"Thurstin... makinig ka sa 'kin..." sabi ko. Thurstin was still fuming. Mukhang masama talaga ang loob niya sa kaalamang nagpakasal si Nicky. Fool. Hindi nga lang niya alam ang buong kuwento. And I guessed, kung hihingi ako ng favor kay Thurstin, dapat sabihin ko sa kanya ang totoo. "Thurstin... listen..." Thurstin was still mad. "Thurstin... tang-na mu, makinig ka gago!!" sigaw ko, hindi kasi ako pinapansin ni Thurstin eh. Busy lang siya sa pagsimangot. "Maka-gago naman 'to!" reklamo ni Thurstin. "Goddess-Cole ka talaga." Huminga ako ng malalim. "Thurstin... Pare... Hindi si Nicky ang pinakasalan ni Bennet Leofwin..." panimula ko. Kumunot muli ang noo ni Thurstin. "Hindi? Eh dinig na dinig ko sa tsismisan ng mga babae sa Office na si Nicky Alphonse ang pinakasalan niya, tapos sasab

