CHAPTER 1

2385 Words
"Liah bumangon kana at kakain na!" nagising ako sa sigaw ni lola mula sa sala. "Opo!" sagot ko. Agad akong bumangon at nag hilamos para masabayan kong kumain si lola. "Magandang umaga po lola pero mas maganda ka sa umaga" Paglalambing ko sakanya pag kalabas konang kwarto dahil alam kong masesermunan niya ako. "Bakit tanghali ka nanaman nagising? Kung hindi pa ako sisigaw ay hindi ka magigising!" pag sesermon niya. Napakamot ako sa ulo at ngumiwi dahil hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Nanood lang po ako ng TV huwag na kayong magalit," mas pinalambing kopa ang boses ko upang hindi niya na ako sermonan. "Sige na maupo kana at nang makakain na tayo dahil mag tatrabaho pa ako" sabi niya. Ang totoo niyan hindi naman talaga ako nanood kagabi, hindi lang talaga ako makatulog dahil iniisip ko kung ipagpapatuloy ko paba ang pag-aaral ko sa susunod na linggo o hindi na muna, Ayaw ko kasing pahirapan ang lola dahil siya na halos lahat ang gumagastos dito sa bahay. Gusto ko munang mag trabaho upang makatulong pero alam kong hindi niya ako papayagan. "Apo!" napatingin ako kay lola dahil sa sigaw niya. "Kanina pa kita tinatawag bakit nakatunganga kalang diyan?" kunot noong tanong niya. "Inaantok lang po," palusot ko. "Tinatanong kita kung anong balak mo sa susunod na linggo? hindi ba't pasukan na iyon?" tanong niya. Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, buti nalang at napatingin ako sa orasan. "Lola.. malelate na po kayo," sabi ko. "Aba'y oo nga, marami pa naman ang gagawin sa mansion ngayon dahil darating ang bunsong anak ng mga mondejar," sabi niya. "ako na po ang mag liligpit," sabi ko at nang makaalis na baka itanong niya nanaman ang tungkol sa pasukan. "Liah, mamayang pag-uwi ko mag-uusap tayo tungkol sa pag-aaral mo" sabi niya bago lumabas ng pinto. Napabuntong hininga ako hayst! pinukpok pukpok ko ang ulo ko ng mahina sa mesa dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay lola na titigil na muna ako. "Gusto mo tulungan kitang ipukpok ang ulo mo? Ang hina kasi ng sayo e. Ako, isang pukpok lang diyan biyak agad yan," napatingin ako sa may pinto ng may narinig ako boses mula doon. "Anong problema mo?" tanong ng bestfriend kong si brineth. Umiling lang ako sakanya. "Saan ka pupunta?" tanong ko nang nakitang nakaayos siya. "Kahit saan basta malayo sa bahay," sabi niya sabay irap. "Nag-away nanaman kayo ng kapatid mo?" tanong ko habang nililigpit ang pinagkainan. "Hindi ko siya kapatid," mariing sabi niya. Inirapan ko lamang siya dahil sanay na'ko, lagi niyang sinasabi yan sa tuwing nag-aaway sila. "Samahan mo'ko." sabi niya at kumapit sa braso ko. "Saan?" tamad kong tanong. "Sa university, mag e-enroll ako, tsaka.. ikaw diba? mag e-enroll kadin" sabi niya. "Titigil na muna siguro ako," sabi ko. "Ano?!" gulat niyang sigaw. "Ano ba! ang ingay mo! sakit sa tenga," sabi ko habang tinatakpan ko ang dalawang tenga, sinamaan ko siya nang tingin. "Bakit ka titigil?" pangungulit niya. "Kung wala kang pera for sure bibigyan ka ni lola," sabi niya pa. "Brineth, ayaw konang dagdagan ang iniisip ni lola.. tsaka siguro mag hahanap muna ako ng trabaho bago mag patuloy sa pag-aaral." sabi ko. Ayaw konang mas lalong mahirapan ang lola ko. "Hintayin mo'ko diyan maliligo lang ako at sasamahan kita," pagtatapos ko sa usapan. Saktong pag labas ko ng pinto nag salita si brineth. "Titigil nadin muna ako." sabi niya. Binato ko siya ng tuwalyang hawak ko dahil sa sinabi niya. "Nababaliw kana ba?" pagalit na