“Bakit kasi kailangan mo pang magpalit ng damit, palabas-labas ka pa niyang harapan mo kaya yung mga lalaki nababaliw naman sa kakatingin sayo. Hindi ba at sinabi ko na sayo hindi ka pwede magsuot ng mga ganyan dito dahil siyudad ito. Hindi ko nga sayo pinadala yung mga kasuotan na iyong isinusuot sa tribu dahil halos lumuwa na ang kaluluwa mo, tapos ngayon hinayaan mo na pasuotin ka ng babae na iyon ng ganyang damit. Wala na tayo sa bundok kaya ang mga lalaki dito, hindi katulad ng mga lalaki sa inyo. Kung doon ginagalang ka nila at hindi ka nila pinag-iisipan ng masama dito hindi. Tingnan mo nga ang tingin sa'yo ng mga kalalakihan para kang masarap na putahe sa kanila kaya sa susunod ayoko magsusuot ka ng ganyan damit!” Nakasimangot na wika niya sa babae. Pinapaalalahanan niya ito haban

