kumilos para sa pangarap nilang dalawa pero hindi niya kasi kaya nang mag-isa. Kailangan niya ang tulong ni Rhian.
`Di bale, sa oras na magkaroon na sila ng maraming pera ay titigil na sila sa kanilang ginagawang panloloko sa mayayamang tao. Talagang kailangan nila na magdoble-kayod lalo na at mataas at malaki ang pangarap nila para sa kanilang dalawa.
“Kenzo! Nasaan si Rhian?” Napahinto siya sa paglalakad nang sitsitan siya ng kaibigan nilang bakla na si Mariposa. Nasa harapan ito ng sari-sari store nito na sa umaga ay nagbebenta ng mga pang-almusal kagaya ng spaghetti at pansit.
“Nasa bahay. Tulog pa. Hoy, Mariposa. Baka isasama mo sa raket mo sa gabi ang asawa ko, ha. Dudugo `yang nguso mo sa akin. Subukan mo lang!”
Nagbubugaw kasi si Mariposa ng mga p****k tuwing gabi. Sinasabihan nga nila ito na baka mahuli ito. Paniguradong tapos na ang maliligayang araw nito. Anito, kagaya nila ay kailangan nitong kumayod nang husto. May boyfriend kasi itong nineteen years old na pinag-aaral nito ng college. Magka-live in ang dalawa.
“Tarantado! Hindi ko isasama sa kadiliman ang BFF ko. E, may mamimigay kasi na private kineme sa covered court mamaya. Mga groceries at cash. Sayang din!”
“Aba, kung ganiyan ay maganda. Puntahan mo mamaya sa bahay. Late na naman iyon magigising, e.”
“Okay! Ikaw, sa’n ang gora mo? Bihis na bihis at ang bango-bango!”
“Wala ka nang pakialam! Magtinda ka na lang diyan!” Natatawang sigaw ni Kenzo kay Mariposa at nagpatuloy na siya sa paglalakad palabas ng kanilang lugar.
May nakita siyang batang babae na nagbebenta ng rosas. “`Neng, magkano isa niyan?”
“Isandaan, kuya.”
“O, `eto... Bigyan mo ako ng tatlo.” Inabutan niya ng tatlong daang piso ang bata at saka binigyan siya ng tatlong rosa. Maganda na may dala siyang ganoon para kay Mathilda. Paniguradong dadag pogi points na naman siya. Kikiligin at matutuwa pa ito at baka madali siyang makahingi ng pera.
Sumakay na siya ng tricycle papunta sa bus station. Mula doon ay sasakay siya ng bus papuntang Makati at taxi naman hanggang sa bahay ni Mathilda. Kilala na siya ng guard ng pangmayamang village na tinitirahan ni Mathilda kaya madali na siyang nakakapasok. Ilang beses na rin kasi siyang naisama roon ni Mathilda.
Halos dalawang oras ang inabot ng biyahe ni Kenzo bago nakarating sa kaniyang destinasyon. Ang tindi kasi ng traffic sa Manila. Hindi na yata iyon mawawala.
Nag-doorbell siya at nang pagbuksan siya ng guard ay kapansin-pansin ang gulat sa mukha nito.
“Sir Kenzo! Ikaw pala `yan!” anito.
“Malamang! Ako nga. Para kang nakakita ng multo, a! Si Senyora Mathilda mo? Nandiyan ba?”
“Nasa k-kwarto niya—Ay! Wala po pala!” Obvious na natataranta ito.
Nagkaroon tuloy siya ng hinala na meron itong itinatago sa kaniya.
Tinapik-tapik niya ito sa balikat. “Nasabi mo nang nasa kwarto, e!” tawa pa niya.
Hindi na niya hinintay pang papasukin siya ng guard at kusa na siyang pumasok. Akmang pipigilan pa siya nito pero hindi niya ito binigyan ng pansin. Tuloy-tuloy lang siya hanggang sa makapasok na siya sa loob mismo ng malaking bahay ni Mathilda. Nasa second floor lang ang kwarto nito dahil rarayumahin ito sa pag-akyat sa hagdan kung doon pa sa third o fourth floor.
Sa ikinilos ng guard kanina ay talagang may kakaiba. Merong mali.
Malalaki ang hakbang na tinungo ni Kenzo ang kwarto ni Mathilda. Sandali siyang huminto sa gold na pinto na may nakaukit na mukha ni Mathilda noong ito ay dalaga pa. Akala mo ay isa itong kontrabida sa lumang peleikula. Ang nipis at taas ng kilay.
Kakatok sana siya pero hindi niya itinuloy. Bagkus ay hinawakan niya ang door knob at malakas iyong binuksan.
Nanlaki ang mata niya sa senaryong bumulaga sa kaniya. Nasa ibabaw si Mathilda ng kama nito at may kasamang lalaki na matipuno ang pangangatawan. Parehas walang saplot ang mga ito. Nakabukaka si Mathilda at tumitirik ang mata habang nakasubsob ang mukha ng lalaki sa nasa pagitan ng mga hita ng matandang babae.
Kaya naman pala ganoon kakabado iyong guard. Ayaw nitong malaman niya na may kasamang ibang lalaki ang amo nitong matanda.
“There! There! Lick it!!!” Halos mabaliw-baliw si Mathilda sa pagsigaw.
Naduwal si Kenzo sa nakita. Narinig iyon ng dalawa kaya akala mo ay mga pusang binuhusan ng tubig na naghiwalay ang mga ito.
“Kenzo! What are you doing here?” Parang walang nangyari na tanong nito.
“Ano `yan, Mathilda? Sino ang lalaking iyan?!” Mataas ang boses na tanong niya.
Hindi sa nagseselos siya na may ibang katalik na lalaki si Mathilda. Natatakot siya na baka meron na siyang kahati rito. Baka mas magustuhan nito iyon at itapon siya na parang basura o basahan. Kapag nangyari iyon ay malaki ang mawawala sa kanila ni Rhian.
Inabot ni Mathilda ang kulay gold na bag na nakalagay malapit sa paanan ng kama. Humugot ito ng lilibuhing pera at inabot sa lalaki.
“Tapos na ba tayo?” tanong ng lalaki kay Mathilda.
“For now. I’ll call you kapag kailangan kita. You may go now.”
Nagbihis na ang lalaki matapos kunin ang pera. Nakangisi pa ito sa kaniya na parang nakakaloko. Masaya itong umalis dahil sa perang ibinigay ni Mathilda.
Itinapon niya sa sahig ang tatlong rosas at nilapitan si Mathilda na nagtapis na lang ng tuwalya at umupo sa kama habang nakasandal ang likod sa headboard. Malaki ang ngiti nito.
“Come here! Give me a kiss!”
“Ayoko nga! Baka kung saan mo pa ginamit iyang bibig mo!” asik niya. “Saka ano `yon? Nagbabayad ka na ng lalaki para paligayahin ka?”
“I have my needs. Matanda na ako pero I still need s*x. And obviously, you’re hesitant to have s*x with me that’s why I am paying men. Saka ano bang pinagkaiba mo sa kanila? Binibigyan din naman kita ng pera. Magkaiba nga lang ang role ninyo. Sila, they make my p***y full while you full my heart!”
Aalma sana siya sa sinabi nito pero naisip niyang tama ito. Marahil ay nararamdaman na rin ni Mathilda na malambing lang siya kapag meron siyang kailangan.
“D-darating din naman tayo sa ganoon,” katwiran ni Kenzo.
“Kailan pa? Matanda na ako. Baka bulok na ako sa hukay saka mo lang maiisipan na makipagtalik sa akin! I love you, Kenzo, pero may pangangailangan ako. Alam kong naiintindihan mo ako.”
“Iginagalang lang naman kita—”
“Damn it! Hindi na ako teenager na virgin pa. Iginagalang? Ayoko niyan. Bastusin mo ako, Kenzo! Bastusin mo ako!”
“Saka talagang nagawa mo pang makipag-s*x kahit sinabi ng doktor na magpahinga ka? Saka ganitong kaaga talaga?!”
“Walang oras ang libog ko, Kenzo! By the way, enough of that. Ayoko rin sana na malaman mo ang dirty little secret ko pero wala na akong magagawa. Alam mo na. But don’t worry. You’re still number one for me. Ikaw ang top priority ko.”
Wow! Matandang playgirl lang? Natatawang sabi ng utak niya. Nagmumurang-kamyas talaga itong si Mathilda.
Tumiim ang bagang ni Kenzo. Gusto niyang sumbatan si Mathilda ngunit naisip niya na wala pala siyang maisusumbat dito. Hindi niya ito kayang pagsalitaan ng hindi maganda at baka magalit ito at makipaghiwalay sa kaniya.
Huminga siya nang malalim at kinuha ang mga rosas na itinapon. Inabot niya iyon kay Mathilda. “Para sa iyo. Pumunta ako rito para dalawin ka dahil alam kong galing kang ospital pero iba pala ang maaabutan ko...” Nagkunwari siyang malungkot nang umupo siya sa gilid ng kama. Para maramdaman ni Mathilda na nagseselos siya kahit ang totoo ay hindi.
“Oh! Wow! Cheap roses!” Balewalang ipinatong iyon ni Mathilda sa lamesa sa tabi ng malaki nitong kama. “By the way, I am okay now. Hindi na masakit ang balakang ko. Baka ituloy ko na rin iyong ino-offer ng doctor ko na therapy para sa buto ko.”
“Magpa-therapy ka na pero hindi palaging sumasakit ang buto mo. Paano tayo makakapag-hiking niyan kung sumasakit palagi iyan sa kaunting galaw mo. Tapos kung makabukaka ka pa kanina—”
“O, stop, Kenzo! Hindi ako kumportableng pinag-uusapan ang ganoong bagay!” Kinikilig itong humagikhik.
Umusog siya palapit kay Mathilda. Inakbayan niya ito at kinabig palapit sa kaniya. Ki-niss niya ito sa pisngi.
“How much do you need?” Diretsong tanong ni Mathilda.
“Ha?”
“Come one, Kenzo. Alam kong kailangan mo ng pera kapag ganiyan ka na naglalambing. Say it now. Mabilis akong kausap.”
Wow! Ang dali na nga niyang kausap ngayon. Pero hindi niya dapat isipin na pera lang ang habol ko sa kaniya. Mawawalan siya ng gana sa akin... ani Kenzo sa sarili.
Umiling si Kenzo. “Hindi ko kailangan ng pera. Ganoon ba ang tingin mo sa akin? Nandito ako para masiguro na ayos ka na at masaya ako na maayos ka na.” Tuluyan na niyang niyakap si Mathilda.
“Kaya love kita, e. Sobrang sweet mo sa akin!” hagikhik ni Mathilda. Sa sobrang paghagikhik nito ay umubo ito nang sunud-sunod na akala mo ay matatanggalan na ng baga.
Nagkunwaring nag-aalala na hinaplos-haplos niya ang likod ng matanda. “`Ayan! Huwag ka kasing tumawa nang malakas...” Paalala niya.
“I’m okay. Medyo nasamid lang ako.”
Pinaabot ni Mathilda ang bag nito at naglabas ng pera. Makapal. Marahil ay nasa twenty thousand pesos iyon. “Here.” Inabot nito ang pera.
“Mathilda, ang sabi ko ay—”
“Take it. Alam ko na kailangan mo ng pera. Ayokong nagugutom ka at hindi nabibili ang gusto. Sige na.”
“Pero...” Ibinitin niya ang sasabihin at umaktong napipilitan na kinuha ang pera. “Sige na nga, kukunin ko na ito. Maraming salamat, Mathilda. The best ka talaga!”
“Anything for you, Kenzo! By the way, hindi pa ako nag-aalmusal. Sabayan mo na ako sa ibaba. Nagpahanda na ako kanina pa sa maids ko. For sure, ready na iyon.”
Masayang-masaya si Kenzo. Nakuha niya kasi ang totoong pakay niya sa pagdalaw kay Mathilda at iyon ay ang makahingi ng pera rito.