Cole's POV Pagkasabi ko nun, tumalikod ako at naglalakad papunta sa entrance ng Mansion. Naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit ang bilis bilis kong mapikon pag tungkol na sa pagpatay kay Kelly ang issue. Playing defensive siguro ako para sa kakambal ko. Kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung maniniwala o hindi sa ibinibintang ni Bennet kay Nicky. Isa pa... sa ginagawa ni Bennet, siya lang din naman ang masasaktan. Alam kong mahirap para kay Bennet na bumalik sa lugar na 'to, kung bawat sulok ng bahay na 'to ay magpapaalala sa kanya sa babaeng minamahal niya. Kung dinala niya ako dito para kunsensyahin, hindi ba at mas mahihirapan siya? Magiging torture din para sa kanya ang pagtira dito. Baka nga mas doble pa sa kanya ang epekto. Narinig kong umalis na ang sasakyan ni Fuji, hind

