After a series of examinations, kinumpirma ng mga doktor ng Callaway Hospital na healthy na ulit ako at flu-free na kaya pinayagan na din nila akong ma-discharge. Nakahinga talaga ako nang maluwag. Ayoko kasi ng athmosphere ng hospital eh. Kung tutuusin hindi naman ako kailangang i-ospital. Nagkataon lang na maarte si Thurstin kaya doon ako bumagsak, tapos ginatungan pa ni Bennet na mas maarte ng 50 percent kesa kay Thurstin kaya tumagal pa ako ng tatlong araw samantalang simpleng lagnat lang 'yun. Kung katulad pa rin ako noon, at hindi ako napapalibutan ng maarteng lalaki, hindi ko papansinin ang sakit ko at magse-set ng appointment sa mga tigre at oso para sa photoshoot nila. Ang lagnat, flu, ubo at sipon para sa 'kin ay normal occurence lang, kaya madalas ako noong sigawan ni Thurstin

