Balot ng labis na gulat ang mukha niya. Hindi 'ata makapaniwala sa narinig.
" Do you have any idea what is a dominant and submissive relationship? "
Bahagyang umiling ito.
Dumiretso ako ng tayo at inabot kong muli ang aking attachè case at inilabas mula roon ang isang itim na folder. Inilatag ko sa mesa ang mga larawang nakapaloob sa litrato.
"Mga litrato 'yan kung ano ng mga nangyari sa pagitan ng isang dominant at submissive. You know, a simple guide for you to picture it on your mind. "
May lalaking nakadapa habang nakaposas. May nakaluhod at may pet collar sa leeg. May nakahiga pero inuupuan sa mukha. Meron ding nakahubad habang nakatali sa ibabaw ng kama. Nakatingin ako sa mukha niya habang isa-isa niyang tinitignan ang bawat larawan. He look tense while looking at it one by one.
"Sa oras na pumayag ka, these scenarios will be done to you...by me, of course. I want you to be my submissive. You will follow my every command like a loyal dog to his master. I will be the dominant. You have to obey my every rules. I will guide you, lead you and protect you at all costs. As reward of your obedience, I will take you to an out of this world s****l experience and have the pleasure your mind could ever imagine."
Hindi ito makapaniwala sa sinabi ko.
" Aalipinin mo ako?"
Umiling ako.
" Hindi. Magpapa-alipin ka sa akin ng may pagkukusa at bukal sa loob mo."
Nagtiim ang kanyang bagang, nagsalubong ang kanyang kilay at kumuyom ang kanyang kamaong may hawak ng larawan.
" I am not a slave for anyone. Hindi ako hayok sa laman para pumayag! This is absurd! Mga taong may sakit lamang sa pag-iisip ang makakaisip gumawa ng ganyan!"
Gano'n din ang naging reaksiyon ko ng unang beses kong malaman ang tungkol sa ganitong bagay. It's very gruesome. Why would anyone perform this kind of act? Inflicting pain for the sake of intense s****l pleasure? But the thought of female domination arose my curiosity. Sumubok ako.
Noong unang beses na ginawa ko ito ay halos masuka ako. Pero habang tagal ay unti-unti ko itong nagustuhan.
The power of being a dominant. The satisfying feeling of being the one in control. The gratifying effect of manipulating other people. Me, giving sweet torture rather than getting hurt. Its very extreme yet very addicting.
Nakatulong ito sa akin para muling maibalik ang tiwala ko sa aking sarili. Being a dominant makes me look calm and collected.
"Bahala ka sa kung ano'ng gusto mong isipin o sabihin. Tutulungan kita. Lilinisin ko ang pangalan mo at mapapawalang sala ka. Pero ito ang gusto kong kapalit ng lahat ng iyon."
Nagsukatan kami ng titig. Ang kanyang mga mata ay nagbabaga sa galit samantalang ako ay walang emosyon at malamig.
" Your crazy!" gigil na sambit niya. He is looking at me murderously.
I tilted my head and gave him a devilish smirk.
" Oh! I am more than that. Hindi pa naiimbento ang salitang makakapaglarawan sa akin."
Mas lalong dumilim ang anyo niya. Konti na lang ay animo mananakmal na ito. Oh! I would love to tame this man.
" Makakalis ka na. Hindi ko kailangan ang tulong mo at mas lalong hindi ako papayag sa gusto mo."
Nagkibit ako ng balikat.
" Well see about that."
Pinumpon ko ang mga larawan at dokumento sa ibabaw ng mesa at ibinalik sa loob ng attachè case.
Bago umakmang umalis ay kinuha ko ang calling card sa bulsa ng coat ko. Inilapag ko iyon sa harap niya.
" Kung sasagutin mo na ako ng oo ay tawagan mo lang ako. Sinisiguro ko sa'yo, sa oras na gawin mo 'yon ay makakalabas ka kaagad dito."
Nagmartsa na ako palabas ng kulungan. Inaasahan ko na ang pagtanggi niya. Most submissives tend to deny their need to be dominated at first. Gano'n ang karamihan sa mga dumaan sa akin. Natural na reaksiyon lalo na at lalaki sila at ako ay babae. Male ego is what really is stopping them. Mga takot magpakontrol dahil para sa kanila ay mas superior sila kesa sa mga babae.
As for Joaquin, he is no different to them. Obviously, his scared on what I am going to do him. May hinanda na akong plano para mapapayag siya. Ang kailangan ko na lang gawin ay maghintay.
Nakaupo na ako sa loob ng sasakyan ng tumunog ang cellphone ko.
Tumatawag ang sekretarya ni Dad.
" Hello," sagot ko.
"Attorney, ready na po for visit ang condo na nirequest 'nyo. Anytime today ay pwede na rin kayong lumipat."
"Alright, thanks for the info. I'm on my way."
Ibinaba ko na ang tawag at binalingan ang driver. I instructed him on where to go for our next destination.
Hindi rin naman kalayuan ang addresss ng condo kaya agad kaming nakarating. Sa entrance pa lang ng building ay may sumalubong na agad sa aming staff .
" This way, ma'am," giya nito sa akin.
Nasa pinakamataas na floor ang condo unit na pinili ko. Pagpasok pa lang ng pinto ay agad bumungad sa akin ang floor o ceiling glass wall. Lumakad ako palapit doon. Kitang-kita ang lawak ng kalapit na dagat maging ang nagtataasang gusali sa siyudad. I roamed around. This unit is really spacious.
" Okay na ako dito. You may leave," ani ko sa babaeng staff.
Nag-ikot-ikot pa ako. May munting hagdan rin paakyat sa mga kwarto. Tatlo iyon. Isang guestroom, isang master's bedroom at ang isa ay ang pinasadya kong silid...ang blackroom. Pinihit ko pabukas ang seradura ng pinto.
Napuno ako ng excitement pagpasok.
The whole room is literally in black color. Mula sa pintura ng dingding at kisame, kurtina, kama, bedsheets, at iba pang muwebles...lahat kulay itim.
Even the lights are designed to enhance the color of this room.
Naglakad ako patungo sa kama at naupo sa pinakagilid nito. I run my fingers on the silky soft linen of the bed.
Dito magaganap ang lahat. Ang kwartong ito ang magiging saksi sa kabilang bahagi ng pagkatao ko. Malungkot akong ngumiti. Ang parte ng pagkatao ko na nabuo dahil sa kalupitan ng ibang tao.
Tulad ng silid na ito. Madilim, malamig...ganoon rin ang puso ko. At hangga't hindi nawawala ang lahat ng pait at sakit na naranasan ko ay mananatili akong ganito.
I look at my watch. Magtatakipsilim pa lang. Masyado pang maaga kung uuwi ako. Wala rin naman akong maisip na gagawin pa pag-uwi. I don't want to hang up on a bar alone again.
Baka ito na ang pagkakataon para bisitahin ko ang mga kaibigan.
Nagpasya akong unahing puntahan si Sabrina. Pagkaparada pa lang ng kotse ay pansin ko na ang dami ng mga taong kumakain. Mukhang maraming parokyano ang restaurant niya. Masarap naman kasi talagang magluto si Sab. Hilig na niya 'yon kahit no'ng high school pa kami.
Tinanong ko ang kaibigan sa isa sa mga waiter. Itinuro ako nito sa dulong bahagi ng restaurant. Sa pwesto kung saan walang masyadong nakaupo.
Sumilay ang isang malawak na ngiti sa labi ng makita ko si Sab na kasama si Cons at Aya.
" Tang-ina! Nag-rereunion ng hindi ako sinasali?"
Sabay-sabay silang lumingon sa akin.
" Addie!" si Sab at Aya. Pareho silang tumayo para batiin ako ng yakap nila. Maliban kay Cons na na hindi gumalaw mula sa kinauupuan. Sh had always been like this, the stiff one. Tumatawang ginantihan ko ang mahigpit nilang yakap.
" Magparamdam ka kasi para sa susunod maipaalam namin sa'yo," komento ni Cons.
Kumalas ako ng yakap at nagtaas ng kilay.
" Ano'ng akala mo sa'kin, multo? Naka-luxury brand na bag at may milyones na alahas sa leeg? Sosyal na multo, ha! 'Tsaka masyado akong hot para maging ghost. Hindi ako bagay sa gano'ng role. "
" Ang daming sinabi! Umupo ka na nga! " si Cons.
Nakangiting nagpalitan ng tingin si Sab at Aya. Matapos ay muling naupo.
" Hanggang ngayon, hilig mo pa ring magmura, Addie," si Aya.
" At hindi pa rin papatalo sa sagutan," si Sab.
Napahalakhak ako ng malakas. Kaibigan ko nga talaga ang mga 'to!
Sab asks the waiters to serve their specialty on the menu while I ordered for a drink.
Masaya kaming nagkwentuhan at nagsalo-salo. Sabay-sabay kaming apat na binalikan ang mga memories namin noon. Kwentuhan, asaran, kantiyawan. Ini-update rin nila ako tungkol sa mga nangyari sa buhay nila ng mga panahong nasa ibang bansa ako. Sa buong oras na kasama ko ang mga kaibigan ko, kung hindi tumatawa ay nakangiti ako. Gosh! I really missed them so much.
Nanatili kami sa restaurant hanggang sa una nang nagpaalam si Cons dahil maagang dumating ang sundo nito. Si Aya ay sumunod na din dahil may emergency bigla sa isang pasyente nito at kailangang pumunta agad sa ospital. Nagpaalam na rin ako ng makitang nagliligpit na ang ilan sa mga tauhan ng restaurant dahil magsasarado na ito. Naglakad na ako papunta sa parking lot.
Gabi na pala. Basta't magkakasama kaming apat ay hindi talaga namin namamalayan ang oras.
Tumingala ako sa langit. Habang nakatingin ako sa mga nagkikislapang bituin sa langit ay hindi ko maiwasang balikan ang nakaraan.
" Dad, please...ayoko na dito! Gusto ko na pong umuwi. Parang awa mo na, Dad. Payagan mo na akong umuwi, " umiiyak na pakiusap ko kay Daddy habang kausap ko ito sa telepono.
It's been only a month simula ng dumating ako rito sa London pero hindi ko na talaga matagalan pa ang pag-iisa ko rito.
" No, Adrianna. You will stay there until I said so."
There is firmness in my father's voice telling me that what he said is final.
Mas lumakas ang paghikbi ko.
"Diyan ko na lang po sa Pilipinas itutuloy ang pag- aaral ko ng law. Hindi ko na kayo susuwayin ni Mommy. Kahit ano'ng sabihin 'nyo, gagawin ko. Just please...let me go home, Dad. Hindi ko na kaya dito. "
But he did not listen to me. Instead...
" Huwag matigas ang ulo, Adrianna. Ipilit mo pa ang gusto mo at pati mga kaibigan mo ay madadamay. "
Napatigil ako sa paghikbi.
" What do you mean, Dad?"
I heard him sighed on the other line
" Your friends are doing fine, Adrianna. Si Aya, nakakuha ng scholarship para sa papasukang university para makapag-aral ng medisina. Si Sabrina, balita ko may na-acquire na lupa ang pamilya niya para sa itatayong restaurant. At si Constancia, maganda ang takbo ng business ng Daddy niya ngayon. Gusto mo bang balikan ko sila dahil sa pagiging matigas ng ulo mo? "
Nanlamig ako.
" N-no.. you can't do that, Dad. Huwag mo silang idamay!"
I know my father. Kaya niyang gamitin ang koneksiyong meron siya bilang abogado para totohanin ang pagbabanta nito. He has the power to do that.
" Hindi 'yon mangyayari kung magiging masunurin ka sa akin. Never set your foot back here in the Philippines or else your dearest friends will suffer the consequences. Mananatili ka diyan sa London hangga't gusto ko. Hindi ka babalik ng Pilipinas hangga't walang abiso ko. Maliwanag ba sa'yo ang sinabi ko, Adrianna? "
Pinigilan ko ang muling mapahikbi.
" Opo, maliwanag po. "
Kahit hindi ko kaharap si Dad ay nakikita ko ang tagumpay sa mukha niya.
" Good. Ayokong kukulitin mo pa ako tungkol dito. This will be the last time that we will talk about this. Do you understand, Adrianna?"
" Yes, Dad," then he hung up.
Napakurap ako ng mata. May umagos na palang luha sa mata ko nang dahil sa alaala kong iyon. Agad ko iyong pinunasan ng likod ng palad ko.
Labag sa loob ko ang lumayo sa mga kaibigan ko noon. Pero mas maigi na 'yon. Dahil ngayon ay successful na silang lahat at naabot na ang mga kanya-kanyang pangarap sa buhay. No one knew about my sacrifice. Wala rin naman kasi akong mapagsabihan. Lahat ng iyon ay kinikimkim ko pa rin sa loob ko.
Mahal ko ang mga kaibigan ko. Sad to say that the friends I love and cared for is my weakness. Alam na alam iyon ng magulang ko. They know damn well how to manipulate me. But someday soon, I will be finally free from them.