Chapter 26

1278 Words
"Sure ka, Mr. Dark, na ikaw na ang gigising sa aking anak?" Nahihiyang sambit ni Aling Beth habang bahagyang napapalingon sa kinaroroonan ng binata. May kaba sa kanyang tinig, halatang may bumabagabag sa kanya—parang may gustong pigilan, pero di niya alam kung paano sisimulan. "Don't worry, Mama. Ako na ang bahala kay Roxane," seryosong tugon ni Dark, ang malamig ngunit matatag niyang boses ay parang lintik na biglang kumulog sa katahimikan ng buong bahay. Mama? Napalunok si Aling Beth. Kumislot ang kanyang kalamnan. Parang may humugot ng hangin mula sa kanyang dibdib. "Mama...? Anong sabi niya?!" Napatitig siya sa binata—matikas, may aura ng kapangyarihan at kontrol. Tila hindi lang basta lalaki ito… kundi isang lalaking may balak. Malalim. Misteryoso. “Hindi kaya… hindi kaya… boyfriend na siya ng anak ko?!” bulong ng kanyang isipan, kasabay ng mabilis na kabog ng kanyang dibdib. Hindi niya alam kung kaba, takot, o pangamba ang nangingibabaw—pero malinaw sa kanya na may mali. May delikadong uusbong kung papayagan niya ito. At habang sinusundan niya ng tingin ang binatang papalapit sa kwarto ni Roxane, tila may kung anong pwersang humila sa kanyang lalamunan. “Sa—sandali lang!” halos pasigaw niyang pigil, na may bahid ng pagkataranta. Mabilis siyang lumapit. Ang kanyang mga hakbang ay mabigat na tila ba may hinahabol—o tinatakasan. "Hindi puwedeng magmahal si Roxane… hindi maaari!" bulong niya sa sarili, halos hindi makahinga. Ang kanyang puso’y tila binabalot ng takot—hindi lang para sa anak niya, kundi sa isang nakaraan na ayaw na ayaw na niyang balikan. May itinatagong lihim si Aling Beth. Isang katotohanang matagal na niyang ibinaon sa dilim, at ngayo’y muling lumilitaw… dala ng presensya ng lalaking ito. “Katulong lang si Roxane… katulong lang siya! Wala siyang karapatang umibig sa isang tulad niya. Wala siyang lugar sa mundo ng may kayamanan, impluwensiya, at... kapangyarihan!” Halos masamid si Aling Beth sa bigat ng mga emosyon habang pinipilit ang sariling manatiling matatag. At sa huling sandali, buong lakas niyang binigkas ang pangalan ng binata—tila ba iyon na lang ang natitirang sandata niya. "Mr. Dark Nathaniel Vellamonte!" Animo’y kidlat ang bawat pantig, punung-puno ng pag-aalalang may halong galit. “Ako na ang gigising sa anak ko.” Napatigil si Dark. Napakunot ang noo. Hindi man siya umimik, halatang nabasa niya ang mensahe sa likod ng tinig ni Aling Beth—isang babala, isang depensa, isang pader. Sa gitna ng tensyon, tinapik ni Dark ang balikat ng kanyang bodyguard, tanda ng pagpapahinto. Maging siya’y marunong rumespeto... lalo na sa isang inang handang ingatan ang anak. "Sige po, Mrs. Hermenez," maikling tugon ni Dark, malamig at maayos ang tinig, pero may bahid ng kaba sa ilalim ng kanyang kumpiyansa. Walang inaksayang oras si Aling Beth. Agad siyang pumasok sa kwarto ni Roxane—halos masabunutan na ang sariling alon ng buhok sa gulat nang makita ang anak na tila isang batang nahuling nagnakaw ng kendi. "Ano'ng ginagawa mo diyan?!" tanong niya habang pilit pinapakalma ang sarili, pero hindi maitago ang pagtataka at kaunting inis sa kanyang tinig. Nanlaki ang kanyang mga mata sa ayos ng anak—nakatago sa likod ng aparador, parang pusang basang sisiw. "Salamat naman at kayo ang pumasok dito, Inay..." mahina ngunit may halong hiya ang sagot ni Roxane, tila umaasang si Aling Beth na lang ang nakakita sa kanyang kahihiyan. "Ahm... ano bang pinaggagawa mo diyan? At bakit para kang butiki na nagtatago sa sarili mong lungga?!" tanong muli ni Aling Beth, napapailing sa nasaksihang eksena. Halos hindi siya makapaniwala—ang anak niyang may bibig na parang machine gun kapag nagdadaldal, ngayo’y mistulang nilunok ng hiya’t kaba. "Bakit mo ba tinataguan yung boss mo?!" nakakunot-noo na tanong ni Aling Beth, habang nakapamewang na tila pulis na nahuli ang kriminal sa akto. "Akala ko pa naman close friend kayo, ha? E nung isang gabi, 'di ba’t ang BOSS mo ang naghatid sa’yo dito—nung gabing lasing kang dumating at parang sinaniban ng espiritu ng alak!" Para siyang binuhusan o kinalawang na bakal sa kanyang narinig. BIGLA SIYANG NAPATAYO SA GULAT, tuluyang nagising sa alaala niyang walang linaw—at sa b*****g na panaginip niya pero totoo." "INAY!!" halos mapasigaw si Roxane, habang nanlalaki ang mga mata at napapaatras sa sobrang pagkabigla. "Nagbibiro lang kayo, hindi ba?! Sabihin niyong nagbibiro lang kayo!" Hindi siya makapaniwala—tila bumagsak sa kanya ang langit at lupa sa isang iglap. Nag-aalalang napaatras si Aling Beth. "Aba'y totoo ang sinabi ko, hija! Bakit, anong meron?" Nanlambot si Roxane, parang biglang nawala ang buto sa katawan niya. Gusto na lang niyang matunaw sa sahig gaya ng kandilang naiwan sa ilalim ng araw. ‘Oh my gulay… ako ba’y naging pinya na ngayon sa gulat at hilo?!’ sigaw ng isip niya habang palundag-lundag ang kaba sa dibdib niya—hindi na niya alam kung hininga pa ba 'yun o earthquake na sa kaluluwa niya. Takot. Kaba. Pagkabalisa. Kahihiyan. Lahat ng 'yan parang sabay-sabay na nag-f*******: live sa sistema niya. At ang matinding balita? Ang boss niya talaga ang lalaking naghatid sa kanya nung gabing lasing siya! Hindi lang ‘yon—kasama pa raw niya itong pumasok sa isang mamahaling hotel, at ang masaklap sa lahat, nakita sila mismo ni Maxine, ang chismosang kapitbahay-s***h-katrabaho niya sa Mansyon ng Vellamonte! “Peste ka talagang memory gap! Ni hindi mo na nga maalala kung nag-toothbrush ka nung gabi na ‘yon, ngayon may pa-hotel ka pang nalalaman?!” bulalas ng isip ni Roxane habang parang gusto na niyang lumipad palayo sa mundo gamit ang kahihiyan bilang gasolina. “ANO NA?!” sigaw ni Aling Beth na parang alarmang sumabog sa tenga ni Roxane, dahilan para bumalik siya sa katinuan… kahit kaunti. Napakurap si Roxane, parang multong natuklaw ng kuryente. “Papasok ka ba, o magtatago ka na lang diyan sa ilalim ng kama?!” usisa pa ni Aling Beth, habang nakapamewang at may hawak pang pamunas sa balikat, na para bang handa siyang ipukpok 'yon sa ulo ng anak niya. “Aba, baka masisante ka niyan, hija! Tatlong araw ka pa lang diyan sa Mansyon, gusto mo na agad ma-terminate?!” 'Aray, ‘wag po!’ sigaw ni Roxane sa isip, habang gusto niyang sunggaban ang sarili para ipagpag ang kahihiyan. “Ngapala, Roxane...” dagdag pa ng ina, sabay labas ng isang warning tone na may halong chismis vibes, “baka nakakalimutan mong puro chismosa ang mga tao rito sa paanan ng Vellamonte. Isa lang ang makita nilang kahina-hinala—boom, trending ka agad sa buong baryo!” Napalunok si Roxane. Para siyang gustong matumba, pero pinipigilan ng pride niyang hindi pa totally wasak. “Ayusin mo na ‘yang sarili mo at lumabas ka na. Naghihintay sa labas si Boss Dark, oh!” sabay irap ni Aling Beth, as if may kasalanan rin ang binata sa nangyayari. “Pero kung ayaw mo talagang lumabas,” dagdag pa ng ina, “sabihin mo lang, at ako na ang haharap. Pero sa totoo lang, ewan ko lang kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya kung magtanong kung nasaan ang anak kong parang napossess at nagtatago sa aparador!” sambit ni Aling Beth,pero ang totoong nasa isip niya ay wag na niyang papasukin si Roxane sa pamamahay ng mga Vellamonte. "INAAAAAYY!" daing ni Roxane habang hawak ang ulo niya, parang gusto nang mahulog pabalik sa sahig. “Hindi ko na kaya ‘to! Parang gusto ko na lang maging alikabok!” Humiga ka nalang jan at sasabihin ko sa boss mo na may lagnat ka.. saad ng kanyang ina. Habang si Dark ay kanina pa naghihintay sa labas ng silid ni Roxane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD