Samantala sa daan. Halos paliparin na ni Charles ang kanyang kotse para agad-agad na makarating sa paanan ng bundok. May dala din siyang flashlight dahil aakyat siya ng bundok. Kahit hindi niya kabisa ang bundok sa tingin naman niya ay mahahanap niya ang kweba na tinuluyan nilang dalawa ni Ellerie noong pababa sila sa kapatagan. Yun nga lang masyadong mapanganib na dahil gabi na ng mga sandaling iyon at talagang laganap na ang dilim. Pero hindi naman maaari na hindi siya kikilos at maghihintay pa siya ng kinabukasan, papaano na lang kung may nangyari kay Ellerie? Nabanggit ni Camille na nais pala nitong ipapatay ang babae. Kaya naman sobra sobrang pag-aalala niya sa kanyang asawa, pero kilala naman niya ito hindi ito basta basta papayag na saktan ng ibang tao. Oo hinahayaan nito na

