Kabanata 83

1467 Words

“Hay naku hindi ako papayag 'no! Ako pa ba ang papayag na malamangan ng babaeng iyon hindi pa ipinapanganak ang babaeng aagaw sa akin kay Charles! Haliparot s'ya, hindi nya kasi muna kinikilala ang taong babanggain n'ya!” Narinig ni Charles na wika ni Camille sa kausap nito sa cellphone. Hindi yata napansin ng babae na dumating na siya kaya patuloy pa rin ito sa pagsasalita, na hindi naman niya akalain na gano'n itong magsalita sa iba. Napakataklesa at parang walang pinag-aralan. Samantalang kapag kausap niya ito ay mahinhin at mahinahon palagi ang boses pero ngayon ay mukhang galit na galit ito. Sabagay napagtataasan din naman siya nito ng boses kapag galit, pero hinahayaan na lamang niya at sumusunod siya kapag galit na ito para wala ng gulo. Pero ngayon ibang-iba talaga ito, paran

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD