Chapter 24

1273 Words
"Anong ibig sabihin ng mga larawang kumakalat sa social media, Dark?!" matalim na tanong ni Mrs. Vellama, ang ina ni Dark Nathaniel, habang galit na galit nitong itinulak sa harapan niya ang tablet kung saan naka-flash ang mga litrato. "Naging viral ang ginawa mong paghalik sa isang katulong!" Kumakabog ang dibdib nito sa inis at kahihiyan. "Paano mo ngayon ito aayusin?! At higit sa lahat, sino ang katulong na 'yon?!" Mariin ang boses nito, punung-puno ng dismaya at matinding galit. "At talaga bang gigil ka sa paghalik sa kanya, Dark?!" dugtong nito habang naglalakad paikot sa sala na tila handang sumabog anumang oras. Hindi makatingin si Dark sa ina. Napakagat siya sa labi, hindi dahil sa takot—kundi dahil sa alaala. Sariwa pa sa kanyang isipan ang init ng halik na iyon… ang pagkabigla ni Roxane, ang paninigas ng kanyang katawan, at ang pagkalunod niya sa biglaang damdaming hindi niya maipaliwanag. Para bang sa mismong sandaling iyon, huminto ang mundo nila. Tulala siyang nakaupo, nakatitig sa kawalan, habang ang isipan niya’y paulit-ulit na bumabalik sa eksenang iyon. Nagsasalpukan na ang emosyon niya—pagkalito, kaba, ngunit higit sa lahat, ay ang pagnanasang maulit pa ang halik na iyon. "Oras lang ang lumipas mula nang makauwi tayo galing Vellamonte Corp..." mahina at parang pabulong niyang nasambit, ngunit ang buong katawan niya ay tila nakuryente sa bilis ng pangyayari. "Ngunit naging viral na agad iyon..." saad ni Dark, habang nanlalalim ang tingin sa hawak niyang cellphone. Napailing siya, bakas ang kunwa’y pagkadismaya sa kanyang mukha—pero ang totoo, halos hindi siya makapaniwala sa bilis ng pagkalat ng iskandalo. Isang halik lang ‘yon, pero buong social media, gising na gising. Halos tumalon ang dibdib niya—pero hindi sa kaba. Sa sobrang tuwa. Sa matinding kasiyahan na para bang isang tagumpay ang naitala. Hindi lang dahil planado niyang mangyari ang lahat, kundi dahil... Oo, gusto nga niyang pikutin ang katulong na 'yon. At sa totoo lang, ni katiting na pagsisisi, wala. Ni balak na ayusin ang eskandalo? Wala rin. Bakit niya aayusin, kung ang buong mundo na mismo ang saksi sa unti-unting pag-angkin niya sa babaeng gusto niyang mapasakanya? Muli siyang ngumiti—ngiti ng isang lalaking alam ang ginagawa niya. "Let them talk..." bulong niya sa sarili, "Dahil sa dulo ng lahat ng ito—akin na siya." masayang sambit niya, ngunit palihim iyon sa kaharap niyang ina. "‘Wag kang mag-alala, Mama." Malambing ngunit may halong biro sa tinig ni Dark. "Aayusin ko ang problemang ito... para sa inyo." Ngising tagumpay niyang dagdag, ngunit sa loob-loob niya, hindi talaga iyon ang intensyon. Hindi para ayusin—kundi para lalo pang guluhin sa pabor niyang paraan. Napatingin si Mrs. Vellama sa kanya nang mariin, parang sinusuri kung nagsasabi ba ng totoo ang anak niya. "Siguraduhin mo lang, Dark... hangga’t hindi pa dumarating ang pamilya Guerrero!" mariing babala ng ginang, bakas ang kaba at tensyon sa kanyang tinig. Ayaw niyang mapahiya—lalo na sa mga taong mataas ang tingin sa kanilang pamilya. Bumuntong-hininga si Dark, pero halatang pigil ang inis at pasensya. Kailangan niyang magpanggap. Maging mabait. At kunwari’y sunud-sunuran. Kaya’t kahit gusto na niyang matawa, sapilitan siyang ngumiti at sinagot ang ina ng buong pagkukunwari— "SURE," ani Dark, maikli pero puno ng double meaning. At bago pa mapansin ang malamig na tono niya, mabilis na siyang nagpaalam at umalis. Sa likod ng kanyang isip, iisa lang ang malinaw: "Hindi ko ito aayusin, Mama... lalo ko pa itong palalakihin." At sa dulo ng iskandalo — si Miss Hermenez pa rin ang magwawagi sa puso ko," malambing na sabi niya. Samantala... Malalim na ang gabi. Tahimik ang buong paligid, pero si Roxane? Gising na gising, parang may limang baso ng kape na ininom. Tulala siya sa isang tabi ng kama, hawak-hawak ang unan na parang ‘yon lang ang kakampi niya sa mundo. Sa tantiya niya, alas-nuwebe na. Pero para sa kanya, parang alas-tres ng madaling araw—ganun kabigat ang konsensyang hindi niya naman hiniling! "Ayyy! Nakakahiya talaga kanina!" Napakapit siya sa ulo niya na para bang sinusumpong ng allergy sa kahihiyan. "Hinalikan ako ni Sir... sa harap pa ng sambayanan!" Panic mode na siya. Parang gusto niyang mag-self-exile sa ilalim ng kama for the rest of her life. "Tiyak! Aalisin na nila ako sa trabaho!" Dramatic pause. "Goodbye, thirty thousand kada buwan... hello, sardinas araw-araw." Napahiga siya sa kama, nakapatong ang braso sa noo parang nasa teleserye. "Ano ba kasi nangyayari kay Sir Dark?" Napakunot-noo siya. "Nung una niyakap niya ako... pangalawa, hinalikan niya ako..." Napamura siya ng mahina. "Ano ’to, checklist ng pang-romcom? ’Pag umabot pa ’to sa 'accidental kasal,' magdadasal na talaga ako ng novena!" Bigla siyang napatigil. Nagsalubong ang kilay niya at unti-unting natigilan sa pagra-rant nang may maalala siya. "Ay, teka..." Biglang seryoso ang mood. "Hindi pa pala ako... ay, hindi! HINDI NA pala ako virgin!" Tumigil siya. Tapos bigla siyang napabulalas: "NAKS! As if naman alam ko kung sino yung lalaking ’yon!" Slow clap para sa sarili. "Si inay talaga! Lagi na lang tulog pag gusto ko siyang tanungin!"Hindi ko rin naman pwedeng sisihin si Inay dahil alam kong pagod siya sa kakalabada araw-araw. Napasapo siya sa noo, tapos biglang nagtatalon ang utak niya sa worst-case scenario. "Baka mamaya... si Sir Dark pa ’yon?! Ay, ewan! Baka next week may baby bump na ako, pero trinta mil pa rin pinoproblema ko!" Nagkubli siya sa kumot. Parang gusto niyang mag-reset ng buhay. "Ang dami kong problema. Pero isa lang ang malinaw..." Pabulong niyang sabi habang nakatago sa kumot... "Mukhang ako ang napikot ni Sir." Napailing si Roxane, sabay tapik sa magkabilang pisngi niya. "Ang kapal ng mukha mo, Roxane. Feelingera ka na talaga!" Nagmumura ang utak niya, pero kalahating kilig din ang puso. Biglang tumunog ang kanyang cellphone na de-kaypad. “Tiiing! Tiiing!” ang classic ringtone nito, na parang galing pa sa panahon ni NokNok3310. "Gabi na ah… sino na namang istorbo ’to?" bulong niya, sabay tingin sa screen. "Ay, si Lyka pala… tss, baka may chika na naman ’to." Sinagot niya ang tawag. "Hello—" "HOYYYYYYYY GAGAAAA KA!!!" Napapitlag si Roxane, muntik nang mahulog sa kama. "Bakit hindi mo sinabing KAYO NA NG GWAPO MONG BOSS?! GRABEEEE KA! Nakakainggit ka, BESSSST! As in major major pa-sampal ng tadhana ang buhay mo ngayon!" sigaw ni Lyka sa kabilang linya, parang nakasaksak sa karaoke mic. "Anong sinasabi mo diyan?!" gulat na tanong ni Roxane, habang nakayuko na’t kinakalma ang sarili. "Kunwari ka pa, bruha! Kalat na kalat na kayo sa social media! Viral as in V-I-R-A-L! May close-up pa kayo sa eksenang H-A-L-I-K! Best, ikaw na talaga ang pinakamaganda sa balat ng lupa! Parang artista lang ang peg mo!" "A-Ano?!" Hindi alam ni Roxane kung mahihimatay, matatawa, o maghuhukay ng butas para paglubugan. "Sige lang, deny pa, girl. Pero lahat ng kapitbahay natin, napanood na ’yung halikang mala-K-drama! Kala ko nga edited eh, pero grabe talaga… sinong mag-aakalang ang katulong na si Roxane, pinatulan ni Bossing?! Edi wow!" Napahiga si Roxane sa kama, hawak-hawak ang cellphone sa tainga habang tulala. "Ayoko na… ibalik n’yo ako sa simpleng buhay na ang pinakamalaking issue ko lang ay kung may tuyo pa sa kusina!" 💌 Author's Note: Salamat sa pagbabasa ng kabanatang ito, Bestie! 😘 Kung nasaktan ka, kinilig, o gusto mo na siyang sapakin (aminin mo!), ibig sabihin… nadala ka. 🤭 Abangan mo ang next chapter—mas matindi, mas nakakakaba, at mas magulo ang puso! Don’t forget to leave a comment or reaction, dahil isa ka sa dahilan kung bakit tuloy-tuloy akong nagsusulat. 🥹💖 Hanggang sa susunod na buntong-hininga at pagpintig ng damdamin! —BATINO
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD