NAPAYUKO si Antenna dahil sa pagkakatitig sa kanya ng magandang babaeng tila girl version ni Shark. Ang lapit ng mukha nito sa kanya kaya napilitan tuloy siyang umatras dito. “Yes?”
Ang babaeng ito ay si Dolphin Antonette Sylvestre, ang nakababatang kapatid ni Shark. Naroon siya sa bahay ng magkapatid ngayon dahil hindi agad siya ginising ng magaling na Shark na 'yon nang makatulog siya sa kotse nito.
When she woke up, nasa gitna na sila ng traffic sa kasagsagan ng malakas na ulan. Baha na sa daraanan nila pauwi sa bahay nina Crayon kaya wala na silang pagpipilian kundi sa Sylvestre residence tumuloy.
Tinawagan na niya si Crayon kanina. Nag-hysterical ito nang malaman kung nasaan siya pero kumalma rin naman agad nang ipakausap niya rito si Dolphin. Napanatag ito dahil nalaman nitong naroon din ang nakababatang kapatid ni Shark. Susunduin na lang daw siya nito bukas ng umaga.
Umikot-ikot sa kanya si Dolphin na tila pinag-aaralan siya. “You’re pretty. Ikaw ba ang girlfriend ng kuya ko?”
Bago pa siya makasagot ay bigla nang sumulpot ang malaking bulto ni Shark sa likuran ni Dolphin at kinarate sa ulo ang kapatid nito. “Sinong nagsabi sa’yong puwede kang magtanong? Ayusin mo na nga lang 'yong guest room para kay Antenna.”
Eksaheradong sumimangot si Dolphin. “I hate you, Kuya!” sigaw nito bago padabog na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.
“Pasensya ka na sa kapatid ko. Maarte lang talaga 'yon,” tila nahihiyang paumanhin ni Shark. “Anyway, kumain muna tayo.”
Hindi na siya tumanggi dahil nakaramdam na rin naman siya ng gutom. Dinala siya nito sa kusina. Nakahain na ang pagkain sa mesa. Chicken soup, fried pork, tilapia at kanin ang naroon.
“Ikaw ba ang nagluto nito, Shark?” tanong niya dahil habang nagbibihis siya ng damit na pinahiram sa kanya ni Doplhin ay nawala ito. Marahil ay nasa kusina ito at nagluto.
“Oo. Kung si Dolphin ang aasahan ko, mamamatay tayo sa gutom.” Ito mismo ang naglagay ng kanin sa plato niya. “Kumain ka lang.”
Nailang siya sa pag-aasikaso nito. Ayaw man niyang maramdaman, natutuwa pa rin siya sa ginagawa nito. Napayuko tuloy siya. “Sana kasi ginising mo na lang ako para hindi ka na sana naaabala ngayon.”
“Katulad nga ng sinabi ko kanina, ang himbing ng tulog mo kaya hindi na kita ginising. Isa pa, hindi mo naman ako naaabala.”
Nag-angat siya ng tingin dito. Nakangiti ito at mukha itong masaya. “Salamat.”
Bahagyang kumunot ang noo nito. “Namumugto ang mga mata mo. Pagkatapos mong kumain, magpahinga ka na. Alam kong napagod ka.”
Tumango na lang siya at nagsimula nang kumain. Totoong pagod siya mula sa pag-iyak. Hanggang ngayon, naro’n pa rin ang sakit sa puso niya mula sa pangungulila sa kanyang ama.
“Antenna... alam kong wala akong karapatang sabihin ito, lalo na’t hindi mo naman ako naalala. Pero nahihirapan akong makita kang ganyan.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
His eyes grew gentle. “You should stop caring a little less about other people and you should start caring more about yourself. Nang nasaksihan ko ang ginawa mong pagsasakripisyo kanina, nasaktan ako para sa’yo.”
Alam niyang pribado na niyang buhay ang pinapasok ni Shark. Pero sa nakikita niyang labis na pag-aalala sa mga mata nito, hindi niya magawang bale-walain ito. Isa pa, malaki ang pasasalamat niya rito dahil sa pagsama nito sa kanya lalo na no’ng kaharap niya ang kanyang ama.
