THIRD PERSON'S POV "Nagawa niyo na ba ang pinapagawa ko?" "Yes boss. Maayos na ang lahat." sagot ng kanyang tauhan. "Good. May nakatambay na bang mga tao doon? " "Meron na boss." "Abangan niyo si Amari. Sigurado akong lalabas siya sa bahay na iyon..Dalhin siya sa akin patay man o buhay." "Masusunod boss?" "Pumunta ka na doon. Siguraduhin mong hindi siya makakatakas." "Areglado boss. Ngayong wala na siyang tagapagligtas madali na lang ang lahat." Pagkatapos ng usapan nila ay umalis na ang kanyang tauhan. Naiwan siyang mag isa habang nakangisi. Hindi mo akalain na sa likod ng gwapo nitong mukha ay nakatago pala ang malademonyo nitong anyo. Ilang sandali lang ay lumapit sa kanya ang isang magandang babae. Tulad ng dati ay maganda pa rin ito. Napaka amo ng mukha. Pero napaka sopis

