Chapter 8
Mag-iisang linggo na mula no'ng tanungin niya ko sa harap ng mga kaklase ko. Naging mailap naman ako pagkatapos no'n at tila naintindihan naman niya kaya di muna niya 'ko kinulit. Excuse me, nakakailang kaya . Hiyang hiya Ako ng bongga. Binigyan rin niya ako ng oras mag-isip at maging handa.
Subsob rin sa mga araw na sumunod dahil sa paparating na exam kung kaya naging abala ako at ang lahat ganoon rin siya. Kahit pana'y kalokohan ang isang yun ay matalino at nag-aaral din naman ng mabuti. Kung hindi lang maloko, ay talagang bilin na bilin na ako sa kanya.
"Chessa ayos ka lang ba? Parang ang tamlay mo," ani Angie. Magkasabay kaming naglalakad ngayon. Sumakay kami kanina pero bumaba rin sa may kanto at mas piniling lakarin nalang papuntang school para makatipid na rin sa pamasahe. Maaga pa naman tyaka hindi naman na gaanong kalayo.
Napalingon ako kay Angie nang bigla niyang inangat ang braso at idinikit ang likod ng palad sa aking noo. Napahinto ako sa paglalakad saka tinanggal ang kamay niya.
"Nilalagnat ka?"
"Wala 'to. Mainit lang kasi," tanggi ko saka nagpatuloy sa paglalakad. Masama na Ang pakiramdam ko dagdag pa Ang tirik na tirik na araw.
"Talaga bang ayos ka lang?" Hinabol niya ko't sinabayan muli sa paglalakad. "Tutuloy ka ba? Umuwi ka nalang kaya at magpahinga?" suhestyon niya.
"Hindi nga kasi ako nilalagnat. Sadyang mainit lang ang panahon-" pagmamaangan ko.
"Eh bakit ang tamlay mo?"
"Ayos lang talaga ako. Wala lang sa mood pero maaayos din yan mamaya. Tyaka sayang nireview ko noh. Exam pa naman ngayon. " Paninigurado ko nang di na siya masyadong mag-alala.
"Bilisan mo sumagot mamaya sa exam nang makauwi ka ng maaga."
"Yes ma'am," biro ko sabay saludo.
Hindi naman masama ang pakiramdam ko noong gabi. Pero no'ng pagising ko, saka ko na naramdaman ang katamlayan. Hindi naman ako naulanan o nagpaambon pero siguro dahil sa init at napaglipasan ng gutom kaya sumama ang aking pakiramdam. Kaya ko pa naman tyaka hindi naman ganoon kasama kaya pinili ko nalang pumasok at sayang din ang nirebyu ko ng ilang araw. Baka 'pag pinagpabukas ay mawala na lahat sa utak ko noh, lolz.
Tapos na kami sa tatlong subject nang makaramdam na ako ng medyo pagkahilo. Noong recess time ay dumaan kami nina Dan at Angie sa cr sa may gym saka ko napansin ang mga matang namumula na. Nilalamig na rin ako kaya nauna na akong bumalik ng classroom sa kanila. Kakain pa kasi sila sa canteen eh wala naman na akong bibilhin kaya nauna na ko.
Pagkapasok ko ng room ay kinuha ko ang biskwit na baon ko.
"Ayos ka lang?" Biglang tanong ni Dale pagkaupo niya sa bakanteng bangko na nasa harapan ng akin. Nagulat naman ako sa biglaan niyang pagsulpot. Dahil nga sa wala ako sa huwisyo ay hindi ko napansin. Nasa labas ng classroom ang upuan niya at sa loob naman ang akin sa may likod at sulok katabi ng bintana.
Dahil malat ako at walang ganang magsalita, pinili ko na lang tumango bilang sagot.
"Hindi ka ok eh, tingin nga."
Hinawakan niya ang noo ko pagkatapos ay biglang nagbago ang ekspresyon niya. Inusog niya ang upuan papalapit sa akin saka humarap muli at inangat ang aking baba para tingnan ang mga mata ko.
Tumayo siya at ibinalik ang kaninang inupoan sa dating pwesto saka lumapit naman sa bakanteng upuang katabi ko para ilapit sa aki't tumabi. Umupo siya at pinatong ang kamay sa tuktok ng ulo ko para ipatong sa balikat niya. Wala na'kong ganang makipagtalo at dahil sa sama ng pakiramdam ay ipinikit ko nalang ang mga mata ko.
"Tulog ka muna. Nilalamig ka ba?"
"....."
"Nakainom ka ba ng gamot?"
"Ouhmm"
"Ayieeee!! Huy ano yan?" Rinig kong kantyaw ng isa naming kaklase.
Alam kong nag-aalala si Dale ng tunay at hindi para maka the moves lang gaya ng iba. Kahit kanina no'ng tingnan niya ko sa mga mata ay nakita kong sinsero siya. Na may pag-aalala.
Nang maramdaman ko ang paggalaw niya, inaadjust ang sarili para mas maayos kong maihilig ang ulo sa kanyang balikat ay umupo muli akong tuwid. Baka kasi mangalay siya sa ganoong pwesto at hindi rin ako komportableng ganoon ang nakikita ng mga kaklase ko.
Iniyuko ko nalang ang aking ulo sa desk. Hindi naman siya umangal at inunawa na lamang ako. Naramdaman kong ipinatanong niya ang isang kamay sa aking ulo hanggang sa ako'y nakatulog.
"Chessa,"
Naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagtulog dahil sa boses na kanina pa tumatawag at kamay na yumuyugyog sa balikat ko.
Inangat ko ang aking ulo saka nakilala ang pinanggalingan ng boses na iyon.
Si Dale pala.
"Tara, uwi na tayo crush."
Tumayo siya sa harapan ko saka namalayang nakasabit na sa kaliwang balikat niya ang aking backpack. Nilingon ko ang paligid at nakitang walang guro sa harapan. Hindi ko alam kung anong oras at gaano ako katagal nakatulog pero hindi pa naman gabi. Maayos paring nakaupo ang mga kaklase ko sa kani kanilang upuan habang nakalingo't pinagmamasdan kami.
"Sige na Chessa, ipinagpaalam ka na ni Dale sa mga teachers. Sabi eh saka ka na lang daw mag take ng exam pagka magaling ka na," nag-alalang sabi ni Dan.
"Nakainom naman ako ng gamot. Tyaka medyo ayos naman na ako no'ng nakaidlip ako saglit."
"Kahit na crush. Huwag ng matigas ang ulo."
Hinawakan ni Dale ang kamay ko saka tinulungang tumayo. Kaya ko namang maglakad dagdag pang nahimasmasan ako no'ng makapagpahinga akong kaunti.
Dahil sa gusto ko na lang din magpahinga at matulog, baka rin kasi maapektuhan pa ang exam ko't di makasagot ng maayos ay sinunod ko nga't namalayan ko nalang ang sariling naglalakad kasabay ni Dale palabas ng school. Doon ko lang naalala na nag-eexam din pala siya at heto siya't kasama kong iniwan ang eksaminasyon.
Napatigil ako sa realisasyong baka hindi siya makapag exam sa pagsama sa akin ngayon.
" Pa'no exam mo?" Napalingon naman siya sa akin. Napansin kong hindi niya dala ang bag niya kaya siguro ay babalik pa siya.
"Nakausap ko na sina maam. Babalik din ako agad pagkahatid ko sayo." Hinawakan niya ang kamay ko saka kami sabayng tumawid at tumungo sa paradahan ng tricycle.
"Manong sa San Isidro po, dalawa. Sa may Jastro Compound."
Pinauna niya akong sumakay sa loob ng tricycle. Inalalayan pati ang ulo ko na hindi mauntog. Magkaharap kami sa likod at kahit pa saan ko ituon ang paningin ko'y ramdam ko parin ang mga titig na ipinupukol niya sa akin. Umiwas nalang ako.
Nagulat naman ako nang muli niyang haplosin ang aking noo.
"Hindi na ganoon kataas ang lagnat mo kumpara kanina," aniya. May kinuha siya sa bulsa saka inabot sa akin na tinanggap ko naman.
"Pumunta akong clinic pero wala yung nurse. Nainip ako kaya bumili na lang ako kanina sa labas. Sabi mo nakainom ka naman na ng gamot kaya para yan mamaya."
Tinignan ko lang ang gamot sa mga palad kong nakabukas habang pinoproseso ang kung ano mang sinasabi niya. Masyado nitong pinapabilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa masamang pakiramdam o dahil sa ginawa't ipinakita niyang nakakapanlambot ng puso.
Itiniklop niya ang palad ko saka inangat ang aking baba.
"Huwag mo ng uulitin 'yun ha. Huwag mo akong pinag-aalala. Pagkatapos mo mamayang maghaponan, inumin mo 'yang gamot na binili ko. Tyaka kapag masama ang pakiramdam mo, magsabi ka sakin ng totoo. Nasasaktan ako na hindi mo sinasabi sa akin kahit na ramdam ko at kita ko sa mga mata mo ang totoo."
Nakarating kami sa amin kaya bumaba na kami sa tricycle. Marami pa siyang ipinayo sa akin. Na para bang siya ang aking ama.
"Sure ka bang hindi na ako papasok?" tanong niyang muli.
"Ayos nga lang. Ok na nga ako."
"Hindi ako naniniwala." Pabiro niyang saad saka unti unting ngumiti ng mapang-asar. Tila nakaisip na naman ng kalokohan.
"Sige nga kung talagang ayos ka na, i-hug mo ko," panghahamon niya. Itinaas niya ang kamay at pumikit, naghihintay ng yakap.
Masaya akong bumalik na siya sa pagiging makulit. Malayo sa kaninang seryoso at nag-aalalang Dale.
"Sira!" sabay pabiro ko siyang hinampas sa may balikat. Napatawa naman siya at iniabot na ang bag sa akin.
"Sige. Pasok ka na. Wala bang I love you diyan?" pagbibiro niya ulit. Inirapan ko siya at napatawa naman sabay tumalikod na ko papasok sa gate.
Napahinto ako nang maalalang hindi pa pala ako nakakapagpapasalamat sa kanya. Hindi ko alam kung anong naging kondisyon niya para makahabol sa exam. Seryoso sa pag-aaral si Dale kaya para samahan akong umuwi, alagaa't ihatid ay mabigat na para sa akin.
Hinarap ko siyang muli. Mga ilang segundo kaming nagkatitigan. Nag-uusap ang mga mata.
"Salamat, Dale," sabi ko sabay ngiti.
"Pagaling ka," malungkot niyang sagot sabay ngiti.
"Huwag mo'kong masyadong mamiss." Dagdag niya sabay ngumiti ng mapang-asar. Nagpipigil ng tawa'y inirapan ko siya at pumasok na nang tuluyan habang iniwan siya roong tawa nang tawa.
Mga banat talaga ni Dale hindi naluluma.
Napapailing na lang talaga ako habang nakangiti.
*****