COLE POV He he. Ito ang gusto mo, Bennet? Puwes, pasasakitin ko ang ulo mong lalaki ka! Hanggang sa sumuko ka at paalisin mo na lang ako sa napaka-perpekto mong buhay! At kung hindi mo naman gagawin yun... siguro naman mahahanap ko na si Nicky by that time. Tapos siya na lang ang magtuloy ng walang-kuwentang marriage for inconvenience na 'to. He he. Tsk! Pero paano kung matagalan bago ko makita si Nicky? Mapu-puwersa ako na bigyan ng anak si Bennet. Maikli lang ang one month. Maiiwasan ko ba si Bennet sa panahon na yun? Oo, wala naman sa hitsura ni Bennet ang mamuwersa ng babae sa kama, pero tiyak na araw-araw niyang uungkatin sa 'kin ang anak na gusto niya. Bakit ba kasi gusto niyang magka-anak? At sa 'kin pa? I mean... kay Nicky pala? Di ba, hatest woman niya ang kakambal ko? Eh bakit

