Chapter 7

2099 Words
" I will defend Joaquin Zacharius Allegro," seryosong turan ko. Matapos kong mapanood ang balita ay bumalik ako dito sa opisina niya upang sabihin ang binabalak. "It's a high profile case. Anak ng pulitiko ang biktima. Mahihirapan kang ipanalo ang kasong 'yan." Dismayadong napasimangot ako sa sagot ni Dad. Binabanggit ko pa lang pero diskumpiyado na ito agad. " The more I need to take this case. Wala pa akong naipatalong kaso Dad. I just need you to trust me on this. Ang kapakanan ng firm ang nakasalalay dito. Sa oras na maipanalo ko ang kasong ito, tataas ulit ang trust rating ng firm, makakahatak ng mas maraming kliyente, at babalik sa pagiging nangugunang law firm sa bansa ang Oliveira and Associates Law Group. No one would dare doubt you as the CEO. And of course, mananatili ang pamamahala ng firm sa pamilya. This will be a win win situation for us and the company." Hindi lang para sa kumpanya kung di para rin sa akin. It's like picking up a big stone, so huge and heavy, aiming it the target, then throwing it and hitting not just two but three birds. Such benefits that will solve not just the issues of the firm but also my issues to my parents. Bonus na lang kung mapapapayag ko si Aki sa hihingin kong kapalit. Lihim akong nangiti. Nasasabik na ako isipin ko pa lang na mangyayari 'yon. Ang kailangan lang ay makumbinsi ko si Dad nang hindi pinapahalata ang tunay kong motibo. " Are you sure you can win this case?" may duda pa ring tanong ni Dad. Taas-noong sumagot ko. " Yes, Dad. I will work hard for it to happen. Go signal mo lang ang hinihintay ko Dad at uumpisahan ko na ang trabaho. Gusto ko rin sanang walang mangingialam na iba sa paghawak ko sa kaso." Dad look at me with a straight face. Nakaramdam ako bigla ng kaba. At siya lang ang kayang magpakaba sa akin ng ganito. Akala ko ay nalampasan ko na ang ganitong pakiramdam tuwing kaharap ang aking ama. Hindi pa rin pala. No one, even in court can make me feel this kind of nervousness. 'Yong kabang akala mo ay nasa bingit ka ng kamatayan. Kung si Mommy ay nakakaya ko pang sagutin, hindi si Dad. His always hard to please. Simula pagkabata ay iniisip ko na lagi siyang paluguran. I always try my hardest to be the perfect daughter to him. Pero simula ng mamantsahan ang tingin nila sa akin noon ay nahihirapan na akong makipaglapit pa sa kanya. Its like a great wall made of ice was build between us and I am on other side, freezing, waiting for an ember of his love to warm me up. Mapait akong ngumiti sa isip ko. Kahit emosyon ko ay pinipigil kong ipakita sa kanya. Kahit ang paghinga ko ay kinokontrol ko sa takot na baka pati ito ay mapansin niya at mapulahan. Such intimidation my father is bringing up towards me with his simple cold stare. I f*****g hate this feeling Dapat pala nag-orasyon muna ako at nag-alay para masigurong mapapayag ko si Dad. Kaso, hindi pala ako mangkukulam. "Alright then, do what you must." Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan nang sa wakas ay pumayag si Dad. "Thank you, Dad,"ani ko sabay yakap dito. But he just shoved away my arms. " Huwag ka munang magpasalamat. Pangalan ng firm na ito ang dadalhin mo sa korte at apelyido ko ang nakakabit sa pangalan mo. Don't be a dissappointment like you always do. This time. live up and give honor to our family name." Dissappoinment? Hanggang ngayon pala ay gano'n pa rin ang tingin sa akin ni Dad. Well, the more that I should succeed in executing my plans. "Dahil kapag pumalpak ka ay hindi lang ikaw ang mapapahiya kun'di pati kami ng mommy mo. At sa oras na hindi ka magtagumpay, ipakakasal kita ora mismo. Sisiguraduhin ko na magkakaroon ka ng silbi bilang isang anak. Naiintindihan mo ba, Adrianna?" Napakalupit ng salitang binitawan nito. Kung ako pa ang dating Adriannna ay baka umiiyak na ako ngayon. Pero ang kalupitan din niya ang nagpatapang sa akin. Maaring magasgasan ng salita niya ang puso ko pero hinding-hindi na niya masusugatan pa ang moral ko. Dahil wala ng ikasisira pa ang pagkatao kong dati ng wasak. Pinatigas ko ang anyo. " Naiintindihan ko po, Dad." Dad took one serious glance at me. "Very well. Since you will be representing the firm, you are free to use all the resources it has. If you need anything more than that, inform my secretary. Siya na ang bahalang umasiste sa'yo. Your dismissed, Attorney." Lumabas na ako ng opisina ni Dad pagkatapos. Nanginginig ang mmga tuhod na napasandal ako sa pinto pagkatapos ko itong maisarado. The pressure from my father's words suddenly hit me. He even used that tone he always has for his employees. Napahawak ako sa tapat ng puso ko. May nakapa akong kirot mula roon. May nakalusot at tumusok na sakit pa rin pala. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang kahihinatnan ko sakaling magkamali ako at hindi magtagumpay. I am really worthless in the eyes of my parents. Kulang na lang sabihin ni Dad na itatakwil niya ako kapag pumalpak ako. Mapait akong tumawa. Mabuti na lang walang tao dito sa hallway. Walang makakakita sa nakakaawa kong hitsura. A pathetic daughter. Pero kapag nagtagumpay kaya ako, can I demand them to love me back? I gritted my teeth. Kahit hindi na 'yon matupad pa. Magkaroon lang alo ng kalayaan mula sa pangmamanipula nila sa buhay ko ay sapat na. "I'm here to see Mister Joaquin Zacharius Allegro," ani ko sa pulis na nakatalaga sa front desk pagpasok ko ng presinto. Aroganteng tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. "Tapos na ang oras ng dalaw. Isa pa, kapamilya lang ang pinapayagang dumalaw sa kriminal na 'yon. Kapamilya ka ba?" Napaangat ang isa kong kilay. "Hindi." "Yon naman pala! Makakaalis ka na miss. Nagsasayang ka lang ng oras mo. Wala kang mapapala," pagtataboy nito sa akin. I don't know why but I suddenly find this officer annoying. Napakasungit. Napakapangit naman. Napangiwi ako. Masama nga pala manghusga ng tao ng base lamang sa anyo nito. Ginagawa lang nito ang trabaho. Ginagawa ko lang din ang sa akin. Mahigpit ang seguridad dito sa presinto. Given na 'yon. Lalo na at hindi ito basta-bastang kaso. May ilang taga media pa nga akong nakita na nakaposte sa malapit. Naghihintay siguro ng scoop tungkol sa kaso. "I am not a relative because I am his lawyer. I need to see him now." Muli ako nitong sinipat. "May i.d. ka ba?" Inabot ko ang bulsa ng attache' case kong hawak at inilabas ang hinihingi nito. Ni-ready ko na 'to kanina bago pa pumunta dito. " Pa-log in na lang ng pangalan, Attorney." Tipid akong ngumiti. Pagkatapos kong makapirma sa logbook ay itinuro nito ang daan patungo sa detention area. Tahimik akong naupo sa monoblock chair habang hinihintay ang pakay na tao. Nang lumangitngit ang pinto ay agad nagawi ang tingin ko roon. Agad lumundag ang puso ko ng sa wakas ay muli kong masilayan ang estrangherong gumugulo sa aking isipan nitong mga nakaraang araw. Magulo ang kanyang may kahabaan at medyo kulot na buhok. Kapansin-pansin rin ang pagtubo ng bigote sa panga nito. Nangagalug-mata at halatang walang tulog. Mukha itong problemado pero sa kabila ng hitsura nito ay naghuhumiyaw pa rin ang taglay nitong kagwapuhan at malakas na dating. Napatayo ako sa kinatatayuan ko. Tumaas ang sulok ng labi nito pagkakita sa akin. "Ikaw?" Hinintay ko munang makalabas ang naghatid na pulis dito bago ako nagsalita. "Oo, ako." Nagpakawala ito ng mahinang pagtawa bago dinilaan ang pang-ibabang labi nito. s**t! He looks so sexy doing it. "Nandito ka ba para hingiin pabalik 'yong naiwan mong panty?" Ako naman ang tumawa. "Hindi ko ugaling bawiin ang pinamigay ko na." He leaned over. I almost hitch for my own breath when his scent attacked my nostrils. Nasa kulungan at mukhang wala pang ligo pero ang bango pa rin. " So are you here to give me another one? Color red na t-back naman?" Amusement flooded my face. "Hindi ako nainform, hobby mo pala mangolekta ng panty. Kung red ang gusto mo, sige next time. Sasamahan ko pa ng fuchsia at lavender. May ibang kulay ka pa bang gustong i-request? " Ngumisi siya sa sagot ko. " Next time? So, ang ikalat mo ang panty mo at iwan kung kani-kanino naman ang hilig mo?" I twitched my lips. Sa panty talaga umiikot ang usapan namin? "Marami akong panty pero hindi ako burara. 'Tsaka teka nga! Mas higit pa sa panty ang ipinunta ko rito." Damn it! Ang mga eksena ng unang beses naming pagkikita ay biglang tumakbo sa isip ko nang dahil sa panty! Biglang sumeryoso ang mukha nito. " Then, why are you here?" Umupo ako at ipinatong sa mesa ang attache' case ko. "Mahaba ang sasabihin ko. You may take your sit now and listen very carefully. " Sumunod ito sa siinaabi ko at kunto noong naupo sa katapat ko. "By the way, I am Atttorney Adrianna Nicole Oliveira," pagpapakilala ko sabay lahad ng isang kamay dito. "Attorney? Isa kang abogada?" gulat na tanong nito na hindi na nakuhang tanggapin ang palad ko. He even eyed me from head to foot. What's wrong with people today? Bakit trip nila akong titigan mula ulo hanggang paa? Binawi ko ang kamay at maarteng hinawi ang buhok sa balikat. "Nakakagulat talaga. Masyado akong maganda para maging abogada, alam ko. " I heard him hissed. " Oo nga. Over confident pa nga, " bumubulong na sagot nito pero nakaabot pa rin sa aking tenga I squinted my eyes. " Let's cut through the chase. I'm here to help you out, " maawtoridad kong sagot. "Matutulungan mo akong makalabas dito? " tanong niya. " Yes. " " Bakit? " " Because I can help you." " Pero walang abogadong gustong ipagtanggol ako. Everyone believed I really raped that woman!" Nagtatagis ang bagang na bigkas nito. "Not all." " Hindi ka naniniwalang nanggahasa ako?" " No. Did you? " " Of course not! Hindi ko 'yon magagawa. I will never force a woman. Even you can attest to that." Umayos ako ng upo. " Well, that's enough reason for me to believe that you are innocent. " Nagkasukatan kami ng titig. Trying to read the honesty in each other's words. " Matutulungan mo talaga akong patunayan na inosente ako?" Hindi ako agad sumagot. I reach for my attachè case to bring out some documents. Inilapag ko iyon sa harap niya. " What's this?" Nagtatakang tanong niya. " Those are my credentials. Isa akong criminal defense lawyer. I've studied and graduated excellently in one of the prestigious law school in London. Nag-masteral din ako sa parehong unibersidad. May mga malalaking kaso na rin akong nahawakan na sangkot ang mga malalakng tao. I may be young compare to others in this profession but my experiences are my leverage. I am knowledgeable about the constitution. I am more than confident, I can make you win this case. " Tinignan nito isa-isa ang mga dokumentong ibinigay ko. " Dibdiban ako kung magtrabaho at sinisiguro kong wala akong makakaligtaang detalye. Kahit hindi mo sabihin, baka nga over qualified ako. Pero ipagyayabang ko na ang sarili ko. Propesyonal ako trumabaho. I am also a multi-lingual person. I am fluent in speaking English, Portuguese, Italian, Filipino...kahit bisaya pa 'Dong! Kaya nako makaistorya ug makasabot! " Nag-angat ito sa akin ng tingin. " Sa ganda ng records mo, huhulaan ko, mataas ang professional fee na hihingiin mo. Hindi sa wala akong pambayad sa'yo. I can pay you any amount just to clear my name." " Hindi mo kailangang isipin ang magiging kabayaran. Money will not be an issue." "But you said before, everything has a price. So what will be the price at stake here? " Lumabas ang isang mapang-akit na ngiti mula sa aking labi. Tumayo ako at itinukod ang dalawang palad sa mesa. Dumukwang ako papalapit sa kanya. Sobrang lapit na halos magbungguan ang tungki ng amin mga ilong. " Simple lang...be mine," akala mo galing sa pagtulog na wika ko. He gulped a few times. His Adam's apple move as he did it. " What? " Mas idinikit ko pa ang mukha sa kanya. Ngayon ay gahibla na lang ang pagitan ng aming mga labi. "Gagawin ko ang lahat para manalo ka sa kasong ito. But in return, you will bow to be my... submissive. Mine to control...mine to dominate...and mine to lust."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD