[Alexcia's P.O.V.] Nagpahatid na lang ako bigla kay Kean sa dorm. Ewan ko kung bakit. Naalala ko kasi yung infinite. Tinitigan ko yung panyo na hawak ko na may naka-ukit na infinite. Tapos tinitigan ko din yung singsing na binili ni Kean kanina na couple ring. May naalala ako. May binigay din na singsing sakin si Ash dati. May naka-ukit na infinite. Parang katulad lang din ng singsing na binili ni Kean kanina. Dinala ako ni Ash ngayon sa beach. Nakaka-excite dahil ngayon nandito na naman kami ni Ash para mag-bonding. "Ash, bakit ba tayo nandito sa beach?" he smiled at me, "You'll see later." sagot niya. Itong beach kasi na ito, lagi kami dito napunta. Memorable sakin ito dahil madami na kaming memories ni Ash. Magagandang memories. "Ano na namang surprise mo?" natatawang tanong ko.

