Bahagyang naipilig ni Charles ang kanyang ulo ng maalimpungatan siya sa pagbuhos ng malamig na bagay sa kanyang ulo at katawan. Agad siyang napabalikwas ng bangon at agad niyang napagtanto na nasa kweba pa rin siya, namataan agad niya si Masong na may hawak na bagay, mukhang iyon ang pinaglagyan nito ng tubig na ibinuhos sa kanya. Parang gusto niyang pumalag ulit sa ginawa nito, pero alam niyang dehado pa rin siya kaya hindi na lamang niya ito pinansin pa. Inilibot niya ang kanyang paningin, napagtanto niyang wala si Ellerie. “Nasaan si Ellerie, saan mo siya dinala?” Agad na tanong niya sa lalaki. Nakasimangot ang mukha nito habang nakatingin sa kanya tila ba galit na galit dahil matalim ang mga matang nakatingin sa kanya. “Nandoon siya sa kabilang panig ng kweba, tayong dalawa

