Kakaibang Nadarama

2144 Words
Nakalis na sana si Sir Wesley ngunit bigla na lamang niya kaming binalikan. "Kapag 10 p.m na at hindi pa rin sila tapos matulog na kayo ha, hayaan niyo na lang sila Razzo. Huwag ka nang lalabas pa lyka okay. And One more thing huwag kang magsusuot ng masisikip at maiiksing mga damit okay." Bilin samin ni Sir Wesley. "Opo Sir." malungkot kong sabi. Nahalatang niyang malungkot ako sa mga pangyayari. "Huwag mo nang alalahanin yun nangyari Lyka hindi ako naman nagagalit, Just take care of yourself." sabi ni Sir Wesley bago siya tuluyang umalis. "Ikaw neng ah iba ka." Napalingon ako kay Ate Inday sa kanyang sinabi. "Ano iyon Ate Inday?" tanong ko kay Ate Inday. Minsan hindi ko maintindihan ang mga biglaang sinasabi niya. "Hindi mo ba napansin? Unang kita pa lang niya sayo ng napaka guwapong amo natin natulala na agad sayo." Aniya. "Hindi kita maintindihan Ate Inday." "Take care of yourself sabi niya sayo, ibig sabihin concern si Sir Wesley sayo, nag aalala ba." Pahapyaw na sabi niya. "Eh bakit?" na hindi ko pa rin maintindihan pinupunto niya. "Mahihilig kasi sa mga babae sila Sir Razzo at Sir Franco kaya pinag iingat ka ni Sir Wesley." "Ma....mahilig sa babae?" Paglilinaw ko. "Diyos ko day! Saan ka ba talaga lupalop nang galing at may pagka shunga-shunga ka talaga minsan." Wika niya na akmang guguluhin ang nakapusod niyang buhok. "Pero ha sa tagal ko nang naninilbihan sa mga pamilya Thompson, Ngayon ko pa lang nakita si Sir Wesley na sobrang concern sa mga katulad nating maid." Base sa mukha ni Ate Inday ay napapaisip siya sa ikinikilos ni Sir Wesley yun na marahil ang mga sinasabi niya. "Ahem One more thing Lyka huwag kang magsusuot ng masisikip at maiiksing damit, okay." Ginaya ni Inday si Sir Wesley at pinalaki ang boses. "Hindi magiging ganoon si Sir Wesley sayo kung di ka niya natitipuhan. May gusto sayo yun panganay ni General." Napaawang ang bibig ko sa sinabing yun ni Ate Inday. Yun pala ang nais niyang sabihin mag mula kanina pa. "Hindi naman siguro Ate Inday, mabait lang ata talaga si Sir Wesley." Pagkakaila ko. "Paanong hindi ey feeling boyfriend naman si Sir makapag bawal sayo, Nakakakilig." Pagkasabi nun ni Ate Inday ay sabay na isang beses na malakas na palakpak na tilang tuwang tuwa siya. Napatingin siya sa akin halata marahil sa itsura ko na balewala lang sakin mga sinasabi niya. "Hay naku ewan ko sayo Lyka nakakabuang ka! Mamatay na ko sa kilig pero ikaw parang nasa ibang planeta ka, Dyan ka na nga at marami pa kong gagawin." Iniwan na ko mag isa dito sa kusina pero hindi ko pa rin maintindihan si Ate Inday. "Hindi ko talaga maintindihan mga tao dito. Hindi ko masundan ang mga takbo ng mga utak nila, napaka kumplikado ng bawat iniisip nila. Parang hindi ko na ata matatagalan makisama sa mga mortal." ********************* Sumapit ang gabi at dumating na ang mga bisita ni Sir Razzo. Maliwanag ang buong ilaw sa bahay ni Sir Razzo. Bukod kasi sa malaking mansyon at dalawang malalaking bahay ng Pamilya Thompson na nasa likuran ay may sariling bahay si Razzo na malapit sa tinatawag nilang swimming pool. Doon nagkakasiyahan ang mga nagsipagdating na mga bisita nila Sir Razzo. Naririnig ko mula dito sa kusina ng mansyin ang tugtogan at hiyawan ng mga bisita. Tinaanaw ko sila mula dito sa bintana may mangilan mga babae at karamihan ay mga lalaki na nagtatampisaw sa swimming pool. Abalang abala naman sina Ate Inday, Manang Julia at Nanay Remedios sa paghahanda ng pagkain. Narinig kong pinaguusapan nila ang nangyari kanina. "Bakit po ganoon si Sir Wesley sakin Nanay Remedios?" Tanong ko. "Alam mo Lyka sa lahat ng magkakapatid pinaka mabait yan si Sir Wesley. Binatilyo pa lamang siya noon nang sabay kaming nag-apply dito ni Manang Julia mo.Very proud si General at ang namayapang niyang Ina kay Sir Wesley noong nabubuhay pa. Masipag mag aral at nang nakatapos ay naging abogado na Magna c*m laude pa. Wala kang iintidihin na problema kay Sir Wesley makakasundo mo siya." kuwento ni Nanay Remedios. "Kaso hindi nga lang perpekto ang buhay sa mundo. Nang mag-asawa naman si Attorney nabiyudo naman siya agad. Namatay kasi ang asawa niya dahil sa car accident." "Kaya wala ng nanay sila si Emily at Kobe." Dugtong ko sa kuwento ni Nanay Remedios. "Oo ganoon na nga." sagot ni Nanay Remedios. "Si Razzo naman iba ang nanay niya, Nag-asawa ulit si General ng isang Pranses na nakilala niya noon ng magbakasyon silang Mag aama sa Europe." Patuloy ni Nanay Remedios. "Ako naman ang naging yaya ni Razzo, siguro mga grade 6 Siya noon nang pumirme na silang mag-ina dito sa Pinas. Palibhasa ibang lahi ang nanay ni Razzo kaya namana niya ugali ng Mama niya. Alam mo naman pag ibang lahi, iba ang nakagawian at kultura kaya naghiwalay sila ni General at iniwan dito sa Pinas si Razzo. Kaya may pagka spoiled brat, maloko at parati silang di magkasundo ni General pero kung kakabisaduhin mo lang ang ugali ni Razzo maiitindihan mo rin siya. Mabait naman na bata yan nagrerebelde lang kasi gusto pa rin niyang magkabalikan ang Papa at Mama niya." Kuwento naman ni Manang Julia. Kaya pala hindi sila magkamukha ni si Sir Wesley, may dugong banyaga pala si Sir Razzo. "Pero may kapatid pa sila..." "Inday!" biglang sinaway ni Nanay Remedios si Inday. Napatigil sa pagsasalita si Inday nang pigilan siya nila Nanay Remedios at Manang Julia. Bakit kaya? "Excuse me po." Natigil ang usapan namin nila Nanay Remedios nang may kumatok sa pintuan. "Lyka, Pakitingnan yun pinto baka may kailangan sila Sir Razzo." utos ni Nanay Remedios. Dali-dali ko naman pinuntahan ang pinto para tingnan kung sino ang kumakatok. "Lyka? Its you yun sa school di ba? Di ba ikaw yun nagpatumba kay Razzo?" Bungad ng lalaking tumambad sa pintuan. Matangkad, maputi, katamtamang ang laki ng kanyang katawan ngunit may nakakahalinang ngiti sa kanyang labi. Maamo ang kanyang napakakisig na mukha. Siya yun lalaking unang nakipagkilala sakin sa eskwelehan. Bahagya akong napatawa ng ginaya pa niya ako kung paano ko ibinalibag si Razzo. "Uy tumawa ka ah, siguro nun araw na yun mainit ulo mo? Ngayon good mood ka siguro." Aniya. "Hindi naman. sabi kasi nila protektahan ko daw sarili ko sa sinuman lalaking lalapit sakin, lalo na pag di ko kilala. Marami daw nagkalat na masamang tao dito sa mundo niyo?" Paliwanag ko. "Mundo niyo? You mean mundo natin." Napatawa muna siya bago muling nagsalita. "Totoo yan maraming mangloloko sa panahon ngayon kaya mag iingat ka. Huwag na huwag kang papaloko kanila Razzo at Franco mag iingat ka sa dalawang yun." Babala niya. Pinagtaka ko naman ang ikinikilos niya nagnibigay siya ng babala nginit hindi seryoso ang mukha niya bagkus ay masaya pang natatawa. "No just kidding, Oo nga pala may kailangan kasi ako, puwedeng pa refill nitong chaser namin at saka wala na din kasi kaming pulutan Lyka." Bawi niya sa kanyang mga sinabi. "Ah sige sasabihin ko." paalis na sana ako ng tawagin ulit ako ng naturang lalaki. "Lyka Wait lang nag-uusap na kasi tayo baka hindi mo natandaan ang pangalan ko, Ako nga pala si..." "Ikaw si Zac di ba." Mabilis kong tugon. "Yeah nakakagulat naman you remember my name." Aniya. Eh paano ko hindi siya matatandaan parang siya ang pinaka mabait sa mga kaibigan ni Sir Razzo. Sumilay na naman ang ngiti ng mapupulang labi ng maputi at matangkad na lalaking ito. "Sige pasok na ko sa loob para masabi ko na yun pinasasabi mo." Paalam ko. "Ah oo nga pala gege." Pagkasabi ko kanila Manang Julia ng mga kailangan ng mga bisita, kami na ni Inday ang inutusang magdala ng pulutan at inumin alak. Nagulat ako dahil naroon pa rin sa pinto si Zac na naghihintay. Nagpupunas pa siya ng mga dumadaloy na tubig sa kanyang mukha. Hindi naman payat sakto lang ang kaha ng katawan ng lalaking ito may hubog din naman. "Oh Sir Zac anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Inday. "Tulungan ko na kayo ate Inday marami ata dala niyo." Wika niya sabay ngiti. Bakit ang lalaking ito hindi natitigil sa kakangiti sadya kayang mabait siyang tao. Nakakagaan sa pakiramdam kapag kausap ko siya. "Ah okie, heto ikaw na magdala ng tray na to kasi may naiwan pa sa loob eh, Lyka sumunod ka na lang kay Sir Zac." Utos ni Ate Inday. At ganoon na nga ang ginawa ko bitbit namin ni Sir Zac ang mga tray na may dalang pagkain papunta sa sinasabi nila Manang na swimming pool. Habang naglalakad kami ay maraming tinatanong sakin si Sir Zac na malugod ko naman itong sinasagot dahil magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi siya nakakailang kausapin di tulad ng ibang mga kaibigan ni Sir Razzo. Nang mailapag ko na sa lamesa ang tray na dala-dala ko ay nahagilap ng mga mata ko si Sir Razzo na may kasamang babae. Magkadikit na magkadikit ang kanilang mga katawan. Hawak ni Razzo ang mukha ng babae, napapatunganga ako sa ginagawa nila. Ni hindi ko naririnig pa sinasabi ni Sir Zac. "Lyka hindi mo dapat sila tinitingnan " untag niya sakin. Hindi ko malaman sa kung anong dahilan bigla na laman nag-init ang mukha ko at nanlabo ang aking mga paningin, may namumuong luha sa mga mata ko. "Lyka bakit parang maiiyak ka yata?" Napansin niya ang pagtutubig ng aking mga mata. "Ah naku hindi ah, napahikab lang ako kaya nagluha ng bahagya ang mga mata ko." Paliwanag ko kay Sir Zac. Ano ba itong nararamdaman ko, nakakadarama ba ko ng panibugho? Ngunit bakit anong ibig sabihin nito umiibig ba ko kay Razzo? "Hoy Zac tama na yan pang bababae kanina pa namin hinihintay yun drinks!" sigaw ng isang lalaki mula sa kabilang pool dahil napatigil kami ng ilang segundo sa paglalakad. Dahil sa pagsigaw ng lalaki lahat ng lumalangoy sa swimming pool ay napatingin samin ang lahat mapa lalaki at babae. "Hoy Razzo hindi mo naman sinasabing may maganda pala kayong chika babe na katulong." Sigaw ng isa sa mga kaibigan nila na naglalangoy sa swimming pool. Napatigil si Razzo sa ginagawa niya sa babae dahil dun napadako ang tingin niya sakin. Nilalamukos ko naman ng mga kamay ko ang mga mata ko. Nakita ako ni Razzo, kaya basta ko na lamang nailapah sa lamesang naroon ang dala kong tray. Nagdudumali akong tumakbo pabalik ng malaking bahay. Tinatawag pa ko ni Zac pero hindi ko na siya nilingon pa. Parang nahiya ako sa inasal ko, baka kung ano isipin ni Razzo na nakita niya kong lumukuha. Payuko akong tumatakbo kaya hindi ko nakita may tao akong nabanggaan. Bumangga ako sa isang matibay na dibdib ng isang lalaki. Pagtingin ko sa lalaki si Sir Wesley pala ang nabangga ko. "Oh Lyka bakit tumatakbo ka? At saka bakit ka umiiyak?" Sambit niya. "Wala po Sir, Sige po papasok na po ko sa loob." Mabilis ko siyang iniwan para hindi niya mahalata ang pag iyak ko dahil sa selos. "Oh Lyka maya maya matulog ka na. Magdamagan yan party pagkaligpit ninyo hayaan mo na si Manang Julia mo mag asikaso ng mga pulutan nila." Utos sakin ni Nanay remedios. Makalipas ang isang oras ay may mga umuwi ng ibang bisita si Razzo kaya napapunta na kami ni Inday sa pool upang magligpit ng mangilan ngilang kalat. Naabutan namin na may tatlo pa rin naiwan na tuloy pa sa pag inom ng alak at pakikipagkwentuhan. Nakita ko si Zac na nakapalumbaba at nakatanaw sakin. Namumula ang kanyang mukha hanggang katawan senyales na naparami na siya ng naiinom ngunit parang nawala ang kalasingan niya nang kunin ko ang mga nakakalat sa lamesa. "Lyka?" Nginitian ko si Sir Zac ng bahagya habang tinitipon sa tray ang mga plato, baso at bote ng alak. "Magpahinga ka na Zac." simpleng tugon ko sa pagsambit niya ng pangalan ko. "Mmmsaya akonng nakilala ka pasensya na ah nalasing ako, gusto pa sana kita makausap kaso nandyan na si antok..." sumisinok pa si Zac habang siya'y nagsasalita. Mabagal na nagsasalita si Zac hanggang sa di na niya kinaya ang antok at napapikit ng tuluyan. Muli akong napangiti kay Zac nang aking siyang pagmasdan. Naeengganyo akong kausapin siya mukha kasi siyang mabait sa lahat ng mga kaibigan ni Razzo. Nagulantang ako nang bigla siyang tumayo akmang lalapit sakin ngunit pasuray-suray itong kumakapit sa lamesa. Nangamba akong baka mahulog ito sa pool kaya kaagad ko siyang inalalayan. "Zac magpahinga ka na mahulog ka pa niyan sa pool." Saway sa kanya ni Ate Inday. Bigla siyang umakbay kay Ate inday habang patuloy na nakangisi samin. "Maya maya na Ate inday, gusto ko pa kasing makausap si Lyka. Crush ko siya eh." Hindi ko naman inintindi ang sinasabi ni Zac dahil abala ako sa pagliligpit ng mga kalat. "Hay naku Zac, itulog mo na yan bukas mo na siya kausapin kapag nasa tamang wisyo ka na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD