Chapter 7
Dumaan ang ilang buwan ay ganoon parin ang scenario namin. Lagi syang nakabuntot tuwing pupuntang canteen sasabay kumain pati sa pag-uwi ay sumasabay na rin siya sa amin sa paglalakad. Kahit pa pagsabihan ko siya at kung minsang tinataboy, ngingiti lang siya tapos ay sasama pa rin. Naka ilang sapak na rin ako sa kanya, tulak pati kahit puro pagtataray lang naman natatanggap niya sakin pero ewan, hindi parin siya lumalayo. Siguro ay na-immune na nga. Nakakonsensya tuloy. Minsan hindi ko rin mapigilang ang sarili eh. Ewan ko ba, masyado akong mapisikal.
Kakatapos ko lang kumain at naghugas na ako ng pinggan nang tumawag si mama sa cellphone ko. Lumabas muna ako at tumambay sa may labas at doon kami nag-usap. Minsan lang sila tumawag dahil na rin sa trabaho nila pero ayos lang naman. Basta ay palagay kami sa isa't isa na nasa maayos ako at silang kalagayan.
Ilang minuto rin akong nanatili roon sa labas kahit pa natapos na ang tawag dahil ang sarap ng hangin. Ang lamig pa. Pang-umaga si tita ngayon kaya maaga't nauna na silang matulog kahit pa alas nwebe pa lang naman ng gabi.
Nagse-cellphone lang ako't nag fafacebook nang may biglang nagnotif na message.
Celine created a group chat
Celine added Dale Velasquez and 4 others
Dale Velasquez named the group chat DaleChessa
Dale Velasquez added you in the group
Hay naku, ano na naman ba tu. >_
Dale
Hello guyssss!! Zup??
Celine
Utos ni Dale✌️
Harvey
Gago pre! Lakas ng fighting spirit natin dyan ah hahahha
Lea
Hanep sariling sikap gumawa ng group chat HAHA
Harvey
Ginawa pa kaming fans sa loveteam ng gago
Dale
Shhh. Behave tayo, andyan si crush. Bawal magmura. Good evening, crush. 🥰
Celine
Yiekssss Hahahaha
Steve
Gago biglang goodboy ah! HAHA hindi yan siya ganyan Chessa. Mapagkunwari yan.
Natatawa nalang talaga ako sa mga pinaggagagawa ni Dale kung minsan eh. Dinamay pa pati mga kaklase. Nakakahiya tuloy. Napailing nalang ako habang nagtatype ng irereply.
Chessa
Nu to? -_-
Dale
Kows GG na naman si crush🥰
Myke
Yiekss away mag-asawa na naman sila oh
Chessa
Nu trip niyo?
Dale
Gc natin 'to crush. Yaan mo sila. Fans natin yan.
Harvey
Tarantado basher ako tol. Wag kang paladesisyon.
Celine
HAHAHAHA
Mika
HUY HAHAHAHAHHA gugulo niyo daw sabi ni Dale, nag-pm! HAHAHAHAHAHAHA tingnan niyo daw chat niya🤣
Dale
Luh. Wag nga kayo! Binabadshot niyo ko kay crush eh.
Chessa
K.
Tawang tawa ako sa totoo lang pero ewan ko ba. Minsan ang sarap niyang asarin. Wala din naman akong maisabay kaya sinupladuhan ko nalang para exciting. Bala sya dyan.
Dale
Hays ba't kahit sa "k" mo kinikilig pa rin ako😭
Mika
Hahahhahahahahhahaha
Myke
Lakas tama talaga neto ni Dale HAHA!!
Hindi ko nalang pinatulan at di nako nagreply dahil gabi na rin. Pinatay ko na ang phone saka pumasok ng bahay. Ginawa ko muna ang assignment ko bago ako tuluyan nang nakatulog.
--
Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko iyong isang kaklase namin. Napahinto siya bigla at gulat na gulat na parang nakakita ng multo sabay kumaripas ng takbo pabalik. Napatingin ako sa likod ko pero wala namang tao. Nakakahiya tuloy at pinagtitinginan ako habang naiwang nakatayo sa gitna.
Pagkapasok ko ng classroom, biglang tinginan ang lahat.
"Bakit?"
Naguguluhan man ay kunot noo akong lumapit at nilapag ang mga gamit sa aking upuan. Wala si Angie sa upuan niya pero nakaiwan naman ang bag niya marahil ay pumuntang canteen o nakikipag chismisan sa kaklase. Sina Dan at Shainah naman ay nagkukwentuhan ng datnan ko tas biglang natigil nong makita ako. Nilibot ko ang tingin sa paligid at ganon din ang iba na nakangiti pa ang ilan. Ano ba tong mga to? Sa sulok malapit sa bintana ay may nagkukumpulan na tila may pinapalibutan.
Uso pa ba ang harana
Biglang may nagstrum ng gitara saka sila dahan dahang nagsi-alisan at naiwan ang isang tao sa gitna nila.
Marahil ikaw ay nagtataka
Saka luminaw sa mga mata ko kung sino ang kumakanta.
Sino ba tong mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba
Mula sa pagkaka-upo sa armchair ay tumayo siya. Saka dahan dahang lumapit sa akin hanggang sa nasa harapan ko na siyang kumakanta. Nakatayo hawak-hawak ang kanyang gitara.
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa iyong ngiti ako'y nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Para sa iyo
Nakatingin lang ako sa kanyang habang kumakanta nang biglang kumabog ang puso ko. Wala akong ibang naririnig. At ang tanging nakikita ko lang ay kung paano siya ngumiti, kung gaano kasaya ang mga mata niya habang kinakanta ang mga linyang yaon.
Saka lang ako natauhan nang tapikin niya ako sa balikat. Saka ko lang narinig ang mga naghihiyawan sa paligid ko. Saka ko lang napansing tapos na pala ang kanta.
"Crush, ayoko na. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa," seryosong saad niya.
Iniabot niya ang gitarang kanina pa niya hawak-hawak sa katabi niya. Inayos niya pa ang kwelyo niya saka nag stretching sa harapan ko kaya napatawa yung mga kaklase kong nanonood.
Bigla syang sumeryoso sabay buntong hininga.
"Pwede bang manligaw?"
Tumahimik ang lahat. Pinakiramdaman ko ang paligid, at lahat ay nag-aabang. Alam ko sa sarili ko kung ano ang isasagot ko. Pero sa ganitong sitwasyon , hindi ko alam kung paano ko ito ibibigay.
Madami na rin ang nagtangka at sumubok manligaw pero walang nagtagumpay. Hindi ko alam kung dahil hindi lang sila ganoon katibay para maghintay o ako na ang may problema. Marahil ay hindi ako handa, takot, o nangangamba sa maaaring maging kinalabasan .
Pinili kong mabuti ang isasagot ko at nang ibibigay ko na 'to ay biglang,
"DALEEEEE!!! ANDYAN NA SI MAAAAAAAMMMMMM!!!" taranta't hinihingal na anunsyo ni Angie mula sa mabilisang pagtakbo.
Aba ang gaga kasabwat pala kaya hindi sumabay saki't naunang pumasok!!!
Kunwari pang may meeting yun naman pala ay may binabalak. Kaya pala nagbiglang payo kanina nong pumuntang bahay...
"Oh, aga mo naman!"
"Chess, mauuna ako sayo, ah. Hindi ako makakasabay."
"Huh? Bakit"
"May biglang meeting eh"
"Sige"
"Byeeee tyaka pala, take your time and magpaganda ka today."
"Huh?"
"Para bago naman noh! Ibang hairband naman gamitin mo."
Sa isip-isip ko'y kaya naman pala, tss.
Dali dali nilang pinulot ang mga kalat, nag-ayos ng upuan, nagbura sa mga nakasulat sa pisara. Kagulat-gulat na sa loob lang ng ilang segundo'y malinis na't maayos ang lahat. Parang walang nangyari't nakaupo na sila sa kani-kanilang mga upuan.
"Dale, Chessa, upo na. Mamaya niyo na pag-usapan ang dapat pag-usapan," wika ng aming president na si Krisha.
Ibinalik ko ang tingin kay Dale na kanina pang nag-aantay ng sagot. Bumalik nalang ako't umupo nalang sa upuan saka kinuha ang libro na nasa bag ko. Nang mapansin kong hindi pa siya umaalis ay tiningnan ko siyang muli.
"Mamaya," saka ko siya nginitian dahilan ng pag-iba ng kanyang ekspresyon.
"Nakakainis naman si Maam! Ngayon pa umepal tsss!" nanlulumong nagpapapadyak pa sya sabay g**o ng kanyang buhok.
"Excuse me, Mr. Velasquez?"
"Maam!" Gulat na gulat siya nang makitang nasa pintuan na si maam. Napahawak pa siya sa may puso niya kaya nagtawanan ang mga kaklase namin.
"What's going on here?"
"Nothing maam. Come in, come in."
Pagbibiro niya pa sabay lahad ng kamay niyang tila pinapapasok si maam.
Strikto si maam kaya lahat ay takot sa kanya. Pero itong si Dale, talagang malakas ang loob at nagagawang makipagbiruan kay ma'am. Sanay na rin naman si maam sa kanya at kahit pa sinusuway niya si Dale ay talagang matigas ang ulo nito't tuloy parin sa mga kalokohan sa buhay.
Bumalik na siya sa upuan pagkatapos noon. Sa likod na uli siya nakaupo kasama ng mga kaibigan niyang sina Harvey. Masaya akong bumalik naman siya sa usual niyang mood na masayahin at nakikipagbiruan na ulit. Hindi ko namalayan na nakatingin na pala ako sa kanya. Agad ko namang binawi nang mahuli niya ko't kinindatan pa. Ipinokos ko nalang ang aking atensyon sa harap at sa kanina pang nagsasalita na aming guro.
Andaming eksena, hays. Lamunin na lang sana ako ng lupa.
****