It's been two years.. Two years ang nakalipas matapos ang insidente. Two years, at masasabi ko na... Moved on na ako.. Move on na ako sa lahat ng nangyari.. Sa mga nangyari noon. Siguro hindi ko naman malilimutan iyong nangyari. Pero tanggap ko na ngayon. Bagong buhay na din... Nandito ako sa sementeryo at pinagmamasdan ang puntod niya. Ang puntod ng pinaka-matalik kong kaibigan. Hinawakan ko ang lapida ng pangalan niya. Alam ko naman na nasa langit na siya ngayon at tahimik na ang kaluluwa niya. Mabuti siyang tao noong nabubuhay pa siya. "Hey! Lhei, tara na! Baka mahuli na tayo sa birthday ni Jess!" tawag sakin ni Alex. Tumayo ako at pinagpag ang damit ko. "Oo na!" sigaw ko pabalik. "Bye Keith... Saka na kang ulit kita dadalawin ha? Birthday kasi ni Jess ngayon e. Baka mahuli kami