“Buong buhay ko, sa litrato ko lang nakilala ang ama ko,” pagkukuwento niya. “Hindi ako galit kay Papa dahil kahit kailan, hindi nagsabi si Mama ng masama tungkol dito. Honestly, I wanted to hate my father for leaving us just like that. Ni hindi niya kami ipinaglaban.
"Pero ipinaliwanag sa’kin ni Mama na kung meron mang sumuko sa kanila ni Papa, it was her. She didn’t tell him she was pregnant of me, and she had pushed my father away then.
"Ginawa 'yon ni Mama dahil ayaw niyang masira ang relasyon ni Papa sa mga magulang nito at dahil ayaw daw niya kong ipanganak sa pamilyang hindi naman kami tanggap. Mas gugustuhin daw ni Mama na mahiwalay siya kay Papa kaysa bigyan ako ng buhay na alam niyang hindi ako magiging masaya. No’ng una, nahirapan akong intindihin 'yon. But when my mother died, I realized she had made the right decision. Dahil kahit wala ang papa ko, naging masaya ako sa piling ng mga taong nagmamahal sa’kin.
"Pinakawalan ko na rin ang galit ko no’n para sa ama ko. Hindi naman naging miserable ang buhay ko kahit wala siya dahil nandiyan sina Crayon at Tita Catelia. Isa pa, sigurado akong kung nalaman lang niya ang tungkol sa’kin noon, hinding-hindi niya kami iiwan ni Mama. Alam kong mahal niya kami, at sapat na sa’kin 'yon.”
Matagal bago nagsalita si Shark. “But you’re longing for your father.”
Pumatak na ang mga luha niya kaya yumuko siya. “Yes, I am. Pero katulad ni Mama noon, ayoko nang guluhin ang pamilya niya. He should just continue living his life the way it is now. Walang Antenna, walang problema. Nabuhay ako nang wala siya sa loob ng dalawampung taon, kakayanin ko pa sa mga susunod na taon.”
Hindi niya narinig na sumagot si Shark pero narinig niya ang pagkaskas ng mga paa ng upuan sa sahig. Umupo ito sa katabi niyang silya at marahang tinapik ang kanyang likod. “Like I said before, you’re a good girl, Antenna. And good girls deserve a reward.”
Nilingon niya ito. “Ano?”
Ngumiti ito at pinunasan ang mga luha niya gamit ang daliri nito. “Just wait and you’ll see, Antenna. Ayokong nakikita kang umiiyak kaya gagawa ako ng paraan para hindi ka na malungkot.”
“Bakit mo naman gagawin 'yon?”
“Kasi hindi bagay sa’yo ang malungkot. Nami-miss ko na kaya 'yong ganito mo...” Kinurap-kurap nito ang mga mata nito.
Hindi niya mapigilang mapangiti sa ginawa nito. “Sira!”
Natawa ito ng marahan. “Mas bagay nga 'yong ganyan sa’yo. Hintayin mo lang, Antenna. Makakabawi rin ako sa’yo.”
Kumabog ng mabilis ang dibdib niya. Alam niya ang implikasyon niyon subalit nagdesisyon siyang magmaang-maangan uli. “H-ha?”
Umiling ito. “Wala. Sa ngayon, tanggapin mo muna ito.”
Napayuko siya nang ilapit nito ang mukha sa kanya. Naramdaman niya ang mainit at malambot na mga labi nito sa kanyang noo. Nang mag-angat siya ng tingin dito, nangingislap ang mga mata nito. Nag-init ang mga pisngi niya subalit pinilit niyang kumalma. “You shouldn’t do that again. You know I already have Lazer.”
Sinabi niya lamang iyon para ipaalala rito ang “kalagayan” niya at upang hindi na ito magtangkang lumapit pa sa kanya. Dahil sa bawat matamis na salita nito at pag-aasikaso sa kanya, pakiramdam niya ay unti-unting natutunaw ang galit na ibinaon niya sa puso niya.
Pero hindi niya inaasahan ang sakit na nakita niya sa mga mata nito. As a result, an awkward silence ensued.
“Antenna, naayos ko na ang guest room!”
