Chapter Four

2596 Words
“BREAD, salamat nga pala sa pagsabay sa’kin.”     “Hmm.”     Nilingon ni Antenna si Bread na nagmamaneho ng kotse. Katulad nga ng sabi-sabi sa Empire nila, para ngang robot ang binata. Bukod sa walang emosyon sa mukha nito, tipid din itong magsalita at monotone pa ang boses. Pero sa lahat naman ng robot, ito na siguro ang pinakaguwapo.     Hiningi niya kay Riley kanina ang address ni Shark nang malaman niyang may sakit ang huli. Pagdating niya sa subdivision na tinitirhan ng binata ay nasalubong niya si Bread na nakasakay sa kotse nito. Sinabay na siya nito.     Hininto nito ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay. Walang sabi-sabi itong umibis pero nagulat siya nang pagbuksan siya nito ng pinto. Tinangka nitong kunin ang dala niyang basket ng prutas para sana ito na ang magdala, pero tumanggi siya at nagpasalamat na lamang.     Hmm. Gentleman na robot. Puwede.     Papasok na sana sila sa hardin ng bahay nang may magandang babaeng lumabas mula sa bahay.     “Miss Serenity?” hindi makapaniwalang bulalas niya.     Halatang nagulat din ito. “Antenna?”     Nilingon niya ang bahay na pinanggalingan nito bago niya ito muling hinarap. “Miss Serenity... kilala mo po si Shark?” At saka bakit nasa Pilipinas na ito? Hindi ba’t nasa Paris ito dapat?     Ngumiti ito. “Oo, sa iisang subdivision lang kami nakatira kaya nasubaybayan ko ang paglaki niya. I’m like his older sister. Ikaw, ano’ng ginagawa mo rito?”     May kung anong bumubulong sa kanya na may mali sa mga nangyayari. Miss Serenity may be older than them, but she was beautiful and she looked younger than her age.     So, ano’ng iniisip mo?     Wala naman... it’s just that... never mind.     “Antenna?” untag sa kanya ni Ma’am Serenity.     Ngumiti siya. “Nandito po ako para dalawin ang boyfriend kong may sakit.”     “Boyfriend mo si Shark?” tila gulat na gulat na tanong nito.     Bumungisngis siya. “Opo. Kagabi lang.”     Ngumiti si Miss Serenity pero bahagyang nakakunot ang noo nito. “Really? Congratulations.”     “Thank you po!”     “O, siya. Mauna na ko sa inyo, ha?” nakangiting paalam nito.     “Ingat po!”     Tumango lang si Bread.     Pag-alis ni Miss Serenity ay pumasok na sila ni Bread sa bahay ni Shark. Wala ro’n ang mga magulang ng binata. Tumuloy sila sa kuwarto ng pasiyente.     “Hello, Shark!” masiglang bati niya rito.     Biglang napabalikwas ng bangon si Shark. Nanlaki din ang mga mata nito nang makita siya. “Antenna! Ano’ng ginagawa mo rito?”     Nakangiting pinatong niya ang basket ng mga prutas sa bedside table nito. “Dinadalaw ang boyfriend ko. Well, in case you feign ignorance, ikaw ang boyfriend ko.”     Natawa ng malakas si Connor na nakahilata sa couch habang nagbabasa ng magazine, samantalang nakangiting nilingon naman siya ni Riley na nasa harap ng computer. Mukhang bumisita ang buong banda kay Shark.     Walanghiyang Riley 'to. Pupunta rin pala rito hindi pa ko sinabay kanina.     “What the heck are you talking about, girl?” gulat at nagtatakang tanong ni Shark.     Bumungisngis siya. “Shark, you kissed me. On the lips!”     “So?”     “May kasunduan tayo. Kapag hinalikan mo ko, pananagutan mo ang ginawa mo kaya magiging girlfriend mo na ko. Alam kong mangyayari ito, kaya 'buti na lang, handa kami.” Nilabas niya ang isang bond paper at tinapat iyon sa mukha ng binata. Nakasulat do’n ang “kontrata” nila at ang “statement” ng mga “witnesses” nila. Shark Anthony Sylvestre can’t kiss me unless he wants to be with me.     First kiss on the lips – I’ll be your girlfriend.     Second kiss on the lips – you’ll introduce me to your parents.     Third kiss on the lips – you’ll say you love me. Signed by: Antenna Louise Gomez I, Shark Anthony Slyvestre, accept the challenge. Signed by: Shark Anthony Sylvestre The Witnesses:     Bread Wycoco (Be a man)     Connor Domingo (Congratulations, bro!)     Riley Domingo (Take responsibility, dude)     Nakapirma ang buong banda ng HELLO, kasama na siyempre si Shark. Lasing ito ng gabing iyon kaya madali nila itong nauto.     “The hell!” sigaw ni Shark matapos basahin ang kontrata. “Are you serious?!”     “Oo. Mukha ba kong nagbibiro?”     Hinilot nito ang sentido nito. “Fine. Fine! I’ll play this foolish game of yours, kitten.” Ngumisi ito na para bang hinahamon siya. “Basta walang sisihan sa huli kapag umiyak ka.”     “Don’t worry, Sharky boy. I’ll make sure na ikaw ang iiyak sa huli sa sobrang pagmamahal mo sa’kin,” aniya, sabay kindat.     Natawa ito ng marahan. “Playboys don’t cry, kitten.”     “We’ll see.” Dumako ang mga mata niya sa vase sa bedside table. May nakita siyang mga pulang gumamela ro’n. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Shark noon: “Did you know gumamela is her favorite flower?”     Kung gano’n, galing do’n ang first love ng binata? May kumurot sa kanyang puso. No’n niya naramdaman kung ga’no kadugo ang labang pinasok niya.     Narinig niyang bumuga ng hangin si Shark. Nakatingin din ito sa gumamela kaya marahil alam nito ang iniisip niya. “Itutuloy mo pa ba ang kalokohan mong ito?”     Nakangiting tumango siya. “Magpaalam ka na sa kanya, Shark. Lahat ng kalungkutang dinulot niya sa’yo, papalitan ko ng tawa, ngiti at kasiyahan.”     Something akin to amusement sparked in his eyes. At ang kislap na iyon ang nagbigay ng munting pag-asa sa kanyang puso.     Mamahalin mo rin ako, Shark. Tiwala lang. “ANO’NG ginagawa niyo?” inosenteng tanong ni Antenna nang pagbukas niya ng pinto ng clubroom ng HELLO band ay naabutan niyang nakaupo si Shark sa mesa at hawak ang baba ng isang maganda at eleganteng babaeng nakatingala rito habang nakaupo naman sa receiving chair. Halos magkadikit na ang mukha ng mga ito.     Biglang napatayo ang babae na pulang-pula ang mukha at halatang natataranta. “Where’s your manners? You should have knocked first!” angil nito sa kanya.     “Kumatok ako. Tatlong beses pa nga, eh,” depensa niya sa sarili.     “Kahit na!” Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “And who are you, little girl?”     “Hindi na ko little girl. May boobs na ko – dalaga na po ako,” nang-aasar na sagot niya na ikinalaki ng mga mata nito. Tuluyan na siyang pumasok ng silid at nakangiting lumapit kay Shark na nakatingin lang sa kanya na tila may nakikitang interesante. “Hello, Shark! I cooked for you!”     “Hey, why are you acting familiar with Shark?”     Nilingon niya ang epal na babae. “Girlfriend po ako ni Shark.”     “What?!”     “Itanong mo pa kay Connor,” nakangising wika niya. Pero sa loob-loob niya, may munting karayom na tumusok sa puso niya. Bakit ba hirap na hirap ang mga taong maniwala na sila na ni Shark?     Biglang namutla ang babae. Then, she stormed out of the room. Si Connor ang nagsabi sa kanya na kapag may kumuwestiyon daw sa relasyon nila ni Shark, sabihin lang niya ang pangalan nito. Epektibo namang pangtaboy iyon, pero hindi niya alam kung bakit maraming takot kay Connor.     “Hindi ka dapat nakikinig kay Connor,” naiiling na wika ni Shark saka bumalik sa likod ng mesa. “Ano’ng ginagawa mo rito?”     “Katulad nga ng sinabi ko, ipinagluto kita.” Umupo siya sa receiving chair at hinain sa mesa ang dalawang Tupperware. 'Yong isa ay naglalaman ng kanin samantalang menudo naman ang isa pa. “Kagagaling mo lang sa sakit kaya dapat kumain ka ng marami.”     Bumuga ito ng hangin, saka umiling. “Bakit ba ang kulit mo?”     “Bakit ba ang sama mo? You throw yourself at other girls. Pero ibang-iba ang trato mo sa’kin. Ako na nga itong lumalapit sa’kin, tinutulak mo pa ko palayo. Nakakasama ka ng loob. Parang hindi tayo close.” Parang hindi mo ko hinalikan.     Napatitig ito sa kanya. Kapagkuwan ay natawa ito. Pero hindi naman nakakainsulto ang tawa nito. Parang natuwa lang uli sa kanya ito. “Why are you pouting? Para kang bata!”     Inirapan niya lang ito. “Kumain ka na nga lang.”     Tatawa-tawa pa rin ito bago nagsimulang kumain. “By the way, I didn’t expect you to be so calm after you caught me in the act of... you know.”     Kumunot ang noo niya. “In the act of what?”     Nagsalubong ang mga kilay nito. “Hindi ba’t nakita mo naman kami ni Lissa kanina?” anito na ang tinutukoy marahil ay ang babaeng lumabas kanina.     Inalala niya ang posisyon ng mga ito nang makita niya. No’n lang nag-sink in sa kanya ang lahat dahil na rin sa tono ng pananalita ni Shark.     Napasinghap siya. “'Wag mong sabihin hahalikan mo siya dapat?”     Ngumiti ito pero nakakunot pa rin ang noo. “God, you’re so slow.”     May gumuhit na matinding kirot sa puso niya. May bagay na nag-init din sa kanyang kalooban. Ngayon lang siya nagselos sa tanang buhay niya.     “Shark, hindi naman ako selosa masyado. Katulad nga ngayon, hindi agad kita pinaghinalaan. Pero girlfriend mo ko. Ang hinihiling ko lang sa’yo, 'wag ka na masyadong nakikipaglapit sa iba. You already have me. Ano pang kailangan mo sa ibang babae? Maganda ako at sexy.” Napaisip siya sa mga sinabi niya. “Wait lang.”     Tumayo siya at humarap sa malaking salamin na nakasabit sa clubroom katabi ng poster na may litrato ng lahat ng miyembro ng HELLO. Tiningnan niya ang sariling repleksyon.     Nakapusod ang mahaba niyang buhok at magulo iyon mula sa pagkakatali. Simpleng itim na T-shirt, skinny jeans at itim na boots lang ang suot niya. Gano’n ang ayos niya dahil balak niyang magpinta mamaya. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng magandang damit dahil siguradong tatalsikan lang naman 'yon ng pintura.     She looked so average, so plain. Flat nga ang tiyan niya, flat din naman ang dibdib niya!     Nagkatinginan sila ni Shark mula sa salamin. Nakahalukipkip ito sa kinauupuan nito habang tila hinihintay ang sasabihin o gagawin niya.     “Maganda ako,” giit niya sabay turo sa repleksyon ng mukha niya sa salamin. “Nakikita mo ang mapupungay kong mga mata?” Ikinukurap niya ang kanyang mga mata. “'Yong ilong ko, matangos. Maputi ako at makinis. 'Yong lips ko, manipis pero kissable.” Nakangising kinindatan niya ito. “'Di ba?” tanong niya rito bilang nahalikan na siya nito.     Natawa bigla si Shark. “Oh, God! You’re impossible, kitten!”     Eksaheradong sumimangot siya. Hindi naman kasi talaga siya kagandahan. Pumihit siya paharap dito at humalukipkip. “Hindi pa ko tapos. Matalino rin ako at talented. Oo, marami ngang magagandang babae d’yan, pero kaya ka ba nilang iguhit gaya ng pagguhit ko sa’yo?”     Tumayo ito at lumapit sa kanya. “Point taken, Miss.” Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. Nakangiti ito at nangingislap ang mga mata. “Susubukan kong hindi makipaglapit sa ibang babae.”     Nanlaki ang mga mata niya. “Talaga? Promise? Swear? Mamatay man lahat ng may gusto sa’yo?”     Natawa uli ito. “Antenna, you’re the only girl who can make me laugh this much!”     Kumunot ang noo niya. “Tapos...?”     “I think if it’s you, you can slowly teach me how to forget her and move on.” Ngumiti ito. And it was a rare, genuine smile from him. “Tutulungan mo ko, 'di ba?”     Unti-unting nawala ang ngiti niya. Hindi dahil nalungkot siya kundi dahil tinitimbang niya sa kanyang isip ang kahulugan ng mga sinabi nito.     “Handa ka na, Shark? Handa ka nang kalimutan siya at buksan ang puso mo para mahalin ako?” hindi makapaniwalang tanong niya.     Please say you’re ready!     Namulsa ito at tumango. “Sa totoo lang, nang magkita tayo sa House Party, napansin na agad kita dahil sa paraan ng pagtitig mo sa’kin. Lubusan tayong nagkilala pagkatapos ng palpak nating date. Simula no’n, hindi ka na pumalya sa pagpapangiti at pagpapatawa sa’kin. Then, I realized, I feel much better whenever I smile or laugh. Nakakapagod na rin namang maging malungkot. Gusto ko nang maging masaya. Antenna – bakit ka umiiyak?”     Umiling siya habang pinupunasan ang mga luha niya.     He chuckled. He cupped her face and gently brushed away her tears with his thumb. “Umiiyak ka ba dahil masaya kang pinatulan ko na ang pangungulit mo?” halatang nagbibirong wika nito.     Ngumiti siya at umiling. “Masaya ako at pinalaya mo na ang sarili mo, Shark. Hinding-hindi kita lubusang mapapasaya kung hindi mo ko hahayaang gawin 'yon. I’m so proud of you because you’re starting to love yourself again. 'Yon ang mas mahalaga kaysa sa pagbibigay mo sa’kin ng chance.”     His eyes suddenly grew gentle as he studied her face. Then, he blushed. “Antenna...” Nag-iwas ito ng tingin nang mapangiti. “If it’s you, I think it’s not impossible.”     She extended her pinky to him. “Mangako tayo. Hangga’t hindi mo pa ko mahal, hindi ka puwedeng magkagusto sa iba.”     Nakangiting humarap uli ito sa kanya. He looped his pinky with hers. “Mangako ka rin na aagawin mo ang puso ko sa kanya. Dahil kapag nagmahal uli ako, gusto ko ikaw na 'yon.”     She smiled, and shook their linked pinkies as tears fell from her eyes.     “It’s a promise,” they said in unison. NAKATULALA si Antenna sa blangkong canvass sa harap niya. Nasa Art Room siya para magpinta pero wala siyang maisip na ipipinta dahil depressed siya. Kahapon kasi, isang grupo ng mga babae na sa tingin niya ay miyembro ng fansclub ni Shark ang humarang sa kanya.     Naaalala pa niya ang naging takbo ng usapan niya at ng mga babaeng 'yon...     “Ikaw 'yong babaeng nanalo sa pa-contest namin 'di ba? Well, Miss Antenna Louise Gomez, tapos na ang fairy tale mo. Face reality, girl. Hindi ka magugustuhan ni Shark so stay away from him,” banta ng president ng grupo na “Issy” yata ang pangalan base sa narinig niyang itinawag dito kanina.     Bumungisngis siya. “Ano ba kayo? Girlfriend kaya ako ni Shark!”     Tumaas ang kilay ni Issy. “Dream on, girl. Ikaw lang naman ang habol ng habol kay Shark. Siguro naiinis na siya sa’yo but he’s just too kind to make you stop chasing him. Hindi ka ba nahihiya? Kababae mong tao, ikaw pa ang naghahabol. You’re just a nuisance to him!”     Nasaktan siya sa sinabi nito. Totoo naman kasi no’ng una pa lang ay siya na ang may gusto kay Shark kaya ginawa niya ang lahat para mapansin siya nito. Ni hindi man lang niya naisip ang nararamdaman ng binata. Siguro nga naiinis na ito kakahabol niya rito.     “Hoy, bakit pinaiiyak niyo ang pinsan ko?!” galit na sigaw ni Crayon.     “Wala kang pakialam. Paiiyakin namin ang ambisyosyang ito kung gusto namin.”     Bago pa niya namalayan, nagkakasabunutan na sina Crayon at Issy dahil sa pabalang na sagot ng huli.     Nahihiya siya kay Crayon dahil napaaway ito para ipagtanggol siya mula sa pambu-bully. Ayos lang naman daw ito dahil ginawa naman daw nito iyon para protektahan siya, kaya bale-wala lang ang mga natamo nitong kalmot. She was so grateful to her cousin.     Ngayon tuloy ay hindi niya magawang lapitan si Shark. Natatakot siya na muling mapaaway si Crayon kapag binalikan siya ng mga babaeng iyon sa oras na lumapit uli siya sa binata.     She also thought she must be a nuisance to Shark. Hindi naman niya iniisip na naghahabol siya kay Shark dahil mahal niya talaga ito at inosente ang pagnanais niyang mapasaya ito. Pero iba na pala ang tingin sa kanya ng ibang tao. And everyone knew her feelings were one-sided.     “Ang tanga ko talaga,” kondena niya sa sarili.     “Bakit?”     “Eh kasi habol ako ng habol sa lalaking malinaw na nagsabing wala siyang interes sa’kin.”     “Kailan ko sinabi 'yon?”     Napaisip siya. Pinagbabantaan siya nitong maaaring umiyak lang siya sa huli, pero kahit kailan, hindi nito sinabing hindi siya nito gusto. Napangiti siya. “Oo nga. Hindi mo nga sinabi 'yon, Shark –” Natigilan siya nang banggitin niya ang pangalan nito. Hinanap niya ang pinanggalingan ng boses.     Shark looked so innocent while staring back at her. Nasa labas ito at nakapatong ang mga braso sa pasamano ng binata.     She yelped in surprise. “Ano’ng ginagawa mo d’yan?”     “Nakikinig sa monologue mo.” Kumunot ang noo nito. “Anyway, bakit parang problemado ka sa’kin? Hindi ba’t nagkasundo na tayo?”     Bumuga siya ng hangin bago ito nilapitan. Pinatong niya ang mga siko niya sa pasamano at nangalumbaba. She gave him a sideways glance. “Pinilit lang naman kita kaya tayo nagkaro’n ng kasunduan. I’ve only realized now that I’m being a nuisance to you. I’m sorry, Shark.”     He gave her a sideways glance, too. “Are you stupid? Kung magsalita ka, parang pinapalabas mo na naghahabol ka sa’kin.”     “Hindi ba?”     “Hindi dahil huminto ako at hinarap ka. Walang naghahabol at walang hinahabol. Mga tanga lang ang naghahabulan. Matalino tayo.” He held out his pink as if he was showing it to her. “Remember our little pinky promise?”     Tumango-tango siya. “Alam ko, Shark. Pero nasasaktan pa rin ako sa mga sinasabi ng ibang tao. Naiisip ko rin kasi na tama sila.”     “Hey, you’re not the brave little kitten who declared she’s going to make me happy that I know.” Bumuga ito ng hangin. “Lumabas ka nga d’yan at mag-usap tayong babae ka. Naha-high blood ako sa’yo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD