Cole's POV Bennet... my unknown husband. Ano kayang nangyari kung hindi mo suot ang maskara na 'yan? What would have happened if... wait... "Kelly..." wala sa loob na sabi ko dahilan para titigan ako ni Mana. Nakipagtitigan ako sa matanda. Gusto kong patunayan sa kanya na hindi ako guilty sa pagkamatay ni Kelly. Dahil wala naman akong kinalaman dun. Matapos ang ilang minutong sukatan ng tingin... ngumiti si Mana at nagpahid ng luha sa pisngi. "Wala ka talagang kinalaman sa pagkamatay niya kung ganun. Ang isang kriminal ay hindi makakatakas sa titig na nanunuri." Tumango-tango ako. "Sabi ko sa inyo, not guilty ako." Mahinang tumawa si Mana. "You can't blamed me for hating you before. Si Mam Kelly kasi... ang isa sa mga nagpaunawa kay Bennet na sobra-sobra na ang ginagawa niyang trabah

