Chapter Eight

2500 Words
BUMUNTONG-hininga si Antenna habang pinagmamasdan sina Shark at Crayon na nag-uusap mula sa side mirror ng kotse ni Lazer. Ito ang nag-volunteer na maghatid-sundo sa kanya dahil sira pa rin ang chevy truck niya mula sa naganap na aksidente at pareho naman sila ng schedule.     “Antenna, sigurado ka ba sa plano mong 'to?” tanong ni Lazer.     Sinalubong niya ang tingin nito sa rearview mirror. “Ito ang mas makakabuti para hindi na niya ko lapitan at kulitin tungkol sa’min. Ayoko nang magkaroon ng kahit anong ugnayan sa kanya.”     “You could have just broken up with him, you know.”     Mapait na ngumiti siya. “I have a feeling that that wouldn’t be enough. Kapag nag-usap kami, siguradong magsisinungaling at magsisinungaling lang siya sa’kin. I don’t want to hear any of his lies anymore. I’m... I’m tired of getting hurt again and again by the same person.”     Hindi totoong may amnesia siya. In fact, maliit na sugat lang sa noo ang natamo niya mula sa aksidente. She had gotten three stitches pero natanggal na ang sinulid no’ng nakaraang linggo at hindi naman iyon nag-iwan ng marka. Other than that, she was perfectly fine.     Kinausap niya si Crayon para tulungan siya sa plano niyang magpanggap na hindi kilala si Shark kahit hanggang sa maka-graduate man lang sila. Hindi nila sinabi iyon kay Tita Catelia dahil tiyak na magagalit ito. Si Crayon ang kumausap kay Riley na kaklase niya at sinabi rito ang “sitwasyon” niya para hindi magtaka si Shark kapag bigla na lang siyang nagka-amnesia.     Mabuti na lang at nakuha nila ang simpatya ni Riley at ng mga kaklase niya at kaibigan upang maitago siya kay Shark sa nakalipas na dalawang linggo.     She just had to act like she didn’t remember Shark kapag nagkikita sila. Kanina ay kinabahan siya dahil labag man sa kalooban niya, tila lumukso ang puso niya nang makita ito pagkatapos ng dalawang linggo. She missed him.     Ipinilig niya ang kanyang ulo. “Lazer, salamat nga pala at pumayag ka na gamitin kita sa pagpapanggap kong nagka-retrograde amnesia ako at sa isip ko, ikaw pa rin ang boyfriend ko.”     Ngumiti ito. “Pagkatapos mong umiyak sa harap ko nang bisitahin kita sa ospital habang kinukuwento mo sa’kin ang nangyari sa inyo ni Shark, I felt your pain. As a friend, gusto kong protektahan ka kaya pumayag ako sa gusto mo.” Sinulyapan siya nito. “Pero Antenna, hindi mo ba naisip na baka masaktan mo siya kung pagpapatuloy mo ang pagpapanggap mong may amnesia?”     Mapait na ngumiti siya. “Si Shark, masasaktan? Ah, yes. His pride could be wounded kapag ako ang nakipaghiwalay sa kanya. But he will never get hurt by the person he doesn’t even like. Gusto ko lang ng dahilan para makalayo sa kanya. Sigurado akong sinabi na sa kanya ni Crayon na makakasama sa “kalagayan” ko kung pipilitin niya kong alalahanin siya. Siguro naman, pagkatapos nang p*******t niya sa’kin, mahihiya na siyang kulitin pa ko.”     Masyado siyang nasaktan sa nakita niya. Kung hindi sana niya alam ang damdamin nina Miss Serenity at Shark sa isa’t isa, baka hindi sana ganito kasakit ang dinulot sa kanya ng eksenang nakita niya. If Miss Serenity was just any other girl Shark used to flirt with, baka kahit paano, natanggap niya. But no. He was finally kissing the woman he loved. Siguro nga gusto na rin siya ng binata. Pero iba pa rin ang “gusto” sa “mahal.” Hindi nga siya nito hinalikan kahit hiniling na niya, 'di ba?     She was badly wounded. Hindi niya alam kung kailan maghihilom ang malalim na sugat sa puso niya.     Bumuga ng hangin si Lazer. “I have a feeling you’re just running away from him.”     “Gusto mo bang mag-away tayo, Lazer?”     Umakto ito na sini-zipper ang bibig. “Wala na kong sinabi.”     Sumandal na lang siya sa headrest at mariing pumikit. If there was one thing she had liked about Lazer when they were still together, that would be the part of him that could sense her feelings.     Tama ito sa hinala nito. Talaga namang tumatakbo lang siya palayo kay Shark dahil takot siyang makausap at makasama uli ito.     I don’t want to see him. I don’t want to listen to him. Because I’m afraid I might do something as stupid as believing him again. And yet, in the end, it’s still Miss Serenity who holds his heart. HINDI MAPAKALI si Antenna habang hinihintay si Lazer. Kanina kasi, tumawag sa kanya si Tita Catelia. Her aunt was a doctor at nalaman daw nito sa kasamahan nito sa ospital na naka-confine ngayon doon ang half-sister niyang si Kimberly dahil sa dengue. Malala na raw ang kondisyon nito at kailangan nang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon.     Type AB ang dugo nito na matuturing na rare kaya naubos na ang imbak sa blood bank ng ospital. Hindi maaaring mag-donate ang ama nila dahil may diabetes ito samantalang high blood naman ang ina ni Kimberly.     Pareho sila ng tipo ng dugo ng kapatid niya.     Aalis na sana siya at magta-taxi na lamang papuntang ospital nang may kung sinong tumawag sa kanya.     “Antenna?”     “Lazer, bakit ang tagal mo –” Natigilan siya nang pagpihit niya paharap ay si Shark ang sumalubong sa kanya himbis na si Lazer. “Ikaw? Ano’ng ginagawa mo rito? Nasa’n si Lazer?”     Tila nag-isip ito bago sumagot. “May importante raw siyang gagawin ngayon kaya ako na lang ang pinakiusapan niyang maghatid sa’yo.”     Diskumpiyado siya. Magagawa ba iyon ni Lazer sa kanya? Posible dahil tila hindi naman ito sang-ayon sa pagpapanggap niya. “Magta-taxi na lang ako.”     “Mukha kang nagmamadali. Alam mong mas mabilis ang kotse ko kaysa sa taxi.”     Of course. It’s a Ferrari after all.     Napaisip siya. Ayaw niyang makasama si Shark pero kung mas mabilis siyang makakapunta sa ospital, mas mabuti. Bumuga siya ng hangin. “Fine.”     Ngumiti ito at inakay siya papunta sa passenger’s side ng kotse nito. Pag-upo nito sa driver’s seat ay mabilis nitong binuhay ang makina. Natigilan siya nang makita na ang gamit nitong car keychain ay ang niregalo niya rito noon – ang miniature shark and TV with antenna.     “Saan tayo pupunta?” tanong ni Shark.     “Sa ospital,” sagot niya saka nag-iwas ng tingin dito.     “Ospital? Why, Antenna? Masama ba ang pakiramdam mo? Masakit ba ang ulo mo?” tila natatarantang tanong nito.     She groaned. “Stop bombarding me with questions and just drive.”     “Sorry. Nag-aalala lang naman ako,” he said gently.     Sinubukan niyang ituon ang atensyon niya sa labas ng bintana habang nasa biyahe sila. Subalit hindi niya 'yon magawa dahil nararamdaman niya ang pagsulyap-sulyap sa kanya ni Shark. At nang magtama ang mga mata nila sa rearview mirror, natunaw yata ang puso niya sa labis na pag-aalalang nakita niya sa mga 'yon.     Nakokonsensiya lang 'yan.     “Walang masakit sa’kin. May gusto lang akong makita sa ospital,” maikling paliwanag niya para pareho na silang matahimik.     Tila nakahinga na ito ng maluwag. “Thank goodness you’re okay.”     “Why are you worried? Sino ka ba sa buhay ko?” Huli na para bawiin pa niya ang mga sinabi niya. Nagtataka kasi siya sa ikinikilos nito. She just waited for his answer.     “Ang sabi ni Crayon sa’kin, makakasama raw sa kalusugan mo kung pipilitin kitang maalala mo ko. At ayokong gawin ang bagay na makakasama sa’yo.” Sinulyapan siya nito. He gave her a somewhat sad smile. “Pero para mapanatag ka, isipin mo na lang na isa akong kaibigan na hindi ka pababayaan.”     Nag-iwas siya ng tingin dito. Sinasabi na nga ba niya’t puro kasinungalingan lang ang maririnig niya sa playboy na 'to. Mabuti na lamang at magaling manakot si Crayon. At least, hindi siya nito pinipilit na “alalahanin” ito.     Mabilis silang nakarating sa ospital kaysa kung nag-commute siya. Pinigilan na niya si Shark na samahan siya pero makulit ito. At dahil nagmamadali siya, hindi na siya nakipagtalo. Habang nasa loob sila ng elevator ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Lazer.     “Lazer?”     Napansin niyang natigilan si Shark. Dahil nakikita niya ang repleksyon nito sa steel door ng elevator, napansin din niyang nagtagis ang mga bagang nito at tumalim ang tingin nito kahit wala naman itong partikular na tinititigan ng masama.     “Antenna, I was worried. Wala ka na kasi sa parking lot pagdating ko. Nag-commute ka lang ba papuntang ospital?”     Kumunot ang noo niya. “Hindi ba’t si Shark ang pinapunta mo dahil hindi mo ko maihahatid?”     “I don’t know what you’re talking about. Ni hindi ko nga siya nakita ngayong araw.”     She hanged up and turned to Shark with accusing eyes. “Bakit nagsinungaling ka sa’kin? Hindi totoong pinakiusapan ka ni Lazer!”     He turned to her. “Sorry. Napansin ko kasi na parang hindi ka mapakali kaya naisip kong nagmamadali ka. Kaya nag-volunteer na ko na ihatid ka.”     Nag-iwas na lang siya ng tingin. Ano ba ang nais nitong ipahiwatig sa mga ikinikilos nito? “Hindi ka naman dapat nag-aalala sa’kin. You’re just a stranger to me. I can perfectly take care of myself. And...” Nilingon niya uli ito. “I already have Lazer and all I need is him.”     Nakita niya ang pagdaan ng kakaibang emosyon sa mga mata nito. Hindi niya iyon mapangalanan pero alam niyang negatibo 'yon. “Hindi lang si Lazer ang puwede mong asahan, Antenna. You also have me. Kaya please lang, 'wag mo na uli sasabihing siya lang ang kailangan mo.”     “Bakit kakailangan ko ang isang taong hindi ko naman maalala? Just the fact that I have forgetten you makes me think na hindi ka naman importante sa buhay ko.”     Natigilan siya nang maging malinaw sa kanya ang emosyong dumaan sa mga mata nito. Pain was evident in his eyes. Hindi man niya kagustuhan, nasaktan din siya sa realisasyong nasaktan niya ito.     The elevator door opened. Napasinghap siya nang makita ang ama niya kasama ang doktor marahil ni Kimberly ang lumulan sa elevator. Pareho silang natahimik ni Shark kaya ang usapan ng dalawang matandang lalaki ang nangibabaw.     “Mister Chui, I regret to tell you na wala nang nakaimbak na AB blood sa ospital namin ngayon. We have to find donors dahil kailangan nang masalinan ng dugo ng anak niyo sa lalong madaling panahon,” wika ng doktor. “Wala na bang miyembro ng pamilya niyo na kadugo ni Kimberly?”     Malungkot na umiling ang kanyang ama. “Nasa ibang bansa na ang mga kapamilya namin. If only I can give my blood to my daughter.”     “Excuse me, Sir,” untag niya sa kanyang ama. Sabay na napalingon sa kanya ang dalawang matanda. “Hindi ko alam kung natatandaan niyo pa ko pero ako 'yong babaeng umiiyak inabutan niyo ng panyo sa restaurant two months ago.”     Saglit na nag-isip ang kanyang ama bago dumaan ang rekognisyon sa mga mata nito. Tila umaliwalas din ang mukha nito nang makita siya. “Yes, I remember you.”     Ngumiti siya. May kakaibang mainit na bagay na bumalot sa puso niya ngayong nakatingin at kinakausap siya ng kanyang ama kahit hindi nito alam kung sino talaga siya. “Narinig ko ho ang usapan niyo. Type AB ho ang dugo ko. Puwede akong mag-donate ng dugo sa anak niyo.”     Gulat na napalingon sa kanya si Shark. Hindi niya ito pinansin.     “Really? You’ll do that?” tuwang-tuwang paniniguro ng kanyang ama.     Napangiti siya. “Madalas po kong nagdo-donate ng dugo sa Red Cross kaya ho maliit na bagay lang 'to. Saka gusto ko hong makabawi sa inyo para sa pagbibigay niyo sa’kin ng panyo no’n.”     Nang makita niya ang kasiyahan sa mukha ng kanyang ama, naging masaya na rin siya sa kabila ng lungkot na hindi nito malalaman kung sino siya kahit kailan. “SHARK, I can walk on my own. Hindi mo na ko kailangan alalayan,” mariing wika ni Antenna rito.     Naiilang kasi siya ngayong naalalay ang mga braso nito sa kanya. Ang dating tuloy, parang nakayakap ito sa kanya mula sa likuran habang naglalakad sila. She couldn’t concentrate because he smelled so good and because her heart was starting to lead her astray again.     Kung hindi lang siya nanghihina dala ng pagbibigay niya ng dugo sa half-sister niya, kanina pa siya kumaripas ng takbo palayo sa binata para mailigtas lang ang puso niyang lumilihis na naman ng t***k.     Bumuga ng hangin si Shark. “Let me at least do this for you. Alam mo bang ngayon ko lang pinagsisihan na naging Type B ang dugo ko? Antenna, kagagaling mo lang sa aksidente, pagkatapos nag-donate ka na agad ng dugo?”     Hindi naman po malala ang natamo kong injury sa aksidente. “Nakapasa ako sa f-i-n-ill up-an kong mga papel sa pagiging blood donor kaya nangangahulugan lang 'yon na qualified ako at malusog.”     Sa awa ng Diyos ay ligtas na sa kapahamakan si Kimberly. Kahit nanghihina pa siya, ginusto niyang makaalis na ro’n dahil ayaw niyang magkita uli sila ng kanyang ama. Kapag nakita nito ang f-i-n-ill up-an niyang mga papel kanina, malalaman nito kung sino talaga siya.     “I know you’re doing this because they are your family. But Antenna, you should think more about yourself. Nasasaktan akong makita kang nagsasakripisyo ng ganyan katindi,” anito sa iritadong boses dala marahil ng pag-aalala.     Alam niya ang pinupunto nito pero nagdesisyon siyang magtanga-tangahan. “Pa’no mo nalamang pamilya ko sina Mr. Chui? Sinabi ko ba sa’yo 'yon bago ako nawalan ng ala-ala mo?” tanong niya upang maiba lang ang usapan.     “Yes. Sinabi mo sa’kin. Pero 'wag mo nang piliting maalala kung bakit. Baka makasama pa sa’yo 'yon,” bilin nito sa nag-aalalang boses.     Labag man sa kalooban niya, natunaw ang puso niya sa init na hatid ng pagsuyo at sinseredad na nahimigan niya sa boses nito. Tinulak niya ito dala ng pagkataranta. “Go away!”     “Antenna –”     “Antenna?”     Sabay silang napalingon ni Shark sa nagsalita. Napasinghap siya nang makita ang kanyang ama na tila hindi makapaniwala habang titig na titig sa kanya. Kinabahan siya. Alam na kaya nito kung sino talaga siya? Her name was unique after all.     “Antenna... ikaw ba 'yan?” tila hindi makapaniwalang tanong ng kanyang ama habang naglalakad palapit sa kanya. He was teary-eyed. “Antenna... anak...”     Naramdaman niya ang pangingilid ng kanyang mga luha. Sa bawat hakbang ng kanyang ama ay napapaatras siya. “H-hindi ho... N-nagkakamali lang kayo...”     Mariing umiling ito. “Ikaw si Antenna. You’re my daughter.”     Nanginig ang kanyang buong katawan. Sabik siya sa kanyang ama at lalong sabik siyang ipakilala rito kung sino talaga siya. Subalit nang makita niya ang asawa nito sa likuran nito, nagbago ang isip niya. Ayaw na niyang makagulo pa sa buhay nito.     She turned to Shark. Mukhang hihintay lang siya nitong sabihin dito kung ano ang gusto niyang gawin nito. “Take me away from here. Please.”     “As you wish, my princess,” matatag na sagot nito. Walang kahirap-hirap na pinangako siya nito. He walked away fast.     “Alberto.” Narinig niyang pigil ng asawa ng kanyang ama rito.     Pinalupot niya ang mga braso niya sa leeg ni Shark at sinubsob ang kanyang mukha sa dibdib nito nang mapaiyak na siya.     Mabuti na lang at nasa labas na sila ng ospital nang bumigay siya.     “I almost did it, Shark. I almost called him ‘Papa.’ Pero pinigilan ko ang sarili ko nang makita ko ang asawa niya. But I really wanted to... and I regret not doing so. He was close... he called my name... kilala pa rin niya ko. Si Papa... si Papa... Papa...” Hindi na niya naituloy ang mga sinasabi niya nang nanikip ang dibdib niya hanggang sa mapahikbi na lang siya.     Shark remained silent. Pero sapat na ang higpit ng pagkakahawak nito sa kanya at ang init ng katawan nito para mapakalma siya. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang umiyak pero namalayan na lang niya ang sariling hinihila ng antok. She thought she heard him talk before she gave in to sleep.     “I won’t let anyone or anything hurt you again, Antenna. I’ll protect you... even from myself. Because I love you... I really do.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD