[Keith's P.O.V.] Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din yung singsing na hawak ni Empire. Parehong-pareho iyon ng singsing na suot lagi ni Cliff. Paano niya nalaman na si Cliff ang leader namin? At bakit ASH ang tawag niya sa kanya? Sa pagkaka-alam ko, wala ni isa ang tumatawag ng ASH sa kanya, puro CLIFF. Tapos yung huling sinabi niya ang nagpa-gulo lalo ng utak ko. Paanong kilala na niya agad si Cliff bago pa namin siya makilala? Fuck! Ang daming tanong sa utak ko na hindi masagot-sagot! Si Empire lang naman ang makakasagot ng lahat ng ito dahil siya ang dahilan kung bakit ako nag-iisip ng kung ano-ano! Ayoko siyang kausapin! Pinatay niya ang mga kapatid ko at buhay niya din ang ipapalit ko. Pero gusto kong masagot lahat ng katanungan sa utak ko ngayon! Aish! Paano ba to?! "Alam mo, ku

