Sa kweba “Okay ka lang? Anong ginagawa mo, bakit kasama mo ang mga kalalakihang iyan? ” Punong-puno ng pag-aalalang tanong kay Ellerie ni Masong. Kahit hindi niya kasi sabihin alam niya na nararamdaman nito ang kanyang bigat ng kalooban at ang kanyang problema. Alam niyang concern lamang sa kanya ang kaibigan. Pero para sa kanya kasi ay hindi na dapat pa iyon niya sabihin dito dahil ayaw din niyang mamroblema pa ito at mag-alala ng husto sa kanya. Kilala niya ang kaibigan, hindi ito papayag na masaktan siya. Baka nga hindi ito makapagpigil masabi pa sa kanyang mga magulang ang kanyang sitwasyon kaya mas mainam na huwag na. Para matanatiling lihim na lamang ang lahat. At sisiguraduhin naman niya na magiging okay din siya sa ngayon, siguro hindi siya sanay na mag-isa sa kabundukan