Mabilis siyang tumayo at lumapit kay Dolphin upang makaiwas kay Shark. “Gusto ko nang magpahinga. Puwede mo ba kong ihatid sa guest room?” nakangiting pakiusap niya kay Dolphin.
“Sure!”
Umabistre pa ito sa braso niya at dinala siya sa guest room. Simple lamang ang silid pero mukha namang komportable iyon.
Umupo si Dolphin sa kama. “Antenna, hindi ba sa Empire ka nag-aaral?”
Tumango siya. “Oo. Hindi ka ba sa Empire pumapasok?”
Matigas na umiling ito. “Sa East Sun ako pumapasok kasi ayaw ni Kuya na magkasama kami sa iisang university. That guy hates me. He even blocked my f*******: account on his account. Can you believe him?”
Ngumiti na lang siya bilang tugon. Kaya naman pala hindi siya nito namu-mukhaan dahil hindi ito malapit sa kapatid nito. Dapat ay nakilala na siya nito kanina pa dahil naka-profile picture ang litrato nila ni Shark sa f*******: account ng binata.
Natigil lang siya sa pag-iisip nang bigla na lang siyang hilahin ni Dolphin paupo sa tabi nito. Nang lingunin niya ito, nangingislap na naman ang mga mata nito. “Y-yes?”
“Kilala mo ba si Connor Domingo?”
Tumango siya. “Oo. Member siya ng HELLO band ng Empire.”
“May girlfriend na ba siya?”
“Hindi ko alam.”
Nalaglag ang mga balikat nito.”Gano’n? Connor blocked me on his f*******: account, too, kaya hindi ko na alam ang nangyayari sa kanya.”
“Why don’t you follow him on Twitter?” suhesyon niya.
Umaliwalas agad ang mukha nito. “Twitter? Sa totoo lang, ayoko sa Twitter dahil naging masama ang image niyon sa’kin dala ng sunud-sunod na eskandalo ng mga artista. Pero puwede kong gamitin 'yon para ma-i-stalk si Connor. Thank you, Antenna!” Niyakap siya nito. “I like you. Sayang, hindi ikaw ang girlfriend ni Kuya.”
“Ha?”
“Kung girlfriend ka ni Kuya, sana pinakilala ka na niya sa’kin.” Kinutinting na nito ang dala nitong computer tablet. “Alam mo bang nitong nakaraang buwan, wala nang ibang bukambibig sa’min si Kuya kundi ang girlfriend niya pero ayaw naman niyang sabihin kung sino. Surprise na lang daw. Alam kong simula nang ma-broken hearted si Kuya kay Ate Serenity, naging malandi na siya. But when he started talking about his mystery girlfriend, I noticed his change. Naging masayahin na uli siya at hindi na siya nakikipaglandian sa kung sino-sino.
"At heto pa ang pinakamatindi, pinauwi niya ang daddy namin na may business trip sa LA para lang ipakilala 'yong girl na 'yon. Pati nga si Mommy na nanahimik sa Batangas with her dolphins, pinakuha niya rin ng leave. I think balak niya yatang i-surprise 'yong girl. Our parents are very happy dahil ngayon lang namin nakitang seryoso si Kuya sa isang babae – finally.” Nilingon siya nito. “Ay, kung kilala mo 'yong girlfriend ni Kuya, 'wag mong sasabihin sa kanya ang plano ni Kuya, ha? Secret lang natin 'yon.”
Napatango na lang siya.
Pasimpleng hinawakan niya ang kanyang dibdib. Ramdam niya, unti-unti nang nalulusaw ang yelong binalot niya sa kanyang puso.
HI, ANTENNA! Puwede ba tayong magkita ngayon sa Empire park?
Napabuntong-hininga si Antenna nang mabasa nag text na iyon ni Shark. Simula nang gabing tumuloy siya sa bahay nito dala ng malakas na ulan, ramdam niyang nabawasan na ang determinasyon niyang iwasan ito at pasakitan gaya ng ginawa nito sa kanya.
Sa kaibuturan ng puso niya, umuusbong ang maliit na tinig na nagsasabing maaaring totoong minahal siya ni Shark at dala lamang ng labis na selos at sakit kaya naging bulag at bingi siya sa paliwanag ng binata.
Gano’n pa man, naroon pa rin ang takot sa kanyang puso na muling masaktan. Sa lahat naman kasi ng bagay sa mundo, tiwala ang pinakamahirap ibalik. Kung sa pagmamahal lang, hindi niya maitatangging mahal pa niya si Shark. Hindi naman iyon mawawala over-night. Subalit ang tiwala, pinaghihirapan 'yon. Dahil kapag nagkaroon ng pagdududa ang puso, kalakip no’n ang takot na muling masaktan.
Hindi niya namalayang dinala na pala siya ng mga paa niya sa park ng Empire. Natigilan siya dahil sa kanyang nakita. Nasa maliit na pabilog na field malapit sa park si Shark. Nakatayo ito sa ilalim ng puno. Sa ilalim niyon ay may blanket na nakalatag at picnic basket.
Hindi lang 'yon. The tree was also decorated with little heart-shaped balloons, and there were petals of red roses on the blanket.
Nakangiting lumapit sa kanya si Shark at inabot sa kanya ang isang long-stemmed red rose. “For you, Antenna.”
Nag-aalangan man ay tinanggap pa rin niya iyon. “P-para sa’n 'to, Shark?”
Humugot ito ng malalim na hininga bago sumagot. “Antenna, gusto kong ipagtapat sa’yo kung sino talaga ako sa buhay mo.”
Naramdaman niya ang pag-iinit ng gilid ng kanyang mga mata. Hindi pa siya handang pag-usapan ang tungkol do’n dahil alam niyang madali na niya itong mapapatawad ngayon. Pero paano niya sasabihin dito ang pagsisinungaling niya nang hindi ito masasaktan?
“S-Shark... pasensiya ka na pero sa ibang araw na lang tayo mag-usap. Kailangan ko pang hanapin si Lazer,” pagsisinungaling niya.
“Don’t do this to me, Antenna,” pagmamakaawa ni Shark sa basag na boses. “Nasasaktan ako banggitin mo pa lang ang pangalan ni Lazer. Can you imagine how I feel whenever I see you with him? Whenever you smile at him? And whenever you hold his hand? Hindi mo alam kung gaano katinding sakit at pagseselos ang dinudulot no’n sa’kin. I’d trade my life to be in his place, Antenna.
"I don’t even care if you remember me and the things I’ve done that had hurt you as long as you remember who I really am in your life. Nagsisisi ako na nasaktan kita. At handa akong pagbayaran ang kasalanang nagawa ko. So please. Alalahanin mo na kung sino ako. Hate me. Punch me. Curse me. Mas matatanggap ko pa yatang magalit ka sa’kin kaysa ang isiping sa ala-ala mo, ibang lalaki ang mahal mo. It’s f*****g painful.”
Tila nagyelo siya sa kayang kinatatayuan sa sumunod na nangyari – tumulo ang mga luha ni Shark. Pain and loneliness were also evident in his eyes she couldn’t make herself believe anymore that he was just faking everything. He was crying with all his heart over her.
If she was the same girl as before, malamang ay nagtatatalon na siya sa tuwa dahil nangyari na ang matagal na niyang pinapangarap – ang iyakan ng isang lalaki.
Pero hindi. Dahil kahit napatunayan ng mga luha ni Shark na mahal talaga siya nito at nagsisisi na ito sa nagawa nito sa kanya, pinatunayan din ng mga luhang iyon kung gaano niya nasaktan ang lalaking mahal niya at nagmamahal din sa kanya.
“I’m sorry, Shark,” aniya sa pagitan ng paghikbi bago niya ito tinakbuhan.
“ANTENNA!”
Mas binilisan ni Antenna ang pagtawid ng kabilang kalsada nang marinig ang boses ni Shark. Wala na siyang oras para hintayin si Lazer o si Crayon kaya magta-taxi na lang siya pauwi. Subalit mabilis ang binata at napigilan siya sa braso.
“What?” angil niya rito nang harapin niya ito.
“Alam kong nabigla kita, Antenna. I’m sorry.”
Binawi niya ang braso niya rito. “Okay. Pero pagod na ko kaya gusto ko nang magpahinga.”
Bumuga ito ng hangin. “'Wag ka nang mag-commute. Ihahatid na lang kita,” anito habang may kung anong kinakapa sa backpocket ng pantalon nito. Dumaan ang pagkataranta sa mga mata nito. “My car key!”
Kumunot ang noo niya. “What? Naiwala mo ang susi ng kotse mo?”
Lumingon ito sa paanan nila at sa paligid. When he turned to the streets, he let out a relieved sigh. “There it is.”
Dumako ang tingin niya sa kalsada. Naroon nga ang susi ng kotse nito at ang mga keychain na iniregalo niya rito noong birthday nito. Pero kulay green na ang stoplight at mabilis ang pagdaan ng mga sasakyan. Nataranta siya nang bigla na lang kumilos si Shark para marahil kuhanin ang susi.
Pinigilan niya ito sa braso. “Shark! Ano ka ba! Magpapakamatay ka ba?!”
Nilingon siya nito. “But those keychains are very important to me. Sila na nga lang ang nagpapatunay na minsan sa buhay ko, minahal din ako ng babaeng mahal na mahal ko.”
Nanakit ang lalamunan niya sa pagpipigil umiyak. “Is she that important to you?”
“Yes,” matatag na sagot nito.
“Then...” Nilunok niya ang nakabara sa lalamunan niya bago siya nagpatuloy. “Why did you hurt me, Shark?”
Bumakas ang matinding gulat sa mukha nito. “Naaalala mo na ko?”
“Hindi totoong nakalimutan kita,” pag-amin niya sa basag na boses.
“What?” hindi makapaniwalang tanong nito.
Niyakap niya ang kanyang sarili. “Hindi totoong nabura sa ala-ala ko ang nakalipas na isang taon sa buhay ko. Ibig sabihin, hindi kita nakalimutan at lalong hindi totoong sa isip ko ay kami pa rin ni Lazer.”
Shark looked so shocked. Nakatitig lang ito sa kanya na para bang inaanalisa ang lahat ng sinabi niya. “Niloko mo lang ako, Antenna.” Mariing napapikit ito. At sa pagmulat nito, kitang-kita ang paghihinanakit sa mga mata nito. “Bakit ka nagsinungaling? Para makaganti sa’kin? Just because I’ve hurt you, you have to hurt me, too? 'Yon ba ang solusyon mo sa problema natin?”
Nag-iwas siya ng tingin dito. “Pinrotektahan ko lang ang sarili ko. I’m afraid to get hurt again.”
“And so in order to protect yourself from getting hurt, you hurt me instead.” He let out a frustrated sigh.
“Antenna, alam ko kung gaano kalaki ang kasalanan ko sa’yo. Pero handa naman akong hingin ang kapatawaran mo sa kahit anong paraan. Handa akong suyuin ka kahit gaano katagal. Because I know how much I’ve hurt you. Hindi mo kailangang gumanti!”
Hinarap niya ito kahit alam niyang tumutulo na ang mga luha niya no’n. “Hindi mo ko masisisi, Shark. I was too hurt then.”
“I know, Antenna.” Malungkot na ngumiti ito. “And I’m sorry for hurting you. But I want to let you know the kiss you saw meant nothing. Hindi ko rin alam kung bakit ginawa 'yon ni Serenity, pero sigurado akong hindi niya 'yon ginawa para saktan ka. We never wanted to hurt you. Pero kung may buti mang naidulot ang halik na 'yon, 'yon ay naging mas malinaw sa’kin na wala na siya sa puso ko. Na ikaw lang talaga ang mahal ko.
Pero sa palagay ko, wala nang halaga sa’yo ang lahat ng sinasabi ko. Hindi lang ikaw ang puwedeng masaktan, Antenna. And just because you’re hurt doesn’t mean you can hurt other people, too. Are you happy now? Masaya ka bang napasakitan mo ko katulad ng sakit na hindi ko sinasadyang maiparamdam sa’yo? If yes, I hope that’s enough for you to forgive me. Kung hindi pa, sige, saktan mo uli ako. Pero siguraduhin mong sa ginagawa mo, hindi ka rin masasaktan.”
He gave her one sad look before he walked away.
Mariing napapikit na lang siya kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. She felt so bad about herself. She had hurt the person she loved so much because of her selfishness. Again.