Sa loob ng kweba. “Ikaw talaga kahit kailan pasaway, maaari ka namang sumama kina Apong Alu, alam mo naman na kayang-kaya kong mag-isa dito pero bakit nanatili ka pa rin? Nag-usap na rin kami ni Apong Alu at sinabihan na rin niya ang grupo ninyo na dito ako maninirahan, Tanging kayo lamang ang nakakaalam kung nasaan ako, alam mo naman na hindi ako maaaring bumalik sa ating tribu hindi ba ayaw ko ng magkaroon pa ng banta sa inyo. Okay na ako ng dito na lamang. Kaya ikaw mangako ka sa akin na ngayong gabi ka lang mananatili dito sa tribu. At sa mga susunod na araw ay hindi ka na magpapakita dito sa akin. Dahil kung hindi lilipat ako ng lugar iyong lugar na hindi mo ako makikita." Pahayag ni Ellerie kay Masong na noon ay matamang nakatitig lamang sa kanya. “Alam mo naman na matigas ang ul

