Simula ng Sakit at Kalungkutan

2013 Words
Napatingin ako sa tatlong lalaki na umiinom, mabuti na lamang ay nagmagandang loob na isa para tulungan nang akayin si Sir Zac papunta sa loob ng bahay ni Sir Razzo. Napaka ingay pa rin niya habang siya'y hinahatak siya ng dalawang mga lalaki. Nais pa rin niya akong makausap bagamat lango na siya sa alak. Napangiti ako sa kanila habang ang dalawa'y nakangisi sa akin. Sinabihan ako ng dalawang lalaki na samahan sila kaya sinunod ko naman sila. Nakakita ko ng anino sa bintana na bigla na lamang nawala. Hindi ko na ito pinag-ukulan ng pansin dahil nag umpisa na naman magsalita si Zac ng nakatutuwa. May mga sumunod pa pala saming dalawang lalaking umiinom. Kinabahan ako bigla mukhang hindi maganda ito sa pakiwari ko. Nagiisa lang akong babae at papasok pa kami sa bahay ni Razzo. Tatakbo na lang ako kapag may masamang balak sakin ang mga lalaking ito. Nakahinga ko ng maluwag ng umakyat ang dalawang lalaki sa ikalawang palapag ng bahay. "Pasensya ka na ah naabala ka pa namin." Wika ng isang lalaking nakahilata sa mahabag upuan na malambot na tinawag ni Ate Inday na sofa. Teka ito yun lalaking nagpakilala sakin sa school. "Hindi ba't ikaw yun nagpakilalang Lee ang pangalan?" "Ako nga, mabuti naman natatandaan mo pala ako." Tugon niya. "Bahagya lang kasi hindi kita namukhaan dahil nagpagupit ka. Abala din ako sa pagaasikaso ng pagkain ninyo kanina kaya hindi kita napansin." Paliwanag ko. Katulad din ni Sir Zac ay nakainom na rin ang lalaki ito ng alak. Ngunit nasa katinuan pa kaya nakakausap ko pa siya ng maayos. "Aray ang sakit ibig sabihin hindi pala ako kapansin-pansin sa paningin mo Miss Gorgeous. Ako pa naman ang Mr. Saint Mathews 2015." muli niyang sabi. Naaalala kong sinabi niya sakin yun nun magpakilala siya sakin. "Hindi naman sa ganoon, naguluhan lang ako sa inyo noon at saka ang dami ninyo noon kaya hindi ko natandaan ang iba sa inyo nang magpakilala kayo." "Buti pa itong si Zac kanina mo pa nakakausap siya ba type mo o si Razzo?" Baling niya kay Zac nang ilapag na ito sa tabi niya para mahiga. "T....type, Ano yun ta..tayp?" paglilinaw ko. "Tipo o gusto?" "Aa...gusto?" Espesyal kaya na pagtingin sa isang tao ang tinutukoy niya. Basta pag tungkol kay Razzo bigla na lang nagiiba nararamdaman ako tila ako'y nasasabik. "Miss Beautiful tawag ka ni Razzo sa taas." ani ng isang lalaki. "Si Razzo Bakit?" pagtataka ko. Bigla na lamang nagalak ang puso ko parang balewala na yun kaninang nakita kong may kahalikan siyang babae sa pool. "Basta umakyat ka na lang dito!" sigaw ng lalaki. Tiningnan ko ang mukha ng dalawang lalaking nasa hagdanan, mukhang hindi sila mapagkakatiwalaan. Pagtangkaan niyo ko at tuturuan ko kayo ng leksiyon. Panglima ako sa magkakapatid na mandirigmang prinsesa ng Emerald Kingdom, magaganda kami ngunit hindi kami nagpapatalo sa mga lalaki sa pakikipaglaban. Sinanay kaming mabuti ng mga mataas na opisyal ng sandatahan ng aming kaharian. Kung mga halimaw at Orcs nga hindi ako natatakot, subukan niyo lang gumawa ng masama. Ito ang tumatakbo sa isip ko bago ako tuluyan humakbang patungo sa ikalawang palapag ng bahay ni Razzo. Pagka akyat ko sa taas, tumingin muna ko sa dalawang lalaki. Bakit nagpipigil sila ng tawa? Patuloy akong naglakad nang matapat ako sa kuwarto ni Razzo ay binuksan ko kaagad ang pinto. Gumulat saking mga mata ang lalaking hubot hubad na marahas na bumabayo sa ibabaw ng babae. Panay ungol pa nila at tila sarap na sarap sa ginagawa nilang pagniniig. Nagsipaghagalpakan ng tawa ang dalawang lalaki. Mabilis kong tinakpan ang mga mata ko ng aking kamay at pumihit paharap sa dalawang lalaki. "Mga Bastos, walang hiya, mga tampalasan!" Turan ko sa dalawang lalaking nagpapanhik sakin. "Ano daw? Tampalasan, What a word?" sabi ng isang lalaki Muli na naman silang nagtatawanan. "Lyka anong nangyari?" Tanong ni Lee sakin ngunit hindi ko na siya nilingon dahil pakiramdam koy binastos ang aking p********e. Nakakainis tapos yun babaeng yun basta na lamang nagpapagamit dahil ba sa epekto ng alak. Sa kaharian namin umiinom lang kami ng alak kapag may pagtitipon walang lalaki ang nagtatangka samin dahil binabantayan kami ng mga dama at kawal. "Nakakainis ang babastos, mga walang hiya." Singhal ko. Dali dali akong pumasok sa kuwarto . Naupo ako sa upuan hindi ko maiwaksi sakin isipan ang nakita ko sa silid na iyon. Madilim ang silid pero kitang kita ko ang nagaganap sa loob. Bakit ganoon si Razzo? Magkahalong inis at panibugho ang nararamdaman ko. Teka bakit nga ba ko naninibugho? Normal na mainis ako dahil sa ginawa ng dalawang lalaki sakin, kay Razzo mainis? dahil ba ganoon siyang klase ng lalaki, na mapusok? kasintahan niya ba ang babaeng iyon? Siya ba yun nakita kong kahalikan niya kanina sa pool. Napaka mapusok naman ng mga tao dito sa mundong ito. Para sa mga taga Avarlone sagrado ang pagniniig at ginagawa lang yun ng mag asawa. Napailing ako bigla, ano ba itong naiisip ko may nararamdaman ba ko kay Razzo? Nakahawak ako sa dibdib ko ramdam ko ang puso koy tumitibok ng mabilis para kay Razzo. Kinabukasan Maaga akong gumising tulad ng dati upang mag umpisa nang magsilbi sa mga amo ko. Nautusa ako ni Ate Inday na linisin ang buong paligid ng pool. May mga hindi pa kasi nalinis ni Ate Inday kagabi. Naalala ko nga din pala kagabi bigla na lamang siyang nawala kagabi. Napasimangot ako nang magawi ang paningin ko sa bahay ni Razzo. Tahimik ang bahay marahil tulog pa ang mga taong naroon o mga nagsipag alisan na. Pagkatapos kong malinis ang pool ay sinunod ko ang malaking bahay para linisan. Una kong nilinis ang harap ng bahay. Wala naman masyadong kalat kaya nakatapos ako kaagad. Pagharap ko ay nagulat akong nakatayo na pala sa likuran ko si Sir Wesley. "Sir kanina pa po ba ko nariyan?" tanong ko. "Hindi naman kararating ko lang, may nais sana akong ibigay sayo." "Pa...para po sakin?" Nauutal kong sabi. Nasa gitna kami ni Sir Wesley ng malawak at napakagandang hardin na pag-aari ng pamilya niya. Napatingin ako sa bagay na hawak niya at ngayon ay inabot niya sakin. Huwag kang ngingiti! huwag kang ngingiti! alalahanin mo yun kahapon nangyari baka isipan niya na isa kang babaeng madaling nakuha. Yan ang sumasagi sa isip ko sa mga oras na ito. Medyo nakaramdam aki ng kunting pagkailang dahil sa nangyari kahapon. "Its for you, I hope it fits on you." Wika niya habang patuloy na iniaabot ang bagay na nakasupot. Napansin kong napakakisig ni Sir Wesley sa kanyang suot na balot na balot kahapon. Ngayon naman ay hayag sa kanyang kasuotan ang matipunong pangangatawan, kitang kita ang malalaki nitong braso at malapad na balikat. At ang mga binti niyang may katamtamang balahibo. "Tingnan mo." utos niya na sabay balik ng tungin sakin na may matamis na ngiti. Tininingnan ko ang loob ng hawak kong supot. mukhang damit ang laman ng supot. "Sana magkasya sayo, ibinili kita ng damit kasi linggo ngayon lahat kami nagsisimba tuwing hapon at hindi maaaring hindi ka kasama." Wika niya. "Para sakin po ito, maraming salamat po Sir Wesley." "Sana magustuhan mo ko Lyka." "Po? Ano po iyon?" bigla akong napatanong kasi parang may iba akong nadinig. "I mean sana magustuhan mo yun damit." paglilinaw niya. Mula sa pagkataranta naging seryoso ang mukha ng anak na panganay ng Heneral kong amo. Ang mga mata niyang may mahahabang pilik mata ay tila nagniningning habang nakatitig sakin. Mapupula ang kanyang labi na bagay sa kanyang maamong mukha. lumipas pa ang ilang sandali nakatingin pa rin siya sakin habang ako nama'y naghihintay pa ng sasabihin niya. "May sasabihin pa po kayo Sir Wesley o ipag uutos?" Tanong ko. Halos hindi magkandatuto si Sir Wesley sa pagsalita. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya natitigilan. "A-a w-wala na kong sasabihin i-ibinigay ko lang yan sayo yan damit. I hope magustuhan mo at maisuot mamayang magsisimba." Hindi maialis alis ni Sir Wesley ang pagkakatitig ng kanyang mapupungay niyang mga mata sakin. "Sige po isusukat ko po ito pagkatapos ko po maglinis. Maraming salamat po ulit sa bigay ninyong damit." Wika ko. "S-sige akyatin ko na sa kuwarto ang mga bata." Paalam niya sakin. Napansin kong paatras na naglalakad si Sir Wesley habang nakatingin pa rin sakin? Napatakip na lamang ako bigla saking bibig nang masalo niya ang banga na natabig niya at kamuntik na mabasag nakangiwi siyang nakatingin sakin. "Uy Nakita ko iyon ah, Si Sir Wesley halatang may gusto sayo ah." Biglang litaw ni Ate Inday mula saking lukuran. "Ate Inday talaga kung anu-ano napapansin." Sabi ko sa kanya. "Buti na lang nasalo niya yun vase na yun kung nabasag yun lagot siya kay Donya Consuelo pinakapaborito pa naman niya yun vase a yun." "Oo nga eh natatawa ako kanina halatang natataranta siya sa kagandahan mo Lyka. In love na ata sayo si Sir Wesley." Patuloy ni Ate Inday "Sino si Donya Consuelo Ate?" Tanong ko naman kay Ate Inday matapos kong hindi pansinin ang mga sinasabi niya. "Mama ni General na naka bakasyon na ng matagal sa States, siguro mahigit otsenta na siya ngayon pero malakas- lakas pa rin ang matandang iyon. Namimiss ko na nga yun pagkamasungit niya kinatatakutan siya ng lahat lalong lalo na nila Sir Franco at Sir Andrew." "Sino si Sir An...drew?" Tanong ko. "Pangalawa sa magkakapatid siya yun babanggitin ko sana kahapon, kaso sinaway ako nila Manang Remedios. Yun talaga salbahe ang isang yun. Kung playboy si Razzo mas lalo si Sir Andrew. Ang dami nang nabuntis na babae iyon. Minsan nga naawa ako sa mga babaeng pumupunta dito ng luhaan pero tinatakasan lang niya imbis na pakasalan gayunpaman sinisustentohan naman niya, sa laki ba naman ng kinikita niya sa pagdidirek ng mga commercial at fashion show sa ibang bansa kaya kahit anim na anak kayang kaya niyang buhayin." "Halika sukatin na natin yan damit mo." Aya ni Aye Inday Halos kaladkarin ako ni Ate Inday sa kuwarto par sukatin ang damit. "OMG ang ganda-ganda mo talaga Lyka bagay na bagay sayo itong dress na pula, ang kinis mo naman para kang Beauty qWeen o Diyosa!" manghang mangha sakin si Ate Inday nang isukat ko ang damit na ibinigay sakin ni Sir Wesley. "Mula sa Diyosa ang lahi namin kami lang ang may mainam na anyo. Karamiwan kasi sa Avarlone mga Halimaw, Orcs at kung mukhang tao naman nag aanyong hayop o halimaw naman." "Teka teka sumasakit ang ulo ko sayo neng, hindi ko na kinikeri mga sinasabi mo Lyka tigil tigilan mo na kapapanood ng mga horror sa tv at pelikula. Parang galing sa mga komiks yan sinasabi mo. Diyos ko day may komiks pa ba sa panahon ngayon." "Aba'y kita mo nga naman oh! Akala ko may artista o model na napadpad dito satin kay ganda mo naman talagang pamangkin ni Remedios. " nabigla na lamang akong sumilip sa pintuan ng silid si Nanay Julia. "Halika Remedios tingnan mo pamangkin mo oh." patuloy ni Manang Julia. Natigilan si Nanay Remedios nang makita akong suot ko ang pang simba ko mamaya. "Anak bakit may ganyan kang damit sino nagbigay sa iyo niyan?" bulalas ni Nanay Remedios. "Ibinigay po ni Sir Wesley isuot ko po daw mamaya magsisimba tayo." Sagot ko naman "Si Sir Wesley eh parang makikipagdate na niyan anak." puna ng aking Nanay Nanayan. "Hayaan mo na Manang Remedios, bagay na bagay nga kay Lyka oh ang ganda-ganda. Mamaya ayusan kita kulutin natin ang blonde mong buhok." pabulong na sabi ni Ate Inday. "Hoy Inday ayaw ko maging karengkeng yan pamangkin ko ah." "Grabe naman sa karengkeng Manang Remedios kung yun iba nga walang karapatan panay paganda eh. Si Lyka pa kaya na ang sarap ayusan." "Ewan ko sanyo may gagawin pa ko maiwan ko na nga kayo." ani Nanay Remedios. "Ayy oo nga pala kaya ako naparito uutusan kita Lyka na dalhin itong ulam kay Razzo maya-maya kasi magigising na yun." may hawak na mangkok ma nakalagay sa tray si Mang Julia. "Ha Manang Julia ganda-ganda ng ayos ni Lyka uutusan mo lang magdala ng ulam hashtag Ootd s***h magdadala lang ng ulam."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD