COLE'S POV Maganda ang silid na napasukan ko, may pangalan yun ng C.E.O. kaya alam ko na agad na kay Bennet ang silid na 'yun. Parang leisure room/office. May entertainment set at may mini-bar sa sulok. Meron din estante na punong-puno ng mga libro. Kompleto ng kung anu-anong koleksyon ng aklat na nakita ko. Halatang mahilig magbasa si Bennet, at puro science fiction ang mga libro niya. Pero hindi yun ang nagpamangha sa 'kin kundi ang mga koleksyon ng mga... ROBOT TOYS na nakadisplay sa isang pader na may floor-to-ceiling glass cabinet. "Whoah!" Tinakbo ang cabinet at ngangang minasdan ang mga toy robots. "Whoah! May Strike Version siya ng General Uni-lateral Neuro Disperse Automotive Maneuver! Asteeeg! Bandai lang ang nagproduce ng original nito!" Alam ko ang tungkol sa mga mamahaling

