"Nasaan na si Mia ngayon?" maya maya ay tanong ni Justine sa akin. "Hindi ko alam." Bigla siyang lumingon sa akin na nakakunot ang noo. "Anong hindi mo alam?" "Wala na sa bahay eh. Umalis na." "What! Hindi mo man lang pinigilan." "Hindi ko alam na umalis eh." "Bakit? Dahil busy ka sa fiancee mo? Ang gago mo bro." Hindi ako sumagot. Hindi ko kasi nabanggit sa kanya kanina na nawawala si Mia. Ang pagpapakasal ko lang at ang tungkol sa ebidensya ang alam niya. "Kelan pa?" "Tatlong araw na." "Tatlong araw! At wala ka man lang ginagawa? Nakuha mo pang mag bar. Nak nang.. Dati ilang oras lang na di mo makita para ka ng baliw kakahanap. Ngayon wala ka ng pakialam. Mahal mo ba talaga ang babaeng yon?" "What's up bro. Anong pinag uusapan niyo? Mukhang seryoso ah." bati ni Bruce na umup

