Halos mawindang ang buong pagkatao ni Charles sa naabutang tagpo. Si Masong at ang kanyang asawa ay mahigpit na magkayakap at tila ba pinapadama ang damdaming para sa isa't isa. Pakiramdam niya ay biglang tumaas ang kanyang dugo. Nag-uumapaw ang galit sa kanyang dibdib sa nakitang tagpo. Parang pinipiga ang kanyang puso sa isiping pinagtaksilan na agad siya ng kanyang asawa, agad-agad na nagpapayakap ito sa ibang lalaki ng ganun ganun lang. Samantalang wala pang 24 hours itong umalis sa kanyang poder, parang hindi niya matanggap na totoo nga yatang may pagtingin ito sa kababata nito. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon, gusto niyang pumatay ng tao dahil para bang hindi na pinahalagahan ni Ellerie ang kasal nilang dalawa. Akala pa naman niya ay mahalaga para dito ang kasal na iyon

