“Alam ko ang relasyon ninyong dalawa ni Charles at alam ko rin na gustong-gusto mo na talagang makaalis dito. Siguro hindi mo nagugustuhan ang presensya ko o kaya nasasaktan ka sa pananatili ko dito. Kaya nais mo ng umalis. Ako din naman nasaktan noong matuklasan ko ang relasyon ninyong salawa. Parang nais kong magalit pero minabuti ko na hindi na lamang. Ikinasal naman kayong dalawa noong mga panahon na wala ako sa tabi ni Charles. At isa pa gumawa ako ng katarantaduhan, alam ko na malaki ang kasalanan ko sa kanya kaya hindi ako dapat na basta-basta na lamang magalit.” Mahabang pahayag ni Camille kay Ellerie. Ang laki na ng pinagbago talaga ng babae pero hanggang ngayon hindi pa rin mapaniwalaan ni Ellerie na mabuti na ito sa kanya. Parang isang himala talaga pero hindi kasi siya nan

