[Alexander's P.O.V.] Nakasalubong ko sa daan si Kean kaya niyaya ko siya na pumunta sa cafeteria. Nagugutom na ako at wala naman akong kasama kaya siya na ang niyaya ko. Ang bait pa ni gago dahil ililibre daw niya ako. "Kean, gusto ko mag man to man talk tayo." "Alangan namang girl talk?" Pangbabasag niya sa’kin kaya sinamaan ko naman siya ng tingin. Ngumiti naman siya saka sinabing "Joke lang. Masyado ka na pa lang seryoso?" natatawang sabi niya. "By the way, di ba nililigawan mo na si Lhei?" Sumubo siya ng fries saka ngumiti sa’kin at tumango. "Yep. Why?" "E bakit parang walang improvement?" "Ha? Anong improvement sinasabi mo dyan?" "Parang hindi pa in-love sayo e. ‘Di ba sabi nila lagi daw hinahanap-hanap ng babae ang lalaking mahal niya?" Nagulat ako nang bigla akong pagtawanan

