Naglalakad kami ngayon ni brineth pauwi pero nag aaya siyang pumunta sa mga mondejar. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pag lalakad. Hindi ko parin makalimutan ang nangyari kanina para akong naiiyak ulit sa tuwing pumapasok iyon sa isip ko.
Nang umalis kami kanina ay tinanong ko ang bata kung sino ang mga magulang niya at kung saan siya nakatira. Ngunit hindi niya pa ako nasasagot nang may biglang babaeng sumulpot at paulit ulit na nagpasalamat at humingi ng tawad. Kausap niya lang daw ang asawa niya sa cellphone nang bigla siyang mapatingin sa anak niyang muntik ng masagasaan. Sinabi ko nalang na sa susunod ay mas bantayan niya pa ang anak niya lalo na't mukhang may kalikutan.
"Sige na kasi, nandoon naman si lola evangeline," bumalik ako sa realidad nang marinig ko nanaman ang pangungulit niya.
"Ang sabi ko ayaw ko, kung gusto mo ikaw nalang ang pumunta at tutuloy nako pauwi," sabi ko at mas binibilisan ang lakad.
Mukhang nakaramdam si brineth na wala ako sa mood kaya hindi na siya nangulit at sumunod nalang saakin hanggang sa makarating nakami sa bahay.
Pabagsak siyang umupo sa sofa dahil sa pagod. Ako naman ay dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig. Habang umiinom ako ay naalala ko namaman ang mukha nang lalaki kanina.
His eyes were so deep and expensive.
His face had that faraway look in it, which cannot be described in words.
"Nakatunganga ka diyan?," napatalon ako sa gulat nang mag salita si brineth sa may likod ko.
"Ano ba?! bakit kaba nang gugulat?," sabi ko habang nakahawak sa may dibdib ko ramdam na ramdam ko ang t***k non.
"Iniisip mo parin yung nangyari kanina?," tanong niya.
"Akala ko masasagasaan ako," pag aamin ko sakanya.
"Akala ko rin. Bakit mo kasi ginawa yon? Bakit bigla kanalang tumakbo papunta roon? Takot na takot ako sa ginawa mo!" naiinis man ngunit mas nangibabaw ang pag aalala sa boses niya.
"Sorry, hindi ko din alam kung bakit ko ginawa iyon," nag iwas ako nang tingin sakanya at sabay inom sa tubig na hawak ko.
"Papatayin mo'ko sa kaba paano kung may nangyaring masama sayo? hindi ko mapapatawad ang sarili ko," gumaralgal ang boses niya kaya napabaling ako sakanya. "Sorry," umiiyak na niyang sabi. "Kung hindi kita pinilit pumunta doon ay hindi sana mangyayari yon," pag papatuloy niya.
Lumapit ako sakanya at tinatahan siya. "Shhh, stop crying walang may kasalanan non, okay?" sabi ko sakanya.
"Nakilala moba iyong lalaki?" tanong niya.
Oo, gusto kong sabihin iyon pero paano ko ipapaliwanag? Puro magagandang katangian ang nakita ko sakanya pwera lang ang ugali niya.
"Hindi," sabi ko nalang.
"Parang familiar siya," sabi niya habang nag pupunas nang luha, binigyan ko naman siya ng tubig para makainom siya at mahimasmasan.
"Paano mo nasabi?" tanong ko.
"Parang nakita kona siya e, hindi kolang maalala kung saan," nag-iisip niyang sabi.
Agad din namang umuwi si brineth sakanila dahil sinundo siya nang kapatid niya. Habang ako naman ay nag pahinga na muna.
Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako habang iniisip ang mga nangyari kanina at marami pang bagay. Nagising nalang ako nang marinig kong may kumakatok sa may pinto. Iniisip kong baka si lola na ito, hindi ko pa alam ang sasabihin tungkol sa pag-aaral ko.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at tama nga ako si lola eva nga. "Lola," mahinang tawag ko.
"Oh, Liah may kasama ako ayusin mona ang mesa at mag hain kana dahil dito siya kakain," sabi niya.
"Po? sino?" takang sabi ko.
"Ah, si sir fabian, iyong bunsong anak nang mga mondejar, hinatid niya kasi ako at nakakahiya kung hindi ko pakakainin. Sige na ayusin mona at tatawagin ko naroon siya sa sasakyan niya,"
Pumasok naako at inayos kona ang pag kainan namin. Fabian... iyon pala ang pangalan nang bunso ngunit hindi kopa siya nakikita lagi kasing narito iyong tatlo niyang kapatid at ang ama niya.
Lumabas ako nang kusina nang narinig kong pumasok na sila. Nakakahiya naman kung hindi ko sila pupuntahan doon at mag hihintay lang ako sa kusina hindi ba?
"Oh, Liah," napa tigil ako sa pag pagpag nang damit ko nang tawagin ako ni lola.
Bumaling ako sakanya at hindi ko inaasahan ang nakita ko. Iyong gagong lalaki ang kasama nang lola ko. Anong ginagawa niya dito? Huwag niyang sabihin isa siyang mondejar? napakalayo nang ugali niya sa mga mondejar!
"Anong ginagawa mo dito?" iyon lamang ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
"Ah, Liah mag kakilala ba kayo nitong si sir fabian?" nagtatakang tanong ni lola.
"She's the one who slapped me," napatingin ako kay fabian nang sabihin niya iyon habang nakatitig sa mga mata ko.
"Liah? ikaw yung sumampal kanina sakanya?," tanong ni lola pero di ako sumagot. "Siya ba sir iyong kinokwento mo saakin kanina sa kotse?" kumunot ang noo ko nang marinig ko ang tanong ni lola kay fabian. Ano naman kaya ang kwento nitong lalakeng to baka yung pag sampal kolang sakanya at hindi ang buong pangyayari.
"Naku sir! pasensya na kayo sa ginawa nang apo ko at baka nagulat lang kanina kaya niya nagawa iyon," pag hihingi nang tawad ni lola kay fabian.
Kumunot ang noo ko dahil sa pag hingi niya ng tawad. Hindi yata tama yon, he must be the one to apologize and not lola, because in the first place siya ang may kasalanan.
"It's okay manang, after all i'm the one who should apologize," sabi niya sabay baling saakin. "i'm sorry, i didn't mean to say those words," pag hihingi niya ng tawad.
I don't know what to say. I'm wondering if I'll also apologize for slapping him earlier.
"Lalamig na ang pag kain, lola kumain na po tayo," imbis na humingi ng tawad ay yon ang lumabas sa bibig ko.
Nakaupo nakami ngayon at nag sisimula nang kumain. Katabi ko si lola samantalang nasa harapan ko naman si fabian. Hindi ko alam kung gusto niya ba ang ulam namin ngayon, simpleng adobo lang ang aking niluto.
"Sige sir huwag kang mahiya at kumain kalang, Luto iyan ni liah. Tikman mo," sabi ni lola sakanya.
Tinitignan ko siya habang nag sasandok siya ng kanin at ulam hanggang sa isubo niya ang pag kain.
"It's good," sabi niya habang ngumunguya at bumaling sakin, binaba ko naman ang tingin ko sa pag kain ko, uminit ang magkabilang pisngi ko dahil nahuli niya akong nakatitig sakanya.
"Naku masarap talagang magluto yang si liah, noon nga ay ayaw kong pinag luluto o kahit anong trabaho pero siya itong nag pupumilit kaya hinahayaan ko nalang, pero kung pag tatrabaho sa labas ng bahay ay umaayaw ako agad," pag dadaldal ni lola.
"Pero kailangan kona pong mag trabaho, La," mahinang sabi ko.
"At bakit naman? sapat naman ang kinikita ko para saating dalawa," sabi niya.
"Lola, gusto ko pong tumulong, kahit manlang sa pag-aaral ko gusto ko pong ako na ang mag bayad," pag papaliwanag ko.
"Kaya ko naman," pag pupumilit niya pa.
"Siya nga pala, hindi ba't sabi ko mag-uusap tayo tungkol sa pag-aaral mo sa susunod na linggo," seryosong sabi niya.
Napatingin kami kay fabian nang tumikhim siya, kung hindi siya tumikhim ay baka akalain kong kaming dalawa lang ni lola ang nasa bahay.
"Manang, i need to go. Dad texted me," pag papaalam niya.
Nasa labas ako ngayon kasama si fabian, ang sabi ni lola ay ihatid ko siya kaya wala akong magawa kundi sundin ang sinabi niya. Matangkad pala siya hanggang leeg niya lang ako. Matangkad naman ako pero feeling ko ang liit liit ko ngayon dahil katabi ko siya. Tumigil kami sa pag lalakad nang nasa harapan nakami ng sasakyan niya.
"I'm sorry," napaangat ang tingin ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa pag hingi niya ng tawad o ano, dahil wala akong mabasang ekspresyon sa mga mata niya. Hindi ko nakayanan kaya ako agad ang nag iwas ng tingin.
Hihingi na din sana ako ng tawad nang biglang tumunog ang cellphone niya, pakiramdam ko ay hinahanap na talaga siya sakanila kaya nag mamadali niyang inubos ang pagkain niya kanina.
"Uh.. thankyou for the food at pakisabi nalang kay manang na nakaalis nako," sabi niya. Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo nang mapansin niyang hindi ako mag sasalita ay nag paalam na siya.
Tinignan kong mabuti ang sasakyan niya hanggang sa hindi kona matanaw iyon.
Nang maglakad nako pabalik ay napatigil ako at pinag masdan ang buong bahay. Simple lang aming bahay, may maliit na terrace pag labas monang pinto. May dalawang kwarto sa loob, tig isa kami ni lola, mayroong saktong maaliwalas na sala, at kusina. Hindi man masasabing malaki ang bahay namin, Pero matatawag ko naman itong cute.
Tumuloy na'ko sa paglalakad at pumasok sa loob. Pumunta ako sa kusina upang puntahan si lola pero nagulat ako nang nakita ko siyang nakaluhod at nakahawak sa gilid nang mesa.
Dali-dali ko siyang dinaluhan. "Lola! anong nangyayari sainyo?!" labis na pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon. Hindi siya makapag salita parang sobrang sakit at panghihina ang nararamdaman niya. "Sandali lang po hihingi ako nang tulong sa kapit bahay, dadalhin po kita sa hospital," sabi ko at nag madaling lumabas.
Saktong pag kalabas ko nakita kong nakatayo si fabian sa harap ng pinto. Hindi ko alam kung bakit siya bumalik pero kailangan ko ang tulong niya.
"T-tulungan m-mo'ko dalhin sa hospital si lola eva," nanginginig ang boses ko dahil sa takot na baka kung anong mangyari sa lola ko.
"What happened?" tanong niya. Pero hindi ko siya nasagot at tumakbo papasok ng bahay sumunod naman siya saakin.
Nang makita niya ang ayos ni lola ay nagmadali siyang lumapit at binuhat si lola papunta sa sasakyan niya. Nang maipasok na niya ay pumasok nadin ako sa likod at tinabihan si lola.
Mabilis ang pagpapatakbo niya nang sasakyan gusto kong sabihing bagalan niya pero kailangan agad madala si lola sa hospital.
Nakarating nakami sa hospital.
Agad namang inasikaso si lola. Lumabas ang doctor sa kwarto, Si arthur mondejar ang panganay na kapatid ni fabian. Sa kanila pa yata hospital ang pinuntahan namin.
"Anong nangyari sa lola ko?" nag aalalang tanong ko.
"She's sleeping. Masyado siyang napagod kaya sobrang pang hihina ang naramdaman niya at isa pa matanda na siya kaya mas mabuti sigurong hindi na siya masyadong mag trabaho. Baka sa susunod ay hindi na niya kayanin dahil medyo mahina narin ang puso niya," Sabi niya.
Nakahinga ako nang maluwag nang marinig na okay lang siya. Pero nakaramdam ako nang takot para sakanya. Masyado na niyang pinapagod ang sarili niya.
"Pwede naba siyang puntahan?" tanong ko.
"At.. mag s-stay ba siya dito? gaano katagal?" tanong kong muli.
"Oh, pwede nakayong umuwi kapag gising na si manang," nakangiting sabi ni arthur.
"Salamat," sabi ko.
"Salamat rin sayo," baling ko kay fabian na nakatingin sakin.
"No problem. Manang is also our family," sabi ni arthur samantalang tinanguan lang ako ni fabian.
Tumango ako bago tuluyang naglakad papasok sa kwarto ni lola.
Hindi ko akalaing makikita kong nakahiga sa hospital bed si lola ngayon. Hindi niya sinasabi kung may nararamdaman ba siya, lagi niyang sinasabi na kaya niya at malakas siya. Alam kong araw-araw siyang pagod dahil sa trabaho pero lagi niyang pinapakitang malakas siya.
Tinititigan ko lamang ang mukha niya. Biglang tumulo ang mga luha ko, tahimik akong humihikbi nang bigla siyang magising at tumingin sa banda ko. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at mabilis siyang dinaluhan.
"Lola, Okay kalang ba? May masakit ba sayo?" Tanong ko sakanya.
"Apo.. ayos lang ako. Ikaw? Bakit ka umiiyak?" ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.
"Lola, a-akala ko.. k-kung ano nang nangyari sainyo," hindi kona napigilan ang pag-iyak dahil naalala ko ang ayos niya nang madatnan ko siya sa kusina kanina.
"Pasensya na kung pinag-alala kita, apo," sabi niya.
Umiling lang ako dahil hindi niya kailangan humingi nang tawad. Ako nga dapat ang humingi nang tawad pakiramdam ko sobrang pabigat kona sakanya dahil sakin kailangan niya pang magtrabaho araw-araw.
"Hindi ko gusto ang iniisip mong bata ka," pagalit na sabi niya.
"Po? wala naman po akong iniisip," pag sisinungaling ko.
"Kilalang kilala kita ashliah claize," Ngumiwi ako nang marinig ko ang buong pangalan ko kapag ganon siya ay alam kong nagagalit na siya.
"Lola.. mas mabuti siguro kung tumigil-," hindi ko natapos ang sasabihin ko nang putulin niya ako.
"Ayaw ko," makulit na sabi niya.
"Pero lola, kailangan niyo nang tumigil mag trabaho... Lola hayaan mong ako naman ang mag trabaho para saating dalawa. Hindi kona po kakayanin kung makita ulit kitang ganon ang kalagayan.. Kailangan mo nang pahinga kaya sana po pumayag kana." Pakiusap ko sakanya.
Bumuntong hininga siya at unti-unti akong napangiti dahil alam kong konti nalang at mapapapayag kona siya.
"Alam kong binabalak mong tumigil sa pag-aaral... Papayagan kitang mag trabaho at papayag akong tumigil na sa pag tatrabaho kung ipapangako mo saaking mag papatuloy ka sa pag-aaral. Ayaw kong sayangin mo ang isang taon lalo na't isang taon nalang ay mag tatapos kana." Mahabang sabi niya.
Hindi ko alam kung kaya kobang pag sabayin ang pag-aaral at pag tatrabaho pero magagawan ko naman siguro ng paraan iyon basta huwag lang mag trabaho si lola.
Lumipas ang araw na yon nang naging ayos ang usapan namin.
Nung araw ding iyon ay umuwi kami agad. Hinatid kami pabalik ni fabian. Doon ko lang nalaman kaya pala siya bumalik ay naiwan niya ang jacket niya. Hindi narin kami pinag bayad sa hospital nag pupumilit pangang mag bayad si lola ngunit umayaw si arthur at fabian.
Ngayong araw ay kasama ko si brineth sa sala. Si lola naman ay nasa kwarto dahil nag papahinga.
"Saan ka nga pala mag tatrabaho?" tanong ni brineth.
Saan nga ba? Hindi ko din alam ang sagot sa tanong niya... siguro kakausapin ko si lola kung pwedeng ako nalang ang mag patuloy sa trabaho niya sa mga mondejar. Siya kasi ang taga luto sa mansion dahil masarap siya mag luto.. marunong din naman ako pero hindi kasing galing ni lola pero maaari ko naman sigurong matutunan iyon.
"Hindi ko alam," problemadong sabi ko.
"Alam mo.. maganda ka, matangkad, matalino.. pasok na pasok ka sa pagiging model!" Masaya pa niyang sabi.
"Alam mo namang wala akong hilig sa mga ganyan," tamad kong sabi sakanya.
Sinimangutan niya lang ako.
Dumadaan ang mga araw at siya naring pag lapit ng pasukan ngunit hindi ko parin nasasabi kay lola na gusto kong ipag patuloy ang trabaho niya.
"Tama!" Nagulat ako nang biglang sumigaw si brineth. "Ipag patuloy mo nalang ang trabaho ni lola eva sa mga mondejar, hindi ba't magaling ka naman mag luto," Sabi niya.
"Yan nga din ang plano ko e. Pero hindi ko pa nasasabi kay lola at isa pa inaalala ko din kung sinong mag babantay sakanya," Dismayado kong sabi.
"Ano kaba naman liah! nandito naman ako. Ako na muna ang mag babantay kay lola habang nasa trabaho ka, wala naman akong ginagawa saamin." Pag piprisinta niya.
"Wag mong sabihing nahihiya ka. Okay lang yon ano kaba para kona ring lola si lola eva at para naring kitang kapatid, kaya sino sino paba ang mag tutulungan kung hindi tayo din, hindi ba?" Sabi niya pa.
Nginitian ko siya at dinamba ng mahigpit na yakap.
"A-ano... b-ba h-hindi.. a-ko makahinga," hirap na hirap niyang sabi.
Agad ko naman siyang binitawan at nag peace sign sakanya. "Maraming salamat neth. Hindi ko alam ang gagawin ko nitong mga nakaraang araw, mabuti nalang at nandito ka," Emosyonal kong saad.
Siya naman ang yumakap saakin nang mahigpit. Napangiti nalang ako at niyakap siya pabalik. Bumitaw kaming dalawa nang marinig naming mag salita si lola.
"Aba'y nag yayakapan kayo't hindi niyo ako sinasama," kunwaring nag tatampo niyang sabi.
Sabay sabay kaming nag tawanang tatlo at sinama sa yakapan. Ang aking mahal na lola.
Sabay sabay kaming kumaing tatlo kanina. Dito naghapunan si brineth dahil mas masarap daw ang ulam namin. Kahit kailan baliw ang babaeng yon pero malaki ang pasasalamat ko na nakilala ko siya kahit na ganon yon ay hindi ko kayang ipagpalit.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay ibinagsak ko kaagad ang katawan ko sa kama. Pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw ay sobrang nakakapagod.
Tumayo ako at pumunta sa may bintana nang kwarto ko. Pag bukas ko nang bintana niyakap ako nang malamig na hangin. Pakiramdam ko tuloy nakahinga ako nang maluwag. Pakiramdam ko kahit papaano nawala ang pagod ko.
Pinag mamasdan kolang ang buwan at bukirin. Kahit na gabi ay makikita ko naman kahit papaano ang bukirin dahil sa liwanag nang buwan. Bukirin kasi ang matatanaw mo kapag binuksan ang mga bintana ng kwarto ko.
Ang ganda ng mga bitwin at ang buwan. Parang kapag tinititigan ko sila, para akong nakalutang. Parang ang gaan gaan nang lahat.
Habang nakatitig lang ako sa buwan, biglang sumagi sa isipan ko ang mga totoong pamilya ko. Naisip ko kung paano nila ako nakayanang iwan sa hindi nila kilalang tao. Inisip ba nila na baka.. sa masamang tao nila naiwan? Siguro hindi. Dahil kung inisip nila iyon ay hindi nila ako iiwan.
Gusto kong malaman kung anong rason nila kung bakit nila nagawa saakin iyon. I just want to know... Pero.. siguro nga lahat ng nangyayari may dahilan. Kaya siguro kami pinagtagpo ni lola dahil parehas nalang kaming mag-isa. Siguro ganon talaga.. kailangan namin ni lola ang isat isa kaya nangyari yon. Dahil wala nang mag-aalaga sakanya at iiwan din naman ako nang mga magulang ko.. kaya siguro naisip nang diyos na kami nalang dalawa ang pag tagpuin dahil parehas kaming nag-iisa.
Pero kahit ganon nag papasalamat parin ako na iniwan nila ako sa mabuting taong gaya ni lola eva. Hindi niya ako tinuring na ibang tao.. tinuring niya akong parang totoong apo at higit pa ang ipanaparamdam niya. Napaka swerte ko at nakilala ko siya. Kaya sa tuwing naalala ko ang mga nangyari nitong nakaraan ay nasasaktan ako nakakaramdam ako nang takot.. dahil baka hindi ko kakayanin kung mawawala ang lola ko.
Bumalik na'ko sa kama at nahiga na nakatitig lang ako sa kisame. Naalala kopanga noon sinubukan kong hanapin ang mga pamilya ko sa social media.. pero ang daming andriano at sa mga nakita ko ay wala namang ashliah claize andriano ang hinahanap kaya tumigil nalang ako. Dahil mahirap hanapin ang ayaw mag pakita at naisip ko din na bakit kopa hahanapin sila nanga ang kusang humiwalay saakin, kaya bakit pa, hindi ba?
Dahil sa sobrang daming iniisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.