Prologue
MAX POV
Naistorbo ang aking beauty rest ng may demonyo na gumising sa akin. Ilang oras pa ang naging tulog ko at ngayon inistorbo na naman. Bakit naman kasi may salitang istorbo pa, sino ba nag bumuo niyan
Minulat ko ang mga mata at masamang tinignan ang matalik kong kaibigan na naka upo sa gilid ko at may nakakainis na ngiti sa labi nito. Hindi ako masaya dahil iniistorbo nito ang aking beauty rest
Sino ba kasing nagsabi sa akin na mag movie marathon ako buong gabi? Aber! Kasalanan ko rin naman pero , umaga ngayon kaya its supposed to be my beauty rest pero andito ang kampon ni satanas at ginising ako
" Anong kailangan mo?" inis kong tanong dito
" Shopping tayo" deretsang sagot nito
Ngumiti ako at masama itong tinignan sabay sabi "NO" agad akong nagtalokbong ng komot at pinkit ang aking mga mata . Drain na ito sobra sa panonood ng chinese drama kagabi kaya kailangan ko pang e rest ito
Hinatak hatak naman ng demonyo ang komot na ginamit ko sa pagtalukbong . Inipit ko ito ng maayos para hindi matanggal sa pagkakatakip ng buo kong pagkatao
" I need to rest lyka, sumasakit mata ko dahil sa tutuk na tutuk ako sa laptop kagabi dahil may ongoing story ako" pagsisinungaling ko
Masakit naman talaga ang mga mata ko, pero hindi iyon dahil sa pagtutuk ko sa laptop ko kundi dahil sa t.v . Tinapos ko kasi ang isang drama kagabi . Para sa susunod kong panonood ay ibang drama or movie na naman ang panonoorin ko
" Wag ako max, alam kung wala kang update sa mga ongoing story mo kaya tara na shopping tayo, ngayon lang naman to ei"
Tinanggal ko ang pagkakatakip ng komot at tinignan ko si lyka " lyka masakit mata ko" sabi ko rito
Humiga ito at ginamit na unan ang tiyan ko " Malapit na akong ikasal Max kaya please samahan mo ako wala kasi akong kasama, si earl at jan busy sa mga anak at asawa nila kaya di sila pwede, ikaw lang alam kung di busy, kaya tara na" nakonsensya nitong saad
Ikakasal na nga ito one week from now. Pero di ko ba alam, dapat nga itong mag beauty rest para sa paparating na kasal pero heto at nagyaya ng mag shopping. istorbo sa buhay ko
Wala nga akong magawa dahil kinonsensya ako ng demonyita. Pinilit talaga akong sumama , sinabi lahat ng mga pwedeng alas nito laban sa akin kaya sumama na ako , mahirap na baka ibulgar pa nito mga alas nya laban sa akin
" Huli na talaga to lyka" saad ko habang naglalakad papunta sa kung saan
Inaantok pa talaga ako, parang any minute pipikit na mga mata ko. Mahimbing na sana tulog ko ngayon kung hindi pa istorbo tong demonyetang to. But its okay mababago din naman to at mamimiss ko lang wala ng istorbo sa akin
Minsan din ay nakakamiss yung mga bagay na kina iinisan mo, yung tipong nasasanay natayo na nandoon lang yun , hindi kailan man magbabago, pero andito tayo sa reality world, nandito tayo sa mundo kung saan isasampal sa atin ang katotohanan na lahat ng nasa tabi natin ay aalis din at hindi man kailan mannanatili maliban sa mga memories na iiwan ng mga ito
Kaya hanggat hindi pa ikinakasal ang demonyetang to, hahayaan ko muna itong istorbuhin ako, kahit nakakainis na sobra , dahil kapag naikasal na ito hindi na ito matutulad ng dati. Maging busy na ito sa marriage life at sa future nitong mga anak
Masakit man isipin pero kailangan kung tanggapin dahil nasa tunay na mundo ako, wala sa isang kwento na ako ang bida
" Punta tayo sa starbucks, nagugutom ako" saad ni lyka
Hinayaan ko lang ito na hatakin ako kung saan nito gusto. Wala talaga ako sa mood maglalakad ngayon. Pagkapasok namin sa starbucks ay agad akong umupo sa pinakamalapit na table. Tututol na sana si lyka ng ipagtaboy ko ito para mag order ng kakainin or inumin namin
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon at naglaro ng cooking madness na laro. Ito lang kasi ang laro na ayos sa utak ko kahit na nakakainis sobra dahil sa may time at mga ka checheburitchihan pa. Nakakainis sobra
This is the only game that i have on my phone . Wala ng time na mag download at isasaan ko naman ang maraming laro kung wala akong time na laruin ang mga ito. Ayos na tong isa atleast may ibang apps na totoo sa cellphone ko maliban sa apps kung pang published ng story at mga ka checheburitchihan na apps
Shit! Tainang larong to. Nakakainis naubos pa ang time isang happy face na ang kailangan tapos naubos pa ang gems ko para pang cheat ng oras. Mabilis kong hinomscreen cellphone ko dahil sa inis , first game pa nga lang nainis na ako. Kulang kasi tulog ko kaya konting bagay ay mabilis lang ako mainis
Pabalibagbkong nilagay ang cellphone sa ibabaw ng lamesa dahil sa inis ko. Nagtaka naman na tumingin sa akin si lyka na kararating lang galing sa pag order ng pag kain namin
" Anyare sayo?" Nagtataka nitong tanong
Tinignan ko ito sa walang ganang emosyon " inaantok ako" palusot ko
Tumawa ito at tinuro ako " Natalo ka na nanaman sa laro mo ano" tumatawang saad nito
I mouthed ' che' at ipinikit ang mga mata. I really need to sleep masakit talaga mga mata ko. Minulat ko ang mga mata ko ang mga mata ko ng natahimik ang demonyo. Ayon sa cellphone nakatingin. Shopping daw pero nasa cellphone ang tingin. Ang galing
Pinikit ko muli ang mga mata at nakamasid lang sa paligid. Ibat ibang boss ang naririnig ko, may mga nagtatawanan , may mga nakikipagchismissan at marami pang iba. Unti unti kong minulat ang mga mata ng kalabitin ako ni lyka
Antok ko itong tiningnan " Nandito na blind date mo" saad nito na ikinalaki ng mga mata ko dahil sa gulat sa sinabi nito
Tumingin ito sa pintuan kaya sinundan ko rin ito ng tingin. May lalaki doon na nakatayo habang tumingin sa paligid na para bang may hinahanap. Tumingin ako kay lyka na nagtaas ng kamay at sumitsit sa lalaki
" What are you plan on?" naiinis kung tanong dito
" Matanda kana max pero wala ka paring jowa kaya we st you a blind date to the person we know on the internet" saad nito na nasa lalaki parin ang tingin
" We?" takang tanong ko
Marami pala sila na nagplano nito
Hindi naman nagtagal ng may lalaki na nakatayo sa gilid ng lamesa. Tumayo naman si lyka at nag sign na tumayo ako. Pilit akong tumayo at humarap sa lalaki
Gwapo naman ito, matangkad, mas matangkad pa sa akin kaya tumingala ako. Matangos ang ilong nito. May kakapalan din ang kilay. Mapupula ang mga labi nito. Tumingin ako pababa. Maybe may abs to dahil may muscle sa mga braso. Tumingin pa ako sa baba
Malaki ba yan?
Nabalik ako sa sarili ng may tumikhim. Tumikhim ako kay lyka na may mapang asar na ngiti " Aalis na ako, enjoy your date" saad nito at pinulot ang purse na dala sabay alis sa mesa
Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa labas. Masama ko itong tinignan ng makita na nag apiran ang tatlo at masaya pa. Mamaya lang kayo sa akin. Matitikman nyo revenge ng isang Maria
Tumingin ako sa lalaki at pilit na ngumiti " upo ka na" saad ko at umupo. Naglakad naman ito sa upuan at umupo sa kinauupuan ni lyka kanina
" So how you know those demon's? " Agad kong tanong nang maka upo ito sa upuan
Tumingin sa akin ang lalaki at ngumiti. Masaya pa ito. May nakakatawa ba sa tanong ko? , Hindi kaya ako si vice nor si tekla na tatawanan kapag nagtanong. Sarap iwan nito
Salamat siya may kaunting respeto pa ako sa mga tao, kung wala di ko talaga to papakitaan ng respeto
" We once meet at a party" sagot nito, tumango tango lang ako
Ede sana all fun ng party " so paano ka nila napapayag na makipagblind date sa tulad ko ?"
I need to know, baka kung ano pa itong lalaking to at ano pa gagawin sa akin. Di naman pala pure na kilala sya ng mga demonyo
" They sent me your picture and i say i have a blind date with you , your the one who made date " napa ubo ako ng maayos sa upuan at napahawak sa gilid ng lamesa
" They say what?" Gulat kong tanong at tumango tango naman
" Ikaw ang nag set ng date na' to"
Mga demonyo talaga yung tatlong yun. Akopa pala ang nag set ng date na to. Lagot talaga sa akin ang mga yun. Makikita nila ako pa ipapahamak. Not me. Ngumiti ako dito pero deep inside inis na inis na ako sobra parang ang sarap pumatay ngayon
" We should go for shopping" ngumiti ako sa lalaki at tumango sa sinabi nito
All the time na naggala kami sa mall ay tango at oo lang ang sagot ko. Wala ako sa mood pake nya. Ngayon nandito kami sa labas ng mall at pauwi na
He keep on suggesting na ihahatid nya ako but may answer we're all they same " it's no". Hindi ko kilala ang lalaking to kaya bakit ako magpapahatid
I have my own money to pay the taxi, I don't need someone to hatid hatid me. No way baka i sandal nya pa ako tapos..... Max tumigil ka. People are not like that. People are worse, its not like what the story i write. It's not romantic, that's assault
" You don't need to drive me home, may iba pa kasi akong pupuntahan and I don't want to disturb you" pagkatapos ko itong sabihin ay ngumiti ako
" It's ok wala rin naman kasi a---
" You don't need, it's not necessary, goodbye " mabilis kung saad at mabilis na sumakay sa nakaparadang taxi
Walang respeto na kung wala, I don't want to be around with men's. I feel like I'm going to be sick
Tinapik ko ang balikat ng driver na umalis na ito pinatakbo na ito ng driver. Tumingin ako sa likod ng sasakyan..nakatayo parin ang lalaki doon at nakatingin dito sa taxi na sinasakyan ko
Sorry but not sorry, I'm done on you, di kita type