MINSAN ay nagulantang si Rhian nang umuwi isang gabi si Kenzo na may mga pasa sa mukha at may dugo sa bibig. Takot na takot siya. “Anong nangyari sa iyo?! Napaaway ka ba?” Puno ng pag-aalalang tanong niya sa lalaki.
Eksaktong wala si Klara sa bahay at may pinuntahan na birthday-an sa kabilang baranggay. Inuman marahil kaya naengganyong pumunta.
Agad na isinarado ni Kenzo ang pinto at humiga sa sahig. “Si nanay, nasaan?” Humihingal nitong tanong habang nakatingin sa kaniya.
Nasa tabi siya nito at hindi malaman kung ano ang gagawin. “Wala. May pinuntahan! Teka, `wag muna si nanay mo ang intindihin mo! Ikaw muna. Sandali, kukuha ako ng panglinis sa sugat mo!” Natataranta na si Rhian pero pinilit niyang pakalmahin ang sarili dahil hindi siya makakapag-isip ng maayos.
Nilinis at nilagyan niya ng gamot ang pasa at sugat ni Kenzo sa mukha.
Doon ay inamin nito na nabugbog ito ng pinagnakawan nito ng cellphone na isa palang pulis na hindi nakasuot ng uniporme. Inamin din ni Kenzo na sumasama ito sa mga kaibigan nitong magnanakaw para kumita ng pera. Kagaya pala niya itong hindi nakapagtapos ng pag-aaral kahit high school kaya talagang nahihirapan ito sa paghahanap ng trabaho.
“Rhian, huwag mong sasabihin kay nanay ang ginagawa ko. Magagalit iyon sa akin. Baka isumpa niya ako na sa masama ko kinukuha ang perang ipinapakain ko sa kaniya.” Pakiusap ni Kenzo.
Alam ni Rhian na masama ang ginagawa ni Kenzo at labag iyon sa batas ngunit hindi niya rin ito masisi. Desperado itong magkaroon ng pera upang maitawid ang isang araw.
Sa gabing iyon ay mas nakilala ni Rhian si Kenzo lalo na ang kagustuhan nito na makaahon sa hirap. Marami silang napagkwentuhan hanggang sa dumating na ang lasing na si Aling Klara. Mabuti’t lasing ito dahil hindi nito napansin ang hitsura ng mukha ng anak nito.
Lumipas ang ilang araw hanggang sa may napansin si Rhian kay Kenzo. Napapadalas ang pagbibigay nito ng mumurahing tsokolate sa kaniya at minsan ay bulaklak. Hanggang sa umamin na ito na may gusto sa kaniya at inumpisahan na siyang ligawan...
“RHIAN? Hoy!”
Napapitlag si Rhian nang maputol ang pagbabalik-tanaw niya nang tapikin siya sa pisngi ng nobyong si Kenzo. Nakakunot ang noo nito habang inaabot sa kaniya ang isang bote ng softdrink na may pulang straw.
“Ha?” Iyon lamang ang nasabi ni Rhian.
“Anong ha? Ang layo yata ng nililipad ng isip mo. Iyong nangyari pa rin ba kanina?” Kakatapos lang nilang kumain ng buy one take one na burger. Nakaupo pa rin sila sa may harapan ng burger stand.
Umiling siya. “Hindi iyon. Bigla ko kasing naalala si nanay mo...”
Sa isang iglap ay nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Kenzo. Binalot ito ng lungkot. Isang taon na kasing patay si Aling Klara. Nasagasaan ito ng rumaragasang truck habang tumatawid ng lasing. Ang nakakalungkot pa ay tinakbuhan ito ng nakabangga at hindi agad natulungan. Dead on arrival ito. Hindi na umabot pa sa ospital para sana ma-revive.
Saksi si Rhian sa pagmamahal ni Kenzo sa ina nito. Lahat ay gagawin nito para kay Aling Klara. Kapag nagkakakwentuhan silang dalawa ay hindi pwedeng hindi kasama sa pangarap nito ang ina. Nais kasi ni Kenzo na makaranas ng ginhawa si Aling Klara pero hindi na iyon mangyayari dahil wala na ito.
“Ano naman ang naaalala mo kay nanay? Iyong bunganga niyang parang armalite?” Tumawa si Kenzo pero malungkot ang mga mata.
“Kasama na iyon!” Tumawa na rin si Rhian upang kahit paano ay mabawasan ang lungkot ni Kenzo. “Pero siyempre, kasama na iyong masasaya nating memories kasama siya. Iyong pagtanggap niya sa akin. Nakakatuwa na kahit hindi niya ako kilala ay tinanggap niya pa rin ako sa buhay ninyong dalawa.”
“Nakita kasi ni nanay na mabuti kang tao. Namiss ko tuloy si nanay! Isang gin bilog lang, happy na iyon!”
“Ay totoo!” Pagsang-ayon ni Rhian.
MATAPOS maubos ang softdrinks ay umuwi na sina Rhian sa kanilang bahay na hanggang ngayon ay isa pa ring barung-barong. Iyon ang alaala na iniwan sa kanila ni Aling Klara. Naglinis sila ng kanilang mga katawan at magkatabing humiga sa papag na may manipis na kutson.
Nakaunan si Rhian sa braso ng kaniyang nobyo habang nakayakap siya rito. Kapwa sila nakatingin sa bubong na may iilang butas na kapag umuulan ay tumutulo. Sinusuksukan na lang nila iyon ng kahit anong karton o kaya ay inililipat nila ang higaan para maiwasan ang pagkabasa.
“Hanggang kailan kaya tayo sa bahay na ito, Kenzo?” Mula sa kung saan ay tanong ni Rhian. Ganoon kasi sila talaga bago matulog. Nag-uusap.
“Gusto mo na bang umalis dito? `Di ba, ang plano natin ay hindi natin ito gigibain kahit pa may malaki na tayong bahay?”
“Alam ko naman iyon. Paniguradong babangon sa hukay si Tita Klara kapag pinabayaan natin itong bahay niya. Ang ibig kong sabihin ay kailan kaya tayo yayaman?”
Ang totoo ay maaari na silang umalis sa bahay na ito. May pera na sila na pangbayad sa upa sa isang apartment. Pero talagang kahit sa kaniya ay napamahal na ang bahay na ito. Lahat ng alaala niya rito ay masaya.
“Hmm... May feeling ako na malapit na! Si Mathilda—baka kapag namatay iyon ay pamanahan ako. Iyong makakasama ba ako sa huling habilin niya!”
Hinampas ni Rhian sa dibdib si Kenzo. “Gago! Manggagantso lang tayo. Hindi tayo mamamatay-tao!”
“Baliw! Sa tingin mo ay papatayin ko ang matandang iyon? Ibig kong sabihin ay may pakiramdam ako na baka mamatay na siya. Matanda na kasi. Sumasakit na nga ang balakang kaya hindi natuloy ang pagsi-s*x namin!”
Bumunghalit ng tawa si Rhian nang maalala ang ikinuwento ni Kenzo kanina tungkol sa nangyari rito at kay Mathilda sa isang hotel.
“Naku, kapag ikaw natikman ni Mathilda! Yari ka!” tawa pa niya.
“Hindi iyon mangyayari. Sumpa man sa ibabaw ng puntod ng nanay ko! Saka isang babae lang ang makakatikim sa katawan kong ito!”
“At sino? Aber!”
“Tinatanong mo pa? Malamang, ikaw! Sino bang gelpren ko?”
“Malay ko ba kung meron pang iba!” Pabiro siyang umirap.
Ganoon talaga sila maglambingan. Akala mo ay nag-aaway at nagkakaroon ng pagseselos ngunit sa kanila ay purong biruan lang. Nakikipagkita at nakikipag-date nga sila sa ibang tao nang walang nararamdamang pagseselos, e.
“Sana kapag nagkaroon tayo ng bahay ay hanggang third floor. Tapos may swimming pool sa rooftop...” Sandaling napahinto sa pagsasalita si Rhian nang maramdaman niya ang isang kamay ni Kenzo na lumapat sa kaliwa niyang dibdib.
Mainipis ang suot niyang t-shirt kaya naman damang-dama niya ang mainit nitong palad. Wala pa siyang suot na bra dahil nakasanayan na niyang hindi magsuot kapag matutulog sa gabi. Para nakakahinga naman ang dibdib niya lalo na at medyo malaki ang mga iyon.
Napasinghap si Rhian nang mag-umpisang gumalaw ang kamay ni Kenzo. Napapikit siya sa masarap na sensasyon na lumukob sa kaniya.
“Kenzo...” ungol ni Rhian.
Walang naging sagot si Kenzo. Nagpatuloy ito sa paghaplos sa kaniyang dibdib. Tila hindi ito nakuntento sa ganoon at ipinasok na nito sa loob ng kaniyang damit ang kamay nito. Pinigil niya ang mapaungol.
Gumalaw si Kenzo at pumaibabaw sa kaniya. Inumpisahan siya nitong halikan sa labi. Gumanti naman siya at napayakap na sa nobyo.
“Rhian, pwede na ba?” bulong nito sa tenga niya.
“Kenzo... Napag-usapan na natin ito...” sagot niya habang pinapaulanan nito ng halik ang leeg niya.
Ang tinutukoy niyang napag-usapan na nila ay ang tungkol sa p********k. Gusto ni Rhian na birhen siyang papakasalan ni Kenzo. Ang nais niya ay dito niya iaalay ang kaniyang p********e dahil deserving si Kenzo sa bagay na iyon lalo na’t alam niya na mahal na mahal siya nito at lahat ay ginagawa nito para sa kaniya.
“Please...” Nahihirapang pakiusap ni Kenzo. Pababa na ang halik nito sa kaniyang dibdib.
Itinaas nito ang damit niya hanggang sa leeg. Tuluyan nang lumantad ang kaniyang dibdib.
Nang maramdaman niya na isinubo ni Kenzo ay puno ng kaniyang dibdib ay doon na siya parang nagising. Itinulak niya nang malakas ang nobyo. “Kenzo!” Medyo mataas ang boses niya. Ibinaba niya ang damit at nagbalot ng kumot.
Maraming beses nang nangyayari sa kanila ang ganito. Iyong muntikan nang may mangyari sa kanila pero sa kalagitnaan ay humihinto siya. Ayaw pa niya. Hindi pa siya handa. Natatakot din siya na baka mabuntis siya. Kahit pa sabihin na merong condom ay hindi pa rin masasabi na hindi siya mabubuntis.
Alam ni Kenzo na hindi pa siya pwedeng mabuntis dahil matitigil siya sa pang-aakit sa mayayamang lalaki na pinagkakaperahan nila. Hindi naman sa hindi niya nais na magkaroon ng anak. Ang gusto nga niya ay maraming anak. Kahit isang dosena pa. Ang kaniya ay mas maganda kung nasa tamang panahon ang lahat ng mga bagay kagaya ng pagkakaroon nila ng anak ni Kenzo. Isa pa, mas maganda para sa kaniya kung mangyayari iyon kapag kasal na silang dalawa.
“Sorry...” ani Kenzo. Kitang-kita sa mata nito ang sincere na paghingi ng tawad. Binatukan nito ang sarili. “Hay! Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Nakalimutan ko na hanggang kiss at yakap lang muna tayong dalawa! Natakot ka ba sa kin? Sorry talaga...”
Umiling siya. “Hindi. Hindi naman ito ang first time na nakalimot ka. Okay ka na ba? Malambot na ba iyang... ano mo?” tanong niya.
“Medyo. Sorry talaga, Rhian. Minsan talaga ay ang hirap magpigil.”
“Naiintindihan kita...” Kahit paano ay naaawa pa rin siya kay Kenzo. Bilang girlfriend kasi ay hindi niya maibigay nang lubusan ang pangangailangan nito bilang isang lalaki. “P-pasensiya ka na rin kung... ayoko pa. Mabuti pa siguro ang ibang babae, maibibigay sa iyo `yon.”
“Ano bang pinagsasabi mo?” Kinuha nito ang isa niyang kamay. “Anong ibang babae? Ayoko ng ibang babae. Ikaw lang ang gusto at mahal ko. Wala nang iba.”
“Pero—”
“Rhian, wala nang pero-pero. Ikaw lang ang babaeng gusto ko. Gago lang talaga ako kanina dahil nakalimot ako. Sorry talaga. Minsan talaga ay malibog itong boyfriend mo!” Muling binatukan ni Kenzo ang sarili.
Sa sinabing iyon nito ay nakampante na ulit ang isip ni Rhian. Alam naman niya na hindi maghahanap ng ibang babae si Kenzo. May mga ganitong pagkakataon nga lang na naaawa siya rito dahil alam niya na meron itong pangangailangan.
“Tama na nga iyan. Matulog na tayo. Inaantok na ako,” paglilihis niya ng usapan.
“Ako rin, e. Bigla akong inantok. Tabi na ulit tayo. Promise, behave na ako!” May pagtaas pa ito ng kanang kamay na akala mo ay nanunumpa.
“Siguruhin mo lang, ha! Iyong balisong ko ay palaging nasa ilalim ng kutson. Gusto ko lang ipaalala sa iyo!” biro ni Rhian.
“Oo na. Takot ko na lang sa balisong mo!”
Umayos na ulit ng pagkakahiga sina Rhian at Kenzo. Nakatagilid siya habang nakayakap si Kenzo sa likuran niya. Payapa siyang pumikit at tinupad nga nito ang pangako na hindi na gagawa ng kababalaghan. Nakayakap lang ito sa kaniya.
Kahit sa manipis na kutson lang sila natutulog ay parang makapal at malambot na rin iyon dahil sa katabi niya si Kenzo. Wala nang mas sasarap pa sa matulog na ang katabi mo ay ang taong iyong minamahal ng totoo!