COLE POV Napanganga ako pagpasok sa loob ng malaking brassdoor. Tumambad sa 'kin ang isang elegante at malawak na silid. Teka, paano ko ba idedescribe 'to? Wala akong mahanap na matinong adjective. The room itself shouted the eliteness status of the owner. Grabe! Imaginin mo na lang na isang Prinsepe ang nakatira sa Penthouse ng Sephiro. Hindi mahirap 'yun... mukha namang prinsepe si Bennet eh. Prinsepe ng mga Bipolar at maninigaw. Hahaha! Bachelor-type ang style ng buong silid pero may touch ng Victorian class. Maarteng lalaki talaga si Bennet. Kompleto sa modernong kagamitan ang penthouse, mula sa hometheater set hanggang sa mini-gym set sa isang sulok. Dalawang pintuan lang ang nakikita ko. Kuwarto siguro yung isa at yung isa pa eh library or office. May hallway din akong nakita, mu

