Lumipas na ang mahigit tatlong minuto ay hindi pa tapos sa pamimili ng mga damit si Ellerie. Ang tagal pa mamili kala mo naman eh kakailanganin nito ng maraming damit. Akala siguro ng babae hahayaan niya itong maglalabas, dapat nga iilang piraso lamang ang bilhin nito dahil matapos lamang ang isang linggo o dalawa ay papaalisin na niya ito. Medyo naiinis na nga sana siya at balak na sana niya itong tawagin kung hindi lamang niya narinig ang boses ng ginang na tumulong dito para maghanap ng mga maaaring itong maisuot. Wala rin kasi siyang kaalaman sa mga pamimili ng damit pambabae, kahit na nga ang kanyang kapatid na bunso at ang kanyang mama ay hindi niya sinasamahan sa women's section kapag namimili or nagsho-shopping ang mga ito sa mall. Ngunit ng marinig niya ang boses ng ginang a

