Chapter Three

3105 Words
“MISS Serenity, you should have given this to me personally, para naman nagkita sana tayo,” nagtatampong reklamo ni Antenna sa kanyang guro na kausap niya sa kanyang cell phone.     “I’m sorry, Antenna. I’m in Paris now to meet my fiance’s parents kaya pinadala ko na lang 'yan sa’yo bago ko pa makalimutan. Anyway, I need to get going. I’ll call you again when I’m free. I miss you already.”     Napangiti siya. Parang ate na rin ang turing niya sa kanyang paboritong teacher. “I miss you, too, Miss Serenity.” After saying their goodbyes, she hanged up.     Kinuha niya mula sa bag niya ang lumang sketchbook. Miss Serenity owned it. Sa pagkakaalam niya, sketchbook nito iyon noong nasa kolehiyo pa ito. Gusto niyang malaman kung ano ang madalas nitong subject sa pagguhit noong estudyante pa ito kaya hiningi niya iyon. Ang sabi nito, kapag siya daw ang napiling representative ng Empire sa gaganaping Artists Circle Annual Competition sa isang buwan ay ibibigay nito iyon sa kanya. Kahapon sinabi ng dean nila na siya ang napili at nang itawag niya 'yon sa kanyang guro, masaya itong tumupad sa napagkasunduan nila.     Bubuklatin na sana niya ang sketchpad nang may mahagip siyang pamilyar na mukhang pumasok sa restaurant na iyon. Napangiti siya. It was Alberto Chui – her Chinese father. Umupo ito sa mesa sa tapat niya kasama ang pamilya nito – ang asawa nito at isang batang babae na edad labing apat. That girl was her half-sister.     Hindi siya kilala ng kanyang ama dahil hindi pa siya pinapanganak nang iwan sila nito ng kanyang ina para magpakasal sa Chinese woman na asawa na nito ngayon. Hindi kasi tanggap ng pamilya ng ama niya ang ina niyang Filipina.     Hindi niya nakila ng personal ang ama niya habang lumalaki siya. Pero naaalala niya noong sampung taong gulang siya ay dinalaw sila nito. He had cried begging for her mother’s forgiveness. Hindi niya na matandaan kung ano ang sinabi nito pero habang umiiyak ito, may mainit na bagay na bumalot sa puso niya. She had felt his sincerity in his tears and even though she was still a child then, she had knew her father had loved her mother. But that was the last she had seen him. Hindi sinabi ng kanyang ina pero alam niyang umalis sila sa dati nilang bahay para hindi na uli sila makita ng kanyang ama.     Iyon marahil ang dahilan kung bakit masyado siyang fascinated sa mga lalaking umiiyak. Ang luha ng mga lalaki na ang naging patunay ng pagmamahal para sa kanya dahil iyon lang naman ang nakita niya sa kanyang ama para mapatunayan nito sa kanya na minahal nito ang kanyang ina.     Isang litrato ng kanyang ama na lamang ang naging ala-ala nito sa kanya at naging tulay upang masubaybayan niya ito kahit sa malayo. Nang nakita niya ito minsan sa restaurant na 'yon isang taon na ang nakakalipas, araw-araw na siyang bumabalik do’n hanggang nakabisado niya ang pagpunta ng mag-anak nito sa restaurant na iyon.      “Fancy meeting you here, Antenna.”     Nawala sa line of vision niya ang kanyang ama at napalitan iyon ng guwapong mukha ni Shark.     “Ek!” gulat na bulalas niya.     “Ek?” Natawa ito ng marahan. “You’re really cute, Antenna.” Walang permisong umupo ito sa katapat niyang silya. May kung sino itong nilingon sa likuran nito bago siya kunot-noong hinarap. “What seems to be interesting in that old man?” Marahil ay napansin nitong nakatitig siya sa kanyang ama kanina pa.     Eksaheradong sinimangutan niya ito. “That’s my father, idiot.”     Halatang nagulat ito. “Father?”     Sinenyasan niya itong manahimik. Pilit niyang pinasigla ang boses niya kahit gusto niyang maiyak. “Shh. It’s a secret. Hindi niya alam na anak niya ko dahil bata pa lang ako nang iwan niya ko. Pero ako, alam kong siya ang papa ko kaya in-i-stalk ko siya.”     Hindi niya alam kung bakit magaang ang loob niya kay Shark na ikuwento ang pribadong buhay niya. Si Crayon lang naman ang madalas niyang pagkuwentuhan. Siguro dahil wala ang pinsan niya kaya ang binata na lamang ang pinaghihingaan niya. Ang bigat kasi ng pakiramdam niya at kung hindi niya iyon ilalabas, lalo lang siyang malulungkot.     “Bakit hindi ka magpakilala?” kunot-noong tanong ni Shark.     Marahang umiling siya. “Hindi mo ba nakikita? Masaya na siya sa pamilya niya. Ayoko nang makagulo sa kanila.”     Napatitig ito sa kanya. Bukod sa awa, may paghanga rin siyang nakikita sa mga mata nito. Pagkatapos ay masuyo nitong tinapik ang kanyang ulo. “You’re a good kid, Antenna,” he said gently to her.     Hindi niya alam kung anong meron sa sinserong boses nito na bigla na lang nagpaiyak sa kanya. Napayuko na lang siya habang hinahayaang tumulo ang kanyang mga luha. “Nakakainis ka, Shark!”     “Tumahan ka na. Baka sabihin ng mga tao, pinaiiyak kita. It’s bad for my reputation.”     “You shouldn’t make a young lady cry, boy.”     Sabay silang napalingon ni Shark sa nagsalita – ang kanyang ama! Nanigas siya sa kanyang kinauupuan. Hindi niya alam ang sasabihin.     “Here.” Nakangiting inabot sa kanya ng ama niya ang panyo nito. “A beautiful lady like you shouldn’t be crying. So, smile.”      Sa pagkakataong iyon ay napangiti siya. “Salamat po.”     Ngumiti lang ito at nagpaalam na sa kanila.     Niyakap niya ang panyong inabot nito sa kanya. She was very happy! Nilingon niya si Shark. “Siguro, lucky charm kita. Matagal ko nang sinusundan sina Papa dahil alam kong ito ang paborito nilang restaurant, pero ngayon lang niya ko nilapitan.”     “Ganito talaga ang mga guwapo, nagdadala ng suwerte,” nakangising wika nito sabay kindat.     Naalala niya ang kasalanan nito sa kanya. Hindi na nga pala siya dapat nakikihalubilo sa lalaking ito. Inirapan niya ito. “Aalis na ko.”     Pero hanggang sa paglabas niya ay umagapay pa rin sa kanya si Shark. “Hey, are you mad at me?”     Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “I just don’t want to get involved with a playboy like you.”     Natawa ito ng marahan. “Napaka-judgemental mo naman!” Pumihit ito paharap sa kanya habang naglalakad paatras na nakatago ang mga kamay sa likuran. Yumuko ito para magpantay ang eye level nila. “Cheer up, kitten. Sayang, naunahan ako ng papa mo sa pagbibigay sa’yo ng panyo. Nasira tuloy ang pagdiga ko.”     Inirapan niya lang ito. Bakit ba kahit naiinis siya rito ay nakyu-cute-an pa rin siya rito?     Lalo itong natawa. “Hindi bagay sa’yo ang nakasimangot. Mas bagay sa’yo 'yong ganito.” Ikinurap-kurap nito ang mga mata nito tulad ng madalas niyang gawin.     Naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi niya. “Stop mimicking me!”     Natawa ito. “Mas cute ka kapag nagagalit, kaysa kapag umiiyak ka. Come on!” Bigla na lang siya nitong hinawakan sa kamay at hinila.     “Teka, saan ba tayo pupunta?” natatarantang tanong niya. Bigla kasi siyang nakaramdam ng kakaiba nang hawakan nito ang kamay niya.     “I’ll cheer you up! I’ll give you a free performance!” Huminto ito sa tapat ng dalawang matandang lalaki na naggigitara sa gilid ng kalsada.     Nakasuot ng sunglasses ang dalawa. They must be blind men who performed in the streets to earn money. Hiniram ni Shark ang gitara at sinimulang kalabitin iyon. Pagkatapos ay kumanta ito! He sang One Thing by One Direction.     “I’ve tried playing it cool. But when I’m looking at you. I can never be brave. 'Cause you make my heart race. Shout me out of the sky. You’re my Kryptonite. You keep making me weak. Yeah, frozen and 'can’t breathe. Some things gotta give now. 'Cause I’m dying just to make you see. That I need you here with me now. 'Cause you’ve got that one thing.”     Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. Bukod sa titig na titig sa kanya si Shark habang kumakanta ito, ngayon lang din niya na malaman na maganda pala ang boses nito! And she didn’t know he could also play the guitar like a pro!     “So get out, get out, get out of my head. And fall into my arms instead. I don’t, I don’t, don’t know what it is. But I need that one thing. And you’ve got that one thing.”     Because of Shark’s amazing voice and outstanding guitar skills, people started to gather around them. And because of his good-looks, tall and lean figure, girls started to go gaga over him, too. Impit na napapatili ang halos lahat ng babaeng nanonood sa pagkanta nito. Sinamantala ng dalawang matandang lalaki ang paghakot ng atensiyon at naglagay ang mga ito ng dalawang lata sa harap ng binata. Nagdududa na tuloy siya kung bulag nga ba ang dalawang iyon.     Then, people started to throw coins. Mukhang naaaliw talaga ang mga tao sa mahusay na pagkanta at pagtugtog ng binata.     Habang pinapanood niya si Shark na nakangiti at halatang nag-e-enjoy sa “spotlight”, may mainit na bagay na bumalot sa puso niya. Masaya siyang makita itong masaya. But something clutched her heart when she saw the sadness in his eyes that he was probably hiding through his smile.     Doon lang nabuo sa kanya ang isang realisasyon. Maybe he was really sad. Maybe he was really hurt. Maybe he was just didn’t want her to meddle so he purposely made her angry that night. Kung gano’n, naging immature pala siya masyado.     “Antenna! Let’s run!” nakangising sigaw ni Shark habang nakalahad ang kamay sa kanya.     Walang pag-a-atubiling tinanggap niya ang kamay nito.     They ran together, away from the girls who wanted to flock around him. Narinig niya uling tumawa si Shark. Hindi niya alam kung siya lang o talagang ibang-iba ang tawa nito ngayon – malutong iyon at puno ng buhay. Nahawa yata siya sa kasiyahan ng binata kaya natawa na rin siya.     Pansamantala niyang nakalimutan ang sakit na naramdaman niya kanina nang makita niya ang kanyang ama kasama ang bago nitong pamilya. Shark made the pain go away.     “Shark... thank you,” wika niya nang unti-unti na silang bumagal sa pagtakbo.     “No problem. Tungkulin talaga ng mga pogi na magpasaya ng mga babae,” halatang nagbibirong wika nito.     Tumingin siya sa magkahugpo nilang mga kamay. Siguro ay inisip nitong hindi siya komportable kaya binitawan agad nito ang kamay niya. She suddenly missed the warmth of his hand yet she didn’t say it aloud. “Sorry, Shark.”     “For what?”     “For stupidly getting mad at you last night. Hindi dapat kita hinusgahan agad at lalong hindi dapat ako nanghimasok sa personal mong buhay.” She smiled at him apologetically. “You’re in pain right now, aren’t you? At totoo rin ang kinuwento mo.”     Napansin niyang nagulat ito pero itinago agad nito iyon. Ngumiti lang ito at pinitas ang isang pulang gumamela sa hilera ng mga halaman na naghihiwalay sa sidewalk at kalsada. He looked at the flower with sad, longing eyes despite the smile on his lips. “Did you know gumamela is her favorite flower?” Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito at naglakad palayo sa kanya.     There was that squeeze in her heart again. Right then and there, realization struck her. “Shark, I like you!”     Huminto ito sa paglalakad at hinarap siya. He was obviously surprised. “What?”     Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay at tinatagan ang kanyang loob. “Ang sabi ko, gusto kita. Kaya hangga’t hindi pa pareho ang nararamdaman natin, hindi ka puwedeng ma-in love sa ibang babae!”     Ilang segundo ring walang emosyong mababakas sa mukha nito hanggang sa unti-unti itong napangiti. “Then, go ahead and entertain me, kitten.” He started to walk away again.     Bumungisngis siya. Tinanggap nito ang hamon niya. “You’ll see! You’ll fall for me, too!”     He just waved his hand at her.     Hah! Say your final goodbye to your first love now, Shark! “PLEASE! PLEASE! PLEASE!” Antenna gave Riley her best puppy dog eyes.     Nanatiling walang ekpresyon sa guwapong mukha ng binata. Ah, no. He actually looked sleepy and bored. “No.”     Nalaglag ang mga balikat niya. Pinuntahan niya sa clubroom ang bandang HELLO para kuhanin ang serbisyo ng mga ito. Magpapa-House Party siya dahil siya ang napili ng Empire to represent their university at the Artists Circle Annual Competition to be held months from now. Well, actually, gusto lang niyang makasama si Shark dahil nitong nakaraang tatlong araw ay hindi niya ito nakita.     Pero napakamahal ng bayad sa HELLO! One thousand pesos for each member ang bayad, pagkatapos ay sagot pa niya ang pagpapakain sa mga ito at sa mga bisita. Gagastos siya ng five thousand pesos mahigit at hindi iyon pasok sa budget niya dahil kabibili lang niya ng mga art paraphernalia niya.     “Sige na, Riley, bigyan mo na ko ng discount!” pakiusap niya sa binata. “Para namang hindi tayo magkaklase ng apat na taon sa unibersidad na ito!”     Nangalumbaba ito at kinusot ang mga mata. “Antenna, business is business. Kapag pinagbigyan kita, kailangan ko ring pagbigyan ang iba.”     Eksaheradong sumimangot siya. “Minsan na nga lang kami papayagan ni Tita Catelia na gamitin ang bahay sa party, hindi mo pa ko pagbibigyan. Saka ang hirap kayang kumbinsihin ni Crayon na magpa-House Party.”     “Crayon... your cousin?”     “Oo. Sa kanila ako nakatira, eh.”     “Okay.”     “Ano’ng okay?” naguguluhang tanong niya.     “I’ll give you fifty percent discount,” anito saka naghikab. Pagkatapos ay niyulyok na nito ang ulo sa mesa.     Napakurap na lang siya. Gano’n lang ba kadali 'yon?     “Ah, my stupid brother made a decision on his own again,” naiiling na komento ng bagong dating – si Connor. Kumpara kay Riley na itim na itim ang buhok, his hair was light brown. “Anyway, see you later, Antenna. We’ll be playing five songs tonight. Iwan mo na lang ang address mo at pakilagay na rin dito kung ano’ng oras magsisimula ang House Party.” May inabot ito sa kanyang log book. “Puwede mo nga rin palang isulat d’yan ang mga kantang gusto mong kantahin namin.”     Nakangiting tinanggap niya iyon. “Thank you!”     Ngumiti lang ito saka pinatong ang kumot sa mga balikat ng kapatid nito. “If you don’t mind me asking, ginagawa mo ba 'to para kay Shark?”     Naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi pero hindi niya iyon tinanggi. “Pipigilan mo ba ko?”     Natawa ito ng marahan. “Bakit ko naman gagawin 'yon? But as my brother’s dear classmate, babalaan kita. Nangangagat si Shark ng puso ng mga babae. Be careful.”     “Handa na ko d’yan, 'no!” matapang na sagot niya. NAKASIMANGOT si Antenna habang pinapanood si Shark makipaglandian sa mga female guests niya. Inimbitahan niya kasi sa House Party niya ang mga kaklase niya at ang mga kasamahan niya sa art club.     Sa nakalipas na tatlong oras ay nakakanta na ng limang kanta ang HELLO. At ngayon, break time muna upang makakain naman ang mga ito. Pero nagulat silang lahat nang dumating si Shark na late na nga, halatang nakainom pa.     Mabuti na lang at wala si Crayon sa bahay ngayon kundi ay nagalit na iyon dahil ayaw nito ng mga naglalasing. Bigla itong nilagnat kaninang hapon kaya nagpunta muna ito sa bahay nila Logan para maalagaan ito ng binata. Si Ate Ellie naman ang kasama niya ngayon. Pero tulad ng ibang babae ro’n, abalang-abala ito sa pakikipag-chikahan sa HELLO band members.     “Sorry about this, Antenna.”     Nalingunan niya si Riley. Umupo ito sa arm rest ng sofa na kinauupuan niya yakap ang gitara nito. “Para saan?”     “Hindi namin alam kung bakit naglasing si Shark kahit alam niyang may House Party. Pagsasabihan namin siya mamaya para hindi na 'to maulit.”     Dumako ang tingin niya kay Shark na nakasandal sa hamba ng pinto papasok ng kusina. May hawak itong canned beer habang may kaakbay na babae habang nakikipaghuntahan sa anim pa. He was obviously drunk. Napabuga siya ng hangin. “May problema ba si Shark?”     “Yes. Pero 'wag mo nang problemahin ang problema niya.” Kinalabit nito ang gitara nito. “Bilang apology sa pagkakalat ni Shark sa House Party na 'to, kakanta pa ko ng isang song for you. Libre 'to. What song do you want me to sing?”     “‘Don’t Cry, Joni’,” awtomatikong sagot niya. Iyon kasi ang paborito niyang kanta kahit luma na iyon. Inaasahan niyang tatawa si Riley kaya nagtaka siya nang kalabitin lang muli nito ang gitara nito. “Hindi ka ba tatawa kasi ang luma ng kantang gusto ko?”     “Only fools who don’t know what good music is would laugh at you. Anyway, it’s a duet. Kumanta ka rin,” utos nito na para bang hindi tatanggap ng pagtanggi. He started to sing first. “Joni was the girl who lived next door. I’ve known her, I guess, ten years or more. Joni wrote me a note one day. And this is what she had to say.”     Napangiti siya. Dahil sa husky voice ni Riley, naging rock version sa pandinig niya ang classic song na iyon. And since it was her favorite, kumalma siya kahit paano. Hindi siya kagalingang kumanta pero nasasapol naman niya ang mga tono. ““Jimmy, please say you’ll wait for me. I’ll grow up someday, you’ll see. Savin’ all my kisses just for you. Signed with love, forever true.””     Akmang kakantahin na ni Riley ang susunod na mga linya nang maunahan ito ng kung sino – ni Shark!     “Slowly I read her note once more. Then I went over to the house next door.” Hinawakan siya ni Shark sa kamay at walang babalang itinayo. Pagkatapos ay pinalupot nito ang mga braso nito sa kanyang baywang at isinayaw siya.     They swayed to the slow music. Umugong ang malakas na bulungan ng mga um-attend sa House Party. Riley was still playing the guitar while Shark continued to sing. Tumatama ang hininga nitong amoy-alak sa mukha niya pero hindi niya iyon inintindi. Bigla kasing sumabay sa duet nila ang mabilis at malakas na t***k ng kanyang puso.     Binago ni Shark ang mga sunod na lyrics ng kanta. “Her teardrops fell like rain that day. When I told kitten what I had to say: “Kitten, kitten please don’t cry. You’ll forget me by and by. You’re too innocent and you know I’m no good. And kitten I just can’t play with you...””     Sinusubukan ba sya nito? Nakangisi ito habang kumakanta na para bang sinasabing sumuko na siya. Nakipagtagisan siya ng tingin dito.     Nang siya na ang kakanta, binago niya rin ang lyrics para sagutin ang sinabi nito. “Sharky, please say you’ll give me a chance. I’ll make you fall, someday you’ll see. Savin’ all my kisses just for you. Signed with love, forever true.”     Bigla nitong hinapit ang kanyang baywang at nilapit ang mukha nito sa kanya. Narinig niyang napasinghap ang lahat ng nanonood sa kanila. “Ah, you mentioned ‘kiss.’ Now I want to kiss you.”     Alam niyang dala lang ng kalasingan kung bakit nasasabi nito ang mga salitang iyon. Pero hindi siya natatakot. Kung hindi niya tatatagan ang loob niya, hindi niya mapapaibig si Shark. Nang araw na sabihin niyang gusto niya ito, seryoso siya. And she had never been so serious in her life.     She looked straight into his eyes once again. Naroon pa rin ang kalungkutan sa mga iyon na dulot ng babaeng bumasag sa puso nito. Gusto niyang pawiin ang sakit na nakikita niya sa mga mata nito.     So, she would make sure Shark would fall for her.     Pababa na ng pababa ang mga labi ng binata sa kanya nang takpan niya ng kamay niya ang bibig nito. “Kapag hinalikan mo ko ngayon, girlfriend mo na ko.” Nilingon niya ang mga kabanda nito. Riley and Bread were indifferent while Connor was grinning. “At kayo ang witness.”     Sabay-sabay tinaas ng mga ito ang kanya-kanyang kanang kamay. “Sure,” sabay-sabay ding sagot ng tatlo.     Inalis ni Shark ang kamay niya sa bibig nito. “Challenge accepted.”     And he really kissed her on the lips!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD