Nawala ang imagination ko nang humalik siya sa pisngi ni Franco. Natitigan ko nang husto ang mestisahin niyang kutis mula leeg hanggang cleavage.
"Nice to see you here Franco, sino yan kasama mo?" Tanong sakin ng bagong dating na ubod ng sexyng babae.
"Oh by the way, he is my cousin his name is Razzo, Razzo si Jenny,"
"Nice to meet you Razzo."
Mainit ang mga palad niya hindi ko alam kung talagang mainit ang kamay niya o buong katawan niya dahil nag heat up dahil sa pag sayaw ng zumba.
"Guwapo din siya katulad mo Franco, Are you single? Would you mind if ipapakilala ko sayo pamangkin ko." aniya.
"Yeah sure!" sagot ko and this time medyo ginaganahan na ko makipag usap.
Napatango na lamang ako ng parang wala sa sarili, pero commonly saming mga lalaki na 10 meters away from our girlfriend ay single kami lalo na may hot at sexy na babae na nasa harapan namin.
"Yes Tita Jenny." Sigaw sa di kalayuan ng isa pang banae na mas bata-bata dito kay Jenny.
Ithink siya yun sinasabing pamangkin ni Jenny. boses pa lang tila anghel na ang paparating na chinita girl.
"Trixie I would like you to meet Franco and Razzo." pakilala samin ni Jenny sa kanyang pamangkin.
Agad kong nakipagkamay sa maganda rin si Trixie. Nice name mukhang palaban din ang isang ito. Pasimple kong hinagod ang kanyang hot and slender body. I must say she is also body concious and active sa sports.
"Nice meeting you guys, mag eenroll din ba kayo sa zumba class ni tita?" Panimula ni Trixie.
"Ah hin..."
Hindi ko na pinatapos magsalita si Franco kaagad na kong sumagot kay Trixie.
"Yes plano namin magzumba class na-late lang kami ng dating pero next sat maybe makakaattend na kami." I answered to Trixie sabay siko ko kay Franco to agree with me.
"Ah okay noted Razzo." hindi mapigilang ngiti ni Jenny.
"Oh thats cool maganda sa kalusugan ang zumba but for me with your built mukha naman kayong active and athlete, so bakit kailangan niyo pang mag zumba." Nagtatakang sabi ni Trixie.
"G-gusto talaga namin mag zumba talaga, O nga pala can I invite the two of you to a pool party this evening."
Nanlalaki ang mga mata ni Franco sakin sa biglaan kong segway ng pag invite kay Trixie at Jenny.
"Bakit Razzo birthday mo ba?" Tanong sakin ni Jenny.
"A-ah birthday ng isang kaibigan namin and doon sa bahay namin napili namin mag celebrate tayo-tayo lang naman walang masiyadong bisita." I immidiately answer.
"Naku wala kong time ngayon araw mag drop by sa mall para bumili ng gift." saad ni Trixie.
Malungkot na sabi ni Trixie samin. I can't get rid my eyes on her what the f***.
"N-no huwag na kayo mag abala your presence is important to us." mabilis kong sabi.
"Yeah basta pumunta na lang kayo." sang ayon ni Franco sakin while hiding his devilish smile na very common kay Franco.
That I thinks he gets my idea.
"Okay sabi mo yan Razzo ah but we will try makabili ng kahit anong stuff for your friend is he a boy or a girl."
"Boy,Girl" sabay na sagot samin ni Franco at nagtinginan kami ng makahulugan.
"Ah dalawa sila I mean. Pero dont worry about the gifts hindi naman sila mahilig sa surprize presents. All you have to do is to come sabi ko kanina di ba." I said while smiling on this two oozing with sexiness na mag tiyahin.
"Okay if you insist na di na kami magdadala ng regalo. What time nga pla ang event?" tanong no Trixie.
"Mga 7pm good na yun." Sagot ko with unstoppable excitement na nararamdaman ko deep inside.
"Alright! Tita and I will go later thanks for the invite, anyway see you later guys may pupuntahan pa kami ni Tita Jenny." Paalam samin ni Trixie.
"Yeah Later na lang, Bye Franco see you round boys." paalam ni Jenny.
Bago makalayo ay nagiwan pa ng napakatamis na ngiti ang mag tita.
"Dont Forget to bring two piece. Were not any longer boys tita." mhinang sabi ni Franco sabay tawa.
"Come, lets go home para masabihan na natin yun maids na may parating tayong bisita later." hatak ko kay Franco.
"Tamang tama wala sila Papa at Uncle General." masayang sabi ni Franco.
"High five tayo dyan Cuz!" Aya sakin ni Franco para makipag-apir.
"Oh yeah! This night will gonna be thrilling." Bulong ko sa sarili ko.
꧁༺~~~~~~~༺꧂
"Lyka halika dito!" Sigaw sakin ni Ate Inday.
"Ano po iyon Ate Inday?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanya.
"Nagmessage si Sir Razzo na may mga bisita siyang pupunta mamaya. Maghahanda kami ni Manang Julia ng maluluto para mamaya. At dahil busy kami panoorin mo itong TV, sundin mo lang yun nagba-vlogg kung papaano ang tamang paglilinis ng sala ha sundan mo yun ginagawa niya para matuto kang maglinis gayahin mo, bukas na lamang kita tuturuan maglinis ha. Marami kang matutunan sa vlogger na yan okay. Basta sundin mo lang mga gagawin niya. "
"Sige po Ate Inday."
Matapos akong iwan ni Ate Inday ay masusi kong pinagmasdan ang bagay na pinapanuod sakin ni Inday, kakaiba talaga sa mundong ito nagkasya ang isang tao sa isang kahon lang.
Inilapit ko pa ang mukha at saka hinawakan ang kahon iyon.
"Kinakausap ba ko nitong babae sa loob ng kahon. Sige lang siya sa pagsasalita, Sabi ni Ate Inday panoorin ko lang yun ginagawa niya."
Patuloy kong pinanood ang babaeng nagsasalita sa loob mg kahon. Kumuha siya ng mga gamit sa paglilinis. Mukhang pinagbibili niya ang mga gamit na pinapakita niya. Hinanap ko ang naturang bagay na panglinis na hawak ng babae.
Magtuturo lang ng paglilinis kailangan pang magbenta? Bakit ba ganito sa mundong ito kakaiba lahat ng bagay.
"Ganyan nga mga ka-vlog kung paano gamitin ang mga ibang gamit na bago at high tech sa paglilinis." Dinig kong sabi ng babae sa loob ng kahon.
"Ah ganoon pala ang ginagawa sa mga ito walis, walis."
Habang nagwawalis ang pinapanood kong babae, nakita kong inilapit niya ang mukha niya sa mukha ng lalaking dumating napakunot noo ako kung bakit.
"Inday, Manang Julia." boses ng lalaki na nanggagaling sa malaking sala.
"Wala bang tao dito?" sabi ng lalaki
Nakita ko si Sir Wesley na nasa sala. Bakit kaya siya bumalik? Kaagad ko siyang nilapitan.
"Ako lang po Sir narito." sagot ko.
Natigilan si Sir Wesley at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.
"Ahm miss sino ka?" tanong niya sakin.
Nakatitig ito sakin na sinisipat ako mula ulo hanggang paa. Napatigil siya sa paglinga linga ng makaharap ako. Tinitigan niya ko sa mga mata. kakaiba ang tingin niyang iyon tila nangungusap ang kanyang mga mata at parang tumatagos sa buo kong pagkatao.
"Ako po si Lyka." Masayang sagot ko sa anak ng amo ko.
"I see ikaw pala si Lyka, nasaan si..."
Kaagad kong inilapit ang mukha ko sa mukha ni Sir Wesley dahilan yun para matigil siya sa pagsasalita.Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko sabay hawak saking mga balikat para ilayo ako.
"Lyka ano yan ginagawa mo?"Bulalas ni Ate Inday na kahit ako'y nagulat din ako sa lakas ng pag sigaw niya.
Natataranta ako lalo nang makita ko naging seryoso ang mukha ni Sir Wesley. Dahil dito ay gumapang ang kaba ko sa dibdib, natataranta ako dahil hindi ko alam ang gagawin.
May mali ba kong nagawa?
Hindi pa man nawawala ang kaba ko sa dibdib ko. Napansin kong may dalawang lalaki ang nakatayo mula sa malaking pintuan. Sila Sir Razzo at Sir Franco.
"Razzo nandyan ka?" sambit ko.
Napaturo pa ko sa kanila ni Franco.
"Yeah Kanina pa kami dito, Kitang-kita ka namin na hinalikan mo si kuya sa pisngi!" Aniya.
Salubong ang kilay at nakasimangot si Razzo pero bakit anong dahilan?
"Feeling mahinhin ah at napakailag samin ni Razzo yun pala si Kuya Wesley pala ang iyong nais. May hidden agenda ka ata sa bahay na'to" sabi ni Franco sabay tawa ng nakakainis.
"A-ano yun a-agenda? Hindi ko kayo maintindihan." tanong ko.
Hindi ko mawari ang mga sinasabi nila.
"Sige mag maang maangan ka pa!" patuloy ni Franco.
Teka ano ba itong ginagawa ni Sir Franco. Gumaganti ba siya sakin dahil sa muntik ko na siyang mabalian ng buto. Saglit akong napahinto nang maaalala ko yun araw na ibinalibag ko siya.
"Enough Franco let lyka explain herself!" Mariin sabi ni Sir Wesley.
"Kasi... kasi..." parehas na nakaangat ang mga kamay ko na sobra ang pangangatog at kalaunan din ay napahawak na lamang ako sa aking dibdib. Talaga nga yatang may nagawa akong pagkakamali pero ano?
Tiningnan ko si Ate Inday na hindi mawari ang mukha, may halong pag aaalala nababakasa sa itsura niya. Samantalang si Razzo ay nakasimangot sakin. Bakit siya nakasimangot. Sa kabila ng di maipinta niyang mukha napakakisig pa rin ng taglay niya lalo na sa papatubo niyang maninipis na balbas sa kanyang panga.
Napayuko na lang ako at sinabukan kong magsalita dahil pakiramdam ko base sa mga itsura nila na may ginawa akong mali.
"Ginagaya ko kasi yun babaeng nasa loob ng kahon, naglilinis siya tapos may dumating na lalaki kaya ginaya ko yun ginawa niya."
Napaawang na lang ang bibig ni Sir Wesley at mukhang blangko na nagiisip. Marahil siguro dahil sa mga sinabi ko. Bigla na lang nagsipaghalpakan sila Razzo at Franco na di ko maintindihan bakit sila tumatawa.
"Naku Lyka halika nga dito. napakaganda mo pa man din bata ka, mabubuntis ka ng wala sa oras niyan." Sabay hatak sakin ni Ate Inday
"Ahm Inday hindi naman sa ganoon, Alam mo naman may respeto ako sa mga babae." niluwagan pa ni Sir Wesley ang kanyang suot na na tila nasasakal ang leeg nito.
"Sorry po Sir."
Napatingin ako sa sinabi ni Inday napaluha na ako sa takot.
"Lyka stop crying, huwag kang umiyak, Inday mamaya ko na kayo kakausapin dalhin niyo muna siya sa kusina."
Inakay ako ni Ate Inday papuntang kusina. Nadaanan pa namin ang kahon na may tao sa loob. Nakita kong nagyayakapan ang mga babae at lalaki. Biglang may ginalaw si Ate Inday sa kahon kaya naglaho ang babae at lalaki. Hindi naman namin namalayan na nakasunod pala samin si Sir Wesley.
"Hmm Lyka Im sorry if natakot ka kanina, I was blown away nang makita din kita hindi ko kasi akalain na ikaw yun Lyka na nababanggit kanina. Hindi rin ako nakaiwas ng makipagbeso ka sakin."
Tumikhim muna si Sir Wesley bago muling nagsalita.
"Hindi ko ineexpect na ganyan ka kaganda." wika niya.
"Sir Wesley pasensya na kasalanan ko din kasi. Nagaya ni Lyka yun napanood niya sa tv."
"Sa tv?" Napatawa ng bahagya si Sir Wesley
"Wala po kasi ko oras kanina para turuan si Lyka sa mga gawaing bahay. Namalengke po kasi sila Manang Remedios at busy naman po ko sa paghanda ng lulutuin mamaya para sa mga bisita ni Sir Razzo kaya pinapanood ko muna siya ng TV para bang self thought Sir." Sagot ni Ate Inday.
Nagtataka ako kay Ate Inday kung bakit ganoon siya magsalita. Parang may tono siya sa tuwing magsasalita.
"Okay from now on lagi mong aalayan si Lyka, tapos Lyka makinig kang mabuti sa mga ituturo ni Inday sayo. Mabuti siguro na ang task mo dito sa bahay for the meantime ay alagaan mo lang muna sila Kobe at Emily. Then saka mo pagaaralan mga gawain dito sa bahay okay?"
Napatango ako sa mga ibinilin ni Sir Wesley.
"By the way ako nga pala si Wesley panganay na sa mga anak ni Papa." Pagpapakilala niya sakin.
"Kilala ko na po kayo Sir Wesley." Walang kagatol-gatol kong sagot.
"Huh paano mo ko nakilala eh ngayin lang tayo nagkaharap." Nagtatakang sabi niya.
"Nakita na kita kanina Sir Wesley." wika ko.
Kaninang hawak ako ni Emily.
"Siguro Sir dahil siguro sa mga pictures frames niyo sa sala lagi niya kasi tiningnan iyon ni Lyka." mabilis na sagot ni Ate Inday.
"Hmm okay, Inday bigyan mo na ng uniform si Lyka alam mo naman madaming pasaway dito at lalo na mamaya nariyan mga barkada nila Razzo. huwag na huwag kang magsusuot ng maiiksing damit Lyka." Utos sakin ni Sir Wesley