sabi ko. "Hindi. Mag sabay nalang tayo kapag mag-aaral kana," sabi niya na parang wala lang sakanya. "Mag e-enroll ka. Sasamahan kita," desididong sabi ko. "Pero liah-," tinapunan ko siya ng masamang tingin kaya natahimik siya. "Isipin monga, may pera kanang pang enroll at isang taon nalang makakapagtapos kana. Tapos titigil ka? Paano nalang yung pinag hirapan ng mga magulang mo sa ibang bansa? Nag hihirap sila doon para pag-aralin kayong mag kapatid tapos titigil ka? dahil hindi ako mag-aaral? gagaya ka sakin?" Sunod sunod kong sabi sakanya. "Sorry, hindi lang ako sanay na hindi ka kasama.. Pero, tama ka isang taon nalang at gagraduate na tayo ng teacher. Kaya, bakit kapa titigil? Alam kong bibigyan ka nang pera ni lola kaya tanggapin mo iyon. Tsaka alam ko namang papasa tayo kapag nag exam tayo para maging teacher, kaya tanggapin mona iyong pera, isang taon nalang at makakabawi kana kay lola. Kapag hindi mo tinanggap iyon ay hindi din ako mag-aaral." pangungulit niya. Inilingan ko nalamang siya, ang kulit. "mag-uusap pa kami mamaya ni lola, tungkol diyan. Tumayo kana diyan at aalis na tayo," sabi ko. "Saan tayo pupunta?" tamad niyang tanong. "Mag e-enroll ka, hindi ba?" Nilakihan ko siya nang mata upang tumayo na siya. "Hindi, gusto ko munang malaman iyong desisyon niyong parehas ni lola eva bago ako mag enroll," sabi niya sabay higa sa sofa. "Ang kulit mo," inis na sabi ko. "blah blah blah," sabi niya sabay takip sa tenga niya. "Bakit hindi kanalang mag trabaho muna sa mga mondejar? hindi ba't doon nag tatrabaho si lola?" suggestion niya. "Matagal ko nang sinasabi kay lola iyan, ngunit ayaw niya." pag buntong hininga ko. "Edi, tanongin mo ulit ngayon at baka pumayag na," pamimilit niya pa. Naisip ko din nga iyon kagabi e. Pero si lola kasi alam kong hindi niya ako papayagan, ewan koba kung bakit ayaw niya akong nag tatrabaho mula noong bata pa ako, ako lang lagi iyong nagpupumilit upang payagan niya ako dahil gusto kong matuto dahil wala namang ibang magtutulungan kundi kaming dalawa lang. Lumaki akong siya ang kasama ko, ang sabi niya noong tinanong ko kung nasaan ang mga magulang ko, sabi niya ay hindi niya alam dahil nakita niya lang ako sa harapan ng pinto niya noong mag-iisang taon palang ako. Nakalagay sa bulsa ko ang papel kung anong pangalan ko at birthday ko, mabuti at naisipan pang gawin iyon ng nang-iwan sakin. Hanggang ngayong twenty two na'ko ay inaalagaan niya parin ako. Oo at hindi ko siya kadugo pero higit pa sa kadugo ang turing niya saakin at ganon din ako sakanya. Naglalakad kaming dalawa ngayon papunta sa kabilang baranggay, nag-aya kasi si ava yung isang kaibigan namin dahil fiesta daw sakanila at etong si brineth ay hinatak hatak pa ako dahil ayaw kong sumama. "Dapat nag tricycle nalang pala tayo, medyo may kalayuan pala," "Bakit kasi naisipan kopang ayain kang mag lakad, ang sakit na ng paa ko!" "Liah, buhatin monga ako, pagod na'ko," kunwaring iyak niya. Hindi ko alam kung ilang beses na niyang sinabi ang mga yan at kung ilang reklamo na ang nasabi niya. Kaya hindi kona napigilang mag salita. "Mag tiis ka diyan! kasalanan mo naman," inis na sabi ko dahil pagod nadin ako. "Madadaanan natin ang mansion ng mga mondejar," sabi niya na para bang hindi ko alam. "Pumunta tayo nandoon naman si lola tapos makikain nadin tayo," sabi niya sabay tawa. "Baliw kaba? Oo baliw ka talaga," sabi ko sakanya. "Nagbibiro lang naman ako e, tsaka hindi pag kain ang gusto kong kainin doon sa mansion," tinaas baba niya pa ang kilay niya at malisyosong ngumiti. "Balita ko ay darating ang bunso, kumpleto yata sila ngayon, naroon ang apat na anak ni don mondejar," sabi niya. "Oh, tapos?" tamad na sabi ko.. ewan koba sikat kasi ang nga mondejar dahil mayaman, mabait, matulungin, gwapo't magaganda nasa kanila na ata ang lahat, kaya hindi ko masisisi ang mga humahanga sakanila, ako rin naman ay humahanga pero hindi katulad netong si brineth.. gusto pa yatang mapangasawa ang isa sa mga mondejar. "Ano kaba! syempre kompleto ang mga asawa ko!" masayang sabi niya, napangiwi ako sa sinabi niya. "Pero ang alam ko may mga girlfriend na yung mga yon, at hindi ako isa sa mga babaeng yon!" sabi niya na parang bata. "Si Don rafael mondejar ay walang asawa dahil patay na at siguradong walang girlfriend yon, siya nalang ang asawahin mo," gusto kong tumawa ng malakas dahil sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. "Seryoso kaba?" gigil niyang sabi. "Kung gusto molang naman," sabi ko sabay tawa. "Ano yon? Sugar daddy?" sabi niya. "Easy kalang.. sa mga anak nga wala kang nakuha pano pa kaya ang kanilang ama baka ayawan kadin," pag bibiro ko sabay tawa ng malakas dahil hindi kona napigiligan. "Ashliah Claize Andriano! napakasama mo! bakit kita naging kaibigan ha?!" gigil na gigil niyang sabi. "Hindi ko rin alam kung bakit kita naging kaibigan," balik na sabi ko sakanya. Inirapan niya ako. Mag sasalita na sana siya nang narinig namin ang tawag ni ava sa kabilang daan. "Liah, neth!" sigaw ni ava tumakbo siya papunta samin at niyakap kaming pareho. "Happy fiesta," bati ko. "Salamat, Tara lipat na tayo at nang maka kain nakayo sa bahay," sabi niya. Nang makarating kami sa kanila dinala niya kami sa isang bakanteng mesa at pinaupo sa mga bakanteng upuan. "Kamusta na kayo?" masayang pangangamusta niya. "Okay naman," sagot ni brineth. "Maayos naman, ikaw?" tanong ko. "Ayos lang din naman, ang saya saya sa manila hindi katulad dito sa pampanga dito sa probinsya natin puro mga puno ang nakikita ko mabuti pa doon at matataas na gusali at maraming sasakyan ang nakikita ko," masayang sabi niya na may halong pag yayabang. "Talaga? Kaya pala amoy usok ka," sabi ni brineth, nawala ang ngiti sa mukha ni ava dahil sa narinig, kaya sinipa ko ang paa ni brineth sa ilalim ng mesa. "just kidding," pahabol na sabi ng kaibigan ko. "I know right? alam ko naman na mabango ako," muntik naakong mabulunan sa tubig na iniinom ko dahil sa sinabi niya. "Oh, ayos kalang?" tanong ni brineth. Tinanguan kolamang siya. "Anyway, wait here ipapakuha kolang kayo ng food," Maarteng sabi niya sabay alis. "Ang plastic! kaya ako pumunta dito dahil akala ko nag bago na siya. Hindi pa pala," sabi ni brineth. "Mabango daw? ha?! saan banda? kaninang niyakap niya tayo? naamoy mo yon? naamoy mo? ang baho ng kili kili niya! may kaya nga sila hindi niya naman alam alagaan ang katawan niya. At ang lakas ng loob niyang sabihin na mabango siya, hah!? pati ugali niya mabaho!" inis na sabi niya. Natatawa nalang ako sa mga sinasabi niya. Napatigil ako sa pag tawa ng may maramdaman akong tubig na malamig sa likod ko. "oh my god!" sigaw ni ava. Gulat namang inilipat ni brineth ang tingin sakin. "Sinadya mo yon!" sigaw ni brineth sabay tayo, napatayo ako upang awatin siya dahil alam kong susugod siya kay ava. "excuse me?!" inis na sigaw ni ava. "Oh, bakit dadaan ka?!" pabalang na sabi ni brineth. "Alam mo ikaw ang plastic plastic mo kahit kailan, umalis at umuwi kana't lahat dika parin nag babago!" sigaw ni brineth. "Tama na," bulong ko sa kaibigan ko. "Anong nangyayari dito?" Tanong ng bagong dating na si marco ang kuya ni ava. "Eh yang kapatid mo! binuhusan ng tubig si Liah!" galit na sabi ni brineth. Tinignan naman ako ni marco at humingi ng pasensya. "Kuya! hindi ko iyon sanasad-," hindi natapos ang sasabihin niya ng bigla siya putulin ni brineth. "sinadya mo! sinungaling ka, kitang kita ng dalawang mata ko at hindi ako bulag!" pairap na sabi niya. "Ava," parang may panganip sa boses ni marco ng sabihin niya iyon, nakita ko ang takot na dumaan sa mata ni ava. "I'm sorry, naiinis lang ako kaya ko ginawa yon," Hindi ko alam kung galing ba sa puso ang pag hingi niya ng tawad o napipilitan lang siya dahil nandito ang kuya niya. "Bobo ka? naiinis kalang? kaya mo ginawa? Ah... oo bobo ka nga," deretsong sabi ni brineth. "Enough!" parang kulog ang boses ni marco kaya sabay na tumahimik ang dalawa. "bakit ikaw ang galit na galit? hindi naman ikaw ang binuhusan," seryosong sabi niya kay brineth. "Eh kasi bestfriend ko itong si Liah," tinuro niya pa ako. "Kaya ako galit! at isa pa alam kong hindi magagalit itong si liah dahil mabait yan e, alam kong hahayaan niya lang ang ginawa ng plastic mong kapatid!" sagot ni brineth. "Diyan nanga kayo! mag sama kayo ng kapatid mong plastic! ayan ava kainin mo lahat hindi nakami kakain at baka mahawaan kami sa kaplastikan mo!" sabi pa niya sabay hila saakin paalis roon. "Hindi mona sana pinatulan," sabi ko kay brineth. Habang hila hila niya parin ako. "Tama lang yung ginawa ko sa plastic nayon," inis na sabi niya. "Napa away kapa tuloy," sabi ko sabay tingin sa mukha niyang inis na inis. "Basta para sa bestfriend ko handa akong makipag away no, kahit sabihan pa nila akong parang bata wala akong pakealam, hindi lang ako basta mananahimik doon lalo na't nakita ko ang ginawa niya," seryosong sabi niya. Hindi ako nakasagot. Napatitig lang ako sakanya dahil hindi ko alam, naisip ko lang na napaka swerte ko naging kaibigan ko siya, mula pa noong mga bata kami ay siya lagi ang nag tatanggol sakin dahil hindi ko pinapatulan ang mga umaaway saakin noon. "Yung bata!" napatingin ako sakanya nang bigla siyang sumigaw, tinuturo niya ang batang patawid sa kalsada at may paparating na kotse. Hindi ako nagdalawang isip tumakbo papunta sa bata. Basta ang alam ko ay hinila ko siya pabalik kung nasaan siya kanina. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi siya nasugatan pero yung t***k ng puso ko sobrang lakas dahil konting konti nalang ay matatamaan ako. "Kung mag papakamatay ka huwag mong idamay ang anak mo," malamig na sabi nang lalaking may ari nang sasakyan. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko hindi dahil sa kaba kung hindi dahil sa sobrang galit. Ang lakas ng loob niyang sabihin yon samantalang muntik na siyang makasakit dahil sa bilis ng pag mamaneho niya. Sigurado akong hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya dahil kung nakatingin siya makikita niya ang bata at babagal ang pag papatakbo niya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla ko siyang sinampal. "Imbis na humingi ka nang tawad o tanongin mo man lang kung ayos ba kaming dalawa ay ganyan pa ang sasabihin mo? M-muntik k-kanang makasagasa," hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Siguro dahil sa takot na may mangyaring masama sa bata at saakin. "What the f**k?" gulat niyang sabi dahil sa ginawa ko. "Makarma ka sana!" Sigaw ko sakanya at tinalikuran siya kasama ang bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD