Gusto kong tulungan si Bennet, oo. Pero hndi sa ganoong paraan. Hindi baby ang kailangan niya! Ows. Hindi nga ba? Eh yun nga ang gusto ni Bennet, diba? Magpapapirma ba siya ng post-nuptial agreement kung hindi siya seryoso dun? Pero... Pero... Paano kung gawin ko at ibigay ang gusto niya? What if, magbuntis nga ako at magluwal ng sanggol? Maaatim ko bang ibigay kay Bennet ang sarili kong anak para lang makuha ang kompanya ni Papa? Parang napakawalang-kuwenta ko namang ina kung ganun. Isa pa, tiyak na kapag naibigay ko na ang gusto ni Bennet eh sisipain na niya ako paalis sa buhay niya. Gugustuhin ko ba 'yun? Arrggh! Ewan. Ewan ko na kung anong gagawin ko! Isa lang sigurado ko, nagugutom ako. Sinulyapan ko sa huling pagkakataon ang mukha ni Bennet nang natutulog bago ako umatras para

