“Humanda ka na, Best! Bukas, sigurado akong ikaw ang magiging sentro ng tsismisan sa buong mansyon—lalo na sa harap ng mga magulang ni Boss Dark Nathaniel!” mariing sabi ni Lyka mula sa kabilang linya, bago tuluyang ibinaba ang tawag. Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa kisame, para bang nagbabakasakaling may sagot doon sa lahat ng kaguluhan sa utak ko. "Haiszt... paano na 'to? Para akong gustong matunaw sa hiya! Ayoko nang pumasok bukas! Mas pipiliin ko pa yatang tumulong kay Inay sa paglalabada, kahit mabilad pa ako sa araw—kesa naman pagtsismisan ako sa Malaking Bahay na parang bida sa teleserye!" Napahawak ako sa sentido. Ang gulo-gulo na ng utak ko! Puso ko’y kumakabog—may kaba, takot, at konting kilig na hindi ko maintindihan. "Ano ba ‘tong pinasok ko?! Ano na lang ang sas

