Ilang minuto na kaming tatlo na nasa loob ng conference room ngunit wala pa ring nagsasalita. Tila ba hindi kami magkakilala dahil siguro sa may kanya kanya kaming iniisip. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at umupo sa isa sa mga upuan na nandoon. Nang makaupo ay sumunod na rin ang dalawa. Kumilos na sila mula sa pagkakatayo at umupo rin ngunit wala paring nagsasalita kaya ako na ang nauna. "Bakit hindi nyo man lang sinabi sa akin? Kung nalaman ko kaagad sana hindi na umabot sa ganito. Kaibigan ko ba talaga kayo?" may pagtatampo kong tanong sa kanila. Sana kasi kahit sa ngalan man lang ng pagkakaibigan ay nasabi nila sa akin. "Hindi namin pwedeng gawin yon Armando. Mahigpit na ipinagbabawal yon ni tito. Kami naman ang malilintikan pag nagkataon. Sana maintindihan mo." paliwanag ni Brand

