“KINAUSAP mo ba si Rhian?” Iyon ang tanong na sumalubong kay Kenzo nang makabalik siya sa table nila ni Abigail. May pagdududa sa tono ng pagsasalita nito na para bang alam nito na may ginawa siyang masama. Umupo siya sa tabi ng nobya matapos ilagay sa lamesa ang dalang pagkain. “Hindi, a. Bakit ko naman siya kakausapin? Ano bang pwede kong sabihin sa kaniya?” “Nothing. Para kasing nag-uusap kayo. Anyway, nevermind that. Gusto ko lang sabihin sa iyo na after this breakfast ay mag-empake na tayo ng gamit natin. We’re leaving.” “Ha?” “Nawalan na ako ng ganang mag-stay pa rito. You know me. Hindi ako napipirmi sa iisang lugar. Kung hindi nga lang dahil sa Rhian na iyon ay hindi ako titira sa bahay namin.” “Okay.” Tutol man sa desisyon na iyon ni Abigail ay walang nagawa si Kenzo

