Chapter Two

2350 Words
DAHIL sabay-sabay ang vacant period nila, kasama ngayon ni Antenna ang mga kaibigan niyang sina Ate Ellie at Crayon sa school canteen habang nagla-lunch.    “Nakakaloka, Antenna! May five thousand plus likes na ang picture na in-upload mo sa timeline ni Shark!”     Napangiti siya sa sinabi ni Ate Ellie. “Talaga?”     Hinarap nito sa kanya ang laptop computer nito. Totoo ngang malaki ang lamang niya sa mga sumali rin sa contest na iyon. Isang linggo na ang nakakalipas simula nang i-post niya ang ginawa niyang regalo para kay Shark – a drawing of him.     Simpleng portrait lamang iyon ng binata. In her sketch, he was smiling yet his eyes were sad – almost crying. Iyon kasi ang imahe na naiwan sa isip niya nang marinig niya itong nagkuwento tungkol sa tragic love story nito, kaya marahil iyon ang nag-reflect nang iginuguhit niya ang lalaki.     Her sketch must have snatched many hearts. Ang sabi sa mga komento, naramdaman daw nila ang kalungkutan ni Shark dahil sa iginuhit niya, na para bang gusto ng mga itong alagaan ang binata. Marami ang nag-“like” sa portrait niya dahil do’n.     “Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero kung ikaw ang may pinakamataas na boto, does it mean ikaw ang nanalo?” kaswal na komento naman ni Crayon habang abala sa pagtetext kay Logan.     Pareho silang natigilan ni Ate Ellie. Kahit madalas ay lutang si Crayon at mukhang Logan, may sense pa rin ito paminsan-minsan.     “OMG!” bulalas ni Ate Ellie. “You won, Antenna! Kagabi pa natapos ang contest kaya siguradong ikaw na ang nanalo!”     Bumilis at lumakas ang t***k ng puso niya kasabay ng panlalamig ng mga kamay niya. She was really excited. May chance na siyang mas makilala pa si Shark! Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang marinig ang tilian ng mga babae sa paligid nila.     “Hi!”     Tinapik-tapik siya ni Ate Ellie sa braso. Mukha itong excited masyado kaya marahil hindi na nakapagsalita at may kung sino na lang na tinuro sa kanyang likuran.     Nalingunan niya ang isang guwapong lalaki – si Shark! Napaawang ang bibig niya habang palapit sa kanya ang binata. Bakit tila nagliliwanag ito ngayon sa kanyang paningin? Katulad ng pangalan nito, mukhang “shark” ang buhok nito dahil nakatayo iyon pataas sa isang direksiyon katulad ng patulis sa ulo ng pating. His eyes were deep-set, he had a pointed nose, nice lips and a very sexy smile.     Kyaaa! Nang-aakit ba siya?     Nakangiting tumayo sa harap niya si Shark. Nakatago ang mga kamay nito sa likuran nito. Napatingala na lang siya sa guwapo nitong mukha. “Hi! Ikaw si Antenna Louise Gomez, 'di ba? Kaklase mo kasi ang ka-banda kong si Riley. Siya ang nag-check ng nanalo sa contest kaya naituro ka na niya sa’kin.”     Napatango na lang siya. Anak ng pating, ang bango ng lalaking ito! At ang tangkad pa!     Ngumiti ito at yumuko upang magpantay sila. “Congratulations, kitten! Ikaw ang nanalo sa pa-contest ng fansclub ko.” Nilabas nito ang isang bungkos ng bulaklak na kanina pa nito tinatago mula sa likuran nito. “Flowers for you!”     Napangiti siya saka tinanggap ang mga bulaklak. “Thank you, Shark.”     “No problem, beautiful. Anyway, I really liked your portrait of me. Kaya masaya akong ikaw ang nanalo. Your sketch gave me a mysterious, somewhat lonesome aura.” He chuckled. “Like a lonely prince waiting for his princess.”     “Really?” Masaya siyang malaman na nagustuhan nito ang pinaghirapan niyang drawing. “'Wag kang mag-alala. Someday, I will draw a happy Shark because I intend to wash away your pain and make you smile!” deklara niya.     Biglang natahimik ang lahat at sabay-sabay na napatingin sa kanya.     Maging si Shark ay halatang nagulat sa sinabi niya. Maang na napatitig lang ito sa kanya. Pero nang makabawi ay tila nangislap ang mga mata nito. “Really?”     Tumango siya at itinaas pa ang kanang kamay niya. “Promise!” aniya, sabay kindat.     Natawa ito ng malakas. Mukhang naaaliw ito sa kanya dahil sa paraan ng pagkakangiti nito. He got down on one knee, held her hand and kissed the back of her hand. Pagkatapos ay nakangiting nag-angat ito ng tingin sa kanya. “I’m looking forward to that day, kitten.” Kumindat ito bago tumayo at walang lingon-likod na lumabas ng canteen.     Naiwan namang nagtitilian pa rin ang mga babae. Hanggang sa pagbulungan na siya ng mga ito tungkol sa kung gaano siya kasuwerte na manalo sa contest na iyon.     “OMG! OMG!” tili pa rin ni Ate Ellie. “Antenna, what a bold declaration!”     Ngumiti siya. “Seryoso ako. Pasasayahin ko talaga siya.”     Iwinasiwas lang nito ang kamay nito, halatang hindi siya sineseryoso. “Basahin mo na 'yong card na kasama ng flowers!”     Natawa siya sa reaksyon nito. Parang mas excited pa ito kaysa sa kanya. Binuksan na niya ang card na nakaipit sa mga bulaklak. Nakasulat do’n ang oras at lugar kung saan gaganapin ang candlelight dinner nila.     Beautiful Miss Antenna Louise Gomez,          Congratulations on winning the contest. I’m looking forward to our date tonight. I’m sure we will both have a lovely evening together. A chauffeured limousine will pick you up at seven PM. -Handsome Shark Anthony Sylvestre ANTENNA was in a fairy tale. Sinundo nga siya ng isang chauffeured limousine sa kanilang bahay. May bonus pa dahil may pinadala pang dress sa kanya si Shark. Isa iyong old-rose tube dress. Pero dahil over-protective, sinamahan siya ng pinsan niyang si Crayon.     Nilingon niya ang pinsan niyang katabi niya sa loob ng limousine. “Crayon, kailangan bang samahan mo pa ko hanggang dito?”     “Oo. Malay ko ba kung manyak pala 'yang Shark na 'yan. Pangalan pa lang niya, nangangagat na,” kaswal na sagot nito habang abala na naman sa pagtipa sa keypad ng phone nito. Malamang ay katext na naman nito si Logan.     Kahit mukhang Logan ang dalaga, nag-aalala pa rin ito sa kanya kaya naman na-touch siya. Kahit magpinsan lang sila, nararamdaman niyang higit pa sa isang tunay na kapatid ang turing nito sa kanya. “Thanks, Crayon.”     Saka lang ito lumingon sa kanya. Ngumiti ito. “Kapatid na kaya kita, kaya natural lang na bantayan kita. Don’t worry, kapag nasiguro kong safe ang lalaking 'yon, aalis na rin ako.”     Hinawakan niya ang kamay nito at nakangiting pinisil iyon tanda ng pasasalamat niya. Ilang sandali pa ay huminto na ang sasakyan. Pero himbis na ang chauffeur ay may kung sino na ang nagbukas ng pinto ng sasakyan. A handsome boy clad in black and gray opened the door – it was Riley, the band’s vocalist and her classmate.     “Good evening, Riley!” masayang bati niya rito.     Himbis na gumanti ng bati ay lumagpas sa kanya ang tingin ng binata – kay Crayon ito nakatitig. Marahil ay nagtataka ito kung bakit kasama niya ang pinsan niya.     Mukhang napansin din iyon ni Crayon dahil agad nagpaliwanag ito. “Hinatid ko lang ang pinsan ko. Aalis lang ako kung ipapangako mong walang masamang mangyayari sa kanya sa kamay ni Shark.”     “She’s safe here, I promise,” tila tinatamad na sagot ni Riley.     May kung anong pinindot si Crayon sa cell phone nito. “Ni-record ko 'yang sinabi mo, Mister.” Hindi pa ito nakuntento at kinuhanan pa nito ng litrato ang binata. “Kapag umuwing umiiyak ang pinsan ko, ha-hunting-in kita.”     “Crayon,” saway niya rito.     Humalik ito sa pisngi niya. “Oo na, uuwi na ko. Nasulat ko naman na ang plate number ng sasakyang sumundo sa’tin at ang address nitong pavilion. Umuwi ka ng maaga, ha?”     Bumungisngis siya. “Oo naman. Ingat, ha?”     “Do you want me to drive you home?” alok ni Riley kay Crayon.     “No, thanks. Susunduin na ko ni Logan,” sagot ni Crayon, saka nagpasak ng earphones sa tainga nito bago tinalikuran ang binata – tanda na wala na itong interes makipag-usap dito.     Suplada talaga ang babaeng ito.     “'Wag mong pansinin 'yan, may sarili 'yang mundo,” natatawang paliwanag niya ng mapansing napakunot ang noo ni Riley sa iginawi ng pinsan niya.     “Aw! Sorry if I’m late!”     Sabay silang napalingon ni Riley sa bagong dating – si Shark! He looked so formal and so handsome in his black tux. And as usual, he still had his trademark hairstyle – the one she labelled as the “shark-like hair.”     Bahagya natigilan si Shark nang mapatingin sa mukha niya. Something akin to admiration twinkled in his eyes. Gumana na naman tuloy ang pagkapilya niya. Kinidat-kindatan niya ito na ikinatawa nito.     “You’re very beautiful, Antenna!” anito na kinapula marahil ng mukha niya dahil natawa uli ito. NAGLALAKAD sina Antenna at Shark sa red carpet na may nakakalat na talutot ng pulang rosas. Sa hindi kalayuan ay natatanaw na niya ang isang free-standing pavilion sa hardin na iyon. Sa gitna niyon ay may nakahanda nang candlelight dinner. Himbis na violinists gaya ng napapanood niya sa mga classical movie ay isa sa mga kabanda nito ang naroon at tumutugtog ng grand piano – si Connor! He was playing a soft and romantic piece.     He pulled the chair for her. Pakiramdam tuloy niya, nasa isang classical movie sila kung saan uso pa ang mga gentleman. He was chivalrous and it made her admire him more. Nang pareho na silang nakaupo ay saka naghain ng mga pagkain nila ang waiter – si Bread, ang lead guitartist ng banda!     Natawa siya ng marahan. “Ang cute! Talagang bawat isa sa HELLO ay may contribution sa date nating ito, ha?”     Ngumiti ito. “Siyempre, birthday ko, eh. Anyway, isa itong way ng pasasalamat namin sa inyo na sumusuporta sa banda namin kaya lahat kami, nag-effort.”     She swallowed her food first before she talked again. “In fairness, para kayong mga artista. Biruin mo, ang daming pumatol sa pa-contest ng fansclub mo. It only proved how popular you are in our university. Paano pa kaya kung naging professional band na kayo?”     “Nah, we don’t have plans on becoming a professional band in the future,” nakangiting pagtanggi nito. “Hobby lang talaga namin ang tumugtog at gumawa ng sarili naming rendition ng mga sikat na kanta. Kaya nga exclusive lang sa Empire University ang banda namin.”     Tumango-tango siya. “But you do enjoy the spotlight, don’t you?”     Halatang nagulat ito sa tanong niya. Pero natawa rin ito. “Yes, I do. Kami ang exclusive celebrities ng Empire so we have the responsibility of making you all happy,” anito sabay kindat.     Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. Walang-wala ang mga pa-cute niyang kindat kumpara sa sexy nitong kindat – nakakaakit. Bumingisngis na lang siya upang pagtakpan ang nararamdaman niya. “Anyway, happy birthday, Shark!” Kinuha niya mula sa clutch bag niya ang isang maliit na asul na kahon na may puting ribbon sa ibabaw saka iyon inabot dito.     Nakangiting tinanggap nito iyon. “Thank you, Antenna. Can I open it now?”     “Go ahead and make my day, handsome.” Napabungisngis na naman siya sa ka-corny-han niya.     Saglit na napatitig sa kanya ang binata bago ito nakangiting umiling-iling habang binubuksan ang regalo niya. Pagkatapos ay inangat nito ang nasa loob niyon – isang shark at isang mini TV keychains. “A shark and a TV? Thanks!”     “Nah, it’s a shark and an antenna.” Tinuro pa niya ang antenna sa mini-TV. “Ikaw at ako 'yan. Para cute.” Sinundan pa niya ng bungisngis ang biro niya.     Natawa si Shark. “You’re really cute, Antenna! By the way, bakit ‘Antenna’ ang name mo?”     “Well, my name should have been ‘Athena’ after the Greek goddess. Kaya lang, may edad na 'yong nurse na nagtanong kay mama kaya ‘Antenna’ ang dinig nito. My mother was too weak to write my name herself, and there wasn’t anyone with her when she gave birth to me,” pagkukuwento niya.     “Oh. I see. Anyway, I like your name. It’s unique,” nakangiting wika nito. Tapos ay bigla itong natawa. “Sorry, naalala ko lang 'yong mommy ko. She named me ‘Shark’ because she’s a marine bioligist who’s fascinated with underwater creatures.”     Napatitig siya sa guwapong mukha nito. Mas guwapo ito kapag nakangiti. “Masaya akong makitang nakangiti ka.”     Napatitig din ito sa kanya. Muli na namang nangislap ang mga mata nito. “Naaalala ko 'yong sinabi mo sa canteen. Na pasasayahin mo ko. Sa tingin ko, sisiw lang 'yon sa’yo.”     “Sisiguraduhin kong madadaan kita sa pakindat-kindat ko.” Pabirong kinurap-kurap pa niya ang mga mata niya na ikinatawa nitong muli. Mayamaya ay bigla siyang sumeryoso. “Shark, can I ask a personal question?”     Dumaan ang pag-aalangan sa mukha nito pero sa huli ay ngumiti rin ito. “Go ahead.”     “Ahm...” Tumikhim muna siya. “About the girl you were talking about before... kumusta na kayo?”     Bigla itong naging seryoso. Babawiin na sana niya ang tanong niya nang magsalita ito. “Ah, yes. The girl who broke my heart.” Eksaheradong pinalungkot nito ang mukha at ang boses nito. “Tuluyan na niya kong iniwan. Wala na kong magagawa kundi palayain siya. It hurt like hell, yes, but I have to move on.” Hinawakan nito ang kamay niya at ngumiti ng malungkot. “Antenna, will you fix my broken heart?” anito sa tila nang-aakit na boses.     Iyong puso niya na parang rocket na nag-launch kanina dala ng excitement ay biglang nag-crash. Napalitan ng pagkadismaya ang lahat ng positibong emosyong nararamdaman niya. Shark was obviously faking everything – his sad smile, his sad voice, his story. Hindi niya maramdaman ang sineredad na inakala niyang totoo nang makita niya itong umiiyak sa House Party.     “Stop it,” aniya sa malamig na tinig saka binawi ang kanyang kamay mula rito.     Bahagyang kumunot ang noo nito. “Antenna –”     “How dare you lie to my face, Shark? Hindi totoo ang lahat ng ikinukuwento mo,” deklara niya.     Halatang nagulat ito sa sinabi niya. Pero nang makabawi ay ngumisi ito. “Interesting. I’ve been busted, huh?” Niluwagan nito ang necktie nito at sumandal sa kinauupuan nito. Sa pagkakataong iyon ay may napansin siyang pagbabago rito. He suddenly turned into an arrogant bastard.     “Girls are weak to broken-hearted men, right? Kasi, iniisip niyong kayo ang magpapahilom sa sugatang mga puso namin. So I used that strategy to get close to the girls I like.”     She clenched her fists. “Pero umiyak ka –” Natigilan siya nang may ilabas itong maliit na botelya. Pinatak ng binata ang likido sa mga mata nito at voila, mukha na itong umiiyak! She was angry. Ang lakas ng loob ng walanghiyang ito na lokohin siya!     “And you were saying...?” nakangising tanong pa nito.     Huminga siya ng malalim saka tumayo. “I’m going. Thanks for the dinner.” Walang lingon-likod na iniwan na niya ito. Baka kung ano pa ang magawa niya sa walanghiyang pating na iyon na ginagamit ang pekeng istorya at pekeng luha upang makapanloko lang ng mga babae!      “As I expected, he messed up again,” komento ni Riley na nakasandal sa itim na kotse nito. “Ihahatid na kita, Antenna. 'Wag ka nang tumanggi. Ayokong makatay ng pinsan mong suplada.”     Tumango na lang siya. Gusto na niyang makalayo sa lamang-dagat na si Shark. That was the worst date she had gone to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD