Team Hailey and Kent [Hailey's P.O.V.] Nandito ako ngayon sa hospital. Two weeks na matapos kong malaman na nandito si Kent. Lagi ko na siyang binabantayan dito. Sinisisi ko kasi ang sarili ko na kaya siya nandito ngayon ay dahil sakin. "Kent, kailan ka ba magigising?" tanong ko na para bang masasagot niya ako. Napabuntong hininga ako. Lagi ko na lang siyang kinakausap. Sabi ng doctor, magkakaroon siya ng mild amnesia. Pwedeng ang makalimutan niya ay yung masasakit na memories na nangyari sa kanya. O yung mga masasayang memories. Pero may dinagdag ang doctor. PWEDENG MAKALIMUTAN NIYA ANG MGA TAONG MALAPIT SA KANYA. Wag naman sanang mangyari na may makalimutan siyang isa sa'min. Hindi na din ako masyadong nakakapasok sa school, dahil lagi ako dito sa hospital. Malayo kasi sa school nami

