Cole's POV I saw the tiger approaching, mailap ang mata niya at alerto. Mukhang alam niyang may taong nakatingin sa kanya. Humawak ako sa sanga ng puno at maingat na kinuha ang camera sa leeg ko. Hehe. This will be a great spoof-- este, scoop pala... a white tiger! Siguradong pagkakaguluhan ang magazine namin sa buong mundo oras na ma-feature ang famous at napakailap na white tiger na 'to. At siguradong pagbibigyan na ako ng Boss ko na i-increase ang sweldo ko. He he. Maingat kong binalanse ang sarili ko sa taas ng puno. Makitid lang ang sanga na inaapakan ko. Isang maling hakbang at sa bibig nung white tiger ako pupulutin. Hindi ako dapat maging kampante. Kasing-alerto din dapat ako nung tigre. Tatlong araw na naming sinusubaybayan ang white tiger na ito sa kagubatan ng Namibia, Afric

