Nagtulungan kami ni Miss Riva sa paghahanap kay Mia o Amari. Tumutulong din si Justine. Nasabi din sa akin ni Miss Riva na naghahanap na rin si Bruce at Brandon. Ngayon alam ko na kung bakit ganon ka close ang tatlo. Matagal na pala talaga silang magkakilala. Maaaring ang dalawa ang nagbabantay kay Mia. Ang hindi maalis alis sa isip ko ay kung bakit kailangan niyang magtrabaho sa DV CORP bilang janitress. Anong rason? Para ba itago ang pagkatao niya? Hindi man sinabi sa akin ni Miss Riva ang lahat ng impormasyon tungkol kay Mia ay hindi na ako nagpumilit pa. Ang mahalaga ay mahanap siya. Naalala ko ang sinabi ni Bruce noong huli kaming nagkita sa bar. "Kapag may nangyaring masama kay Mia. Papatayin muna kita bago pa ako mapatay o magiging miserable ang buhay ko." Kaya pala galit na g